Chapter 4.2

542 5 0
                                    

Umilaw ang numerong 8 kaya naman nagpaalam na din sa akin si sir Cinque. Sinimangutan lang ako ng mokong na nagngangalang Ferrel at umalis na sila. HIndi pa 'rin talaga ako makapaniwala na siya ang pinaggayahan ng Ferrel sa video game. Alam mo 'yun, ang layo-layo ng attitude ni Ferrel the fencing master kay Ferrel the kumagster.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa 14th floor na ako. Tinanggal ko ang shades na nakakabit sa mata ko at lumabas ng elevator. Kinuha ko ang tambak-tambak na files at bumalik na din sa department ko.

"Patrick, pa-forward naman sa email ko yung mga scenarios ng bawat settings." Umupo na ako sa cubicle ko at sinimulan na ang dapat simulan. 

----

Pagkagising ko ay nakita kong wala na ang mga kaoffice mate ko. Naginat-inat ako at tinignan ang relo sa palapulsuhan. 7:47pm na pala. Sinave ko na ang mga documents na tinype ko at shinut-down ang computer. Tumayo na ako sa pagkakaupo nang may nalaglag galing sa balikat ko. Ito ay isang itim na coat. Hindi akin ito. Masyado itong malaki para maging pambabae. Pinagkibit-balikat ko nalang iyon. Siguro ay sa pinsan o kay Patrick iyon. 

Sakto namang lumabas ako galing building ay bumuhos ang malakas na ulan. Buti nalang ay may dala akong kotse. Agad-agad akong pumunta ng parking lot at binuksan ang bag ko. Hinanap ko ang susi sa harapan ng bag ko pero wala dito. Sa malaking parte naman at wala din. Kinalkal ko na ang loob ng bag ko pero di ko pa'rin mahanap. Ibinuhos ko na ang laman ng bag ko at wala talaga! Ayoko namang bumalik sa office dahil madilim at nakakatakot na. Napakagat-labi na lang ako. Paano kaya ako uuwi nito?

Dalawa ang kotse sa parking lot. Ang isa ay sa akin at ang isa ay sa hindi ko alam. Siguro ay makikisabay nalang ako sa kanya. Umupo nalang ako doon sa parking lot at hinintay ang may-ari. May naaninag akong isang pamilyar na pigyura na papalapit sa kotse. Siguro ay iyon na ang may-ari! 

Laking tuwa ko ng makita kong pinatunog niya ang kotse. Nakatalikod siya sa akin at sobrang pamilyar. Siguro ay isa sa mga kadepartment ko ito. Lumapit ako doon at ngumiti.

"Pwedeng makisabay?" Ngiti ko dito at kinamot ang batok. Unti-unti din iyon na wala nang makita ko kung sino ang pinakiusapan ko na iyon. May pumukol na ngisi sa labi niya nang marinig niyang sinabi ko iyon.

"Eh 'diba sa'yo ang kotseng iyon? Sasabay ka sa'kin para halayin ako, ano? If that is the reason, I'm sorry but I have to say no." Pagkasabi niyang iyon ay sinara niya ang pinto ng kotse at pinaandar ito.

Once Upon A Demon's SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon