Eunice's Letter: Her POV [Bonus Chapter]

49 1 2
                                    

A/N: Please read the 1st part muna, 'yong POV ni Adrian bago 'to. Or, pwede rin namang mauna na 'to. Ikaw na bahala, ikaw naman magbabasa eh. Kung san ka komportable :)

paki play na din 'yong vid sa side, pakinggan niyo lang siya habang nagbabasa :D

NOTE!~ 'yong words sa loob ng ( ) sa letter ni Eunice kay Adrian, ibig sabihin eh, sinulat niya kaso bunira niya rin ulit. Please proceed ^_^

----------------------------------------------------------------------

Adrian,

Hindi ko alam kung kalian mo man ‘to mababasa, pero ang imporatante makita mo ‘to. Ni hindi ko nga alam kung man ba ‘pag dumating na ‘yong time na makita mo na ‘to, babasahin mo ba?

Hindi naman kita gustong saktan Ian eh. Maniwala ka. Sobrang masasaktan din ako sa gagawin ko. Iniisip ko pa nga lang, gusto ko ng mag-back-out. Kaso, hindi na pwede. Nakapangako na ‘ko eh. At alam ko naman na mas

Mahal na mahal pa rin kita. 1999 years pa nga di ba? Sorry ha. Ako pa’ng maninira no’n. Please, don’t hate me. I already hate myself so much for what I’m about to do. Or just, please, don’t let me know how much you’ll hate me when the time comes for us to see each other again, though tingin ko naman, malabo ng mangyari ‘yon. (In any case, aalis na ‘ko niyan) Just don’t mind that.

I hope I can be selfish for once, Ian. After all, you’re worth being selfish over. Ayaw kitang mapunta sa iba, ayaw kong may iba kang yayakapin, aakbayan, hahalikan, kakantahan, sasabihan ng “Mahal kita”… Kase masakit Adrian. Sobrang sakit. ‘Yong makitang may kasama kang ibang babae… parang nahahati ‘yong puso ko sa dalawa. Kaya nga no’ng nakita kitang kasama si Mel… grabe. Sanang pinatay niyo na lang ako. Madali lang magpanggap na hindi ako nasaktan, pero sa totoo lang, lumala

Alam mo, Adrian.. hindi ko man alam kung anong naging rason mo para gawin ‘yong ginawa niyo, ayos lang. Kase sino nga ba naman ako di ba? Isa mo nga lang naman akong hamak na girlfriend. Pero.. bakit gano’n? nasaktan na nga ako ng sobra, pero no’ng nagsorry ka sa’kin, okay na ulit. Gano’n na kalakas ‘yong epekto mo sa buong pagkatao ko.

Kaya kung man iisipin mo na ‘tong gagawin ko’ng to eh madali lang para sakin, nagkakamali ka. Wala na nga lang din talaga akong choice. Kasalanan ko din naman kase eh. Ako din naman nagtanggal ng choices sa sarili ko. Kung hindi ko naman kasi gagawin to, pareho lang tayong masasaktan. Matatanggap ko kung ako lang, pero kung pati ikaw? No. I don’t want you to feel any more pain. At least kung sasaktan kita ngayon, pwede mo pa kong mapagbuntungan ng sama ng loob, pero pag wala na

Magpapaka-selfish na 'ko ha? Kung bang hihiling ako na wag mo sana akong makalimutan, papayag ka? Pagbibigyan mo ba ako? Kahit na magalit ka sakin, mawawala rin ba ‘yon ‘pag nalaman mo na kung anong rason ko sa gagawin kong kagagahan na ‘to? I hope it’s enough reason. I hope that my (life) dream is enough reason for you to forgive me. I want to stay with you. I want to be by your side till we take our last breaths, but I don’t think that’ll be possible anymore.

(Mauuna na kasi ako)

Mahal na mahal na mahal kita, Adrian. I want to see you in a tux, standing beside your best man, in front of the altar, waiting for your bride to reach you. I desperately want to be that bride. And before it happened, before I received that horrible news, I was perfectly confident that I’ll be that lucky girl walking down the aisle towards you. But now, I know, that’s already impossible. I will not be walking down any aisles any sooner as a bride. I will not look at you smiling at me as I slowly come towards you. I’m letting you go, Adrian. Please do the same.

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon