-Philippines, January 1, 1714-
-8:30 p.m. -
(namamahinga ang mga tao dahil sa buong araw na pag hahanda.)
(biglang maririnig ang isang lalaking humahangos at hingal na hingal sa pagtakbo)
“HENERAL!! HENERAL!! DIKO!? IYO BANG NAKITA ANG ATING HENERAL!?”
“bakit animo’y humahangos ka? Ano ba ang iyong pakay? Naroon siya sa kanyang kubo at namamahinga.”
(agad na tumakbo ang kawal sa direksyon ng kubo ng heneral)
TOK! TOK! TOK!
“HENERAL! HENERAL!”
(agad binuksan ang pintuan ng isang matangkad at maputing lalaki, itim at may kahabaan ang kanyang buhok na may kulay tsokolate na mata at matatangos na ilong na halos walang bakas sa kanyang mukha ang pagiging pilipino)
“ano ang iyong sadya mensahero?”
(humihingal na sinabi ng kawal)
“PINUHUNO!!.. MGAHAA!! ESPAHANYOL!!”
“ano ang iyong tinuran? Kumalma ka panandali”
“(hingang malalim) Mga Pulutong po ng Sundalong Espanyol! Mula silangan papagawi po sa ating kampo”
(agad na nag bihis ang Heneral at kinuha ang kanyang baril at espada)
“DUMAGLI KA!! Sabihan ang lahat na magsipag handa! Patunugin ang kampana MADALI!!”
(nag tungo agad siya sa likod ng kanyang bahay kung nasaan ang kanyang kabayo at sumakay, samantala maririnig naman ang pagkabalisa ng mga tao sa paligid at ang tunog ng mga nag kikiskisang itak at kasa ng baril)
“una at ikalawang pangkat! Palibutan ang paligid bago ang tarangkahan maghanap ng mas mataas na lugar kung saan di kayo kaagad mapapansin doon sa gilid ng kabundukan. Ikatlo at ikaapat kayo ang magsisilbing bantay natin sa tarangkahan.. Ikalima at ikaanim kayo ang mag sisilbing ikalawang hanay sa tarangkahan. Ikapito, ikawalo at ikasiyam na pangkat sumama sa akin. ikasampung pangkat samahan ninyo ang mensahero at sabihan ang supremo sa mga kaganapan dito. Humingi kayo ng karampatang saklolo. MAGSIPAG HANDA ANG LAHAT! PARA SA KALAYAAN! MABUHAY ANG PILIPINAS!!”
(sumisigaw na sagot ng mga sundalo)
“MABUHAY!!!”
(ang lahat ay nag puntahan na sa kanilang mga naatasang lugar ng isang lalaki ang lumapit sa heneral)
“HENERAL! Ano ang ating plano?”
“Kapitan Tukso nais kong pangunahan mo ang hukbo na nasa kabundukan nais kong kahit papaano’y bawasan ang mga sundalong espanyol bago makarating sa tarangkahan madali ka at ihayag ito agad sa mga naroon na”
“Masusunod Heneral!”
(agad na umalis ang heneral pag bigay ng utos ngunit pumunta ang kapitan sa isang hukbo)
“ngayon na ang gabing sinabi sa atin ng alkalde mayor kapalit ng napag usapang halaga at kasunduan ay gagawin natin ang nasasaad sa plano”
(nag punta na ang kapitan sa kabundukan kasama ang kanyang hukbo)
(makalipas ang ilang minuto maririnig na sa paligid ang sigawan ng mga sundalong nag lalaban, ang mga putok ng baril, ang kalansing ng mga nag babanggaang itak. Binalot ng kaguluhan at karahasan ang buong paligid. Maya maya pa’y nakapasok na ang mga espanyol sa kampo)
(sumigaw ang Heneral)
“PARA SA BAYAN! HANGGANG KAMATAYAAAAN!”
(nabalot muli ng tensyon ang buong kapaligiran ngunit nag tagumpay ang mga espanyol. Maya maya pa ay tinamaan ang kabayo na sinasakyan ng heneral at napabalikwas ito sa lupa akmang tumama ang kanyang ulo na nag dulot ng isang sugat sa noo. Agad itong nilapitan ng isang lalaki)
“Heneral! Tumakas na kayo kami ng bahala dito!”
(ayaw umalis ng heneral ngunit pilit siyang binitbit ng apat niyang kasamahan. Habang tumatakbo sa kakahuyan ay makikita ang pag ngilid ng luha ng batang heneral sa mga nakikita niya sa paligid. Ngunit kailangan nitong magpakatatag at mabuhay alang alang sa mga taong nag sakrispisyo ng buhay.)
(sa kalagitnaan ng kanilang pagtakas ay isang boses ang narinig sa di kalayuan)
“PARAR! INDIO! INDIO!”
(boses iyon ng isang kawal na espanyol. Agad nilang pinaputukan ang mga ito. At mas lalo pang binilisan ang pagtakbo. Hanggang sa makarating sila sa gilid ng bangin. At dito sila napalibutan. Isang pamilyar na tinig ang naulinigan ng heneral.)
“Heneral Ng hukbo mula sa silangan. Ang pinakamatinik at pinaka batang heneral ng katipunan”
(tinig mula sa likod ng mga kawal na espanyol na tila ba nangungutya)
“IKAW! Isa kang traydor sa bayan! Lapastangan ka!”
(tinig pala iyon ng kanyang kapitan at matalik na kaibigang si Dionicio Tukso)
“sinabi ko naman sa iyo ang mungkahi ng mga prayle sa atin. nag papakita na sila ng kagandahang loob sa ating mga kawal at nais pa nila tayong bigyan ng lupang sasakahan sumuko lamang tayo sakanila”
“wala akong tiwala sa mga iyan! Pulos lang sila salot sa ating inang bayan! Mga pahirap sa ating mga kababayan!”
(nag tagal ang kanilang pag tatalo ng biglang pinag babaril ng Kapitan ang mga kasamang sundalo ng Heneral)
“Heneral! Heneral! Bilang hindi ko nagugustuhan ang patutunguhan ng ating usapan ay Papipiliin na lamang kita sa kung anung uri ng pagkamatay ang iyong nais. Nais mo bang mamatay sa kamay ng isang kaibigan? O magkabalibali ang iyong mga buto sa pagtalon sa bangin na iyan?”
“TAMPALASAN KA DIONICIO!”
(akmang dudukutin ng heneral ang kanyang baril ay agad itong pinaputukan ni kapitan tukso at tinamaan siya sa braso. Napa atras ang heneral patungo sa bangin at tuluyang nahulog. Biglang may isang napakalakas na liwanag ang nakita nila mula sa pinag hulugan ng heneral. Nang mawala ang liwanag ay sinilip nila ang bangin. Wala ang bangkay ng heneral na nahulog. Wala ni isang bahid ng dugo ang nasa ibaba ng bangin na iyon. Tanging ang naibaon na espada sa lupa ang natirang bahid ng heneral na kanikanina lamang ay kaharap nila.. Nasaan na kaya ang heneral? Ano ang nang yari sakanya?)
BINABASA MO ANG
Love Bounds
FantasyWhat if you fell inlove with a man from hundreds of years ago? or You have fallen in love to a woman who were years apart from where you were? Would you still pursue your love? or Would you accept the fact that you had the right love at the wrong ti...