CHAPTER 1
I. Spain Celeste
TACK ~
-
"PAREEEEEE!" Napasinghap ako nang may biglang tumalon sa likod ko. Tawang-tawa pa ang hayop habang iniipit ang ulo ko sa kili-kili niya.
"Sh-t, bitawan mo nga ako! Ang baho!" Sigaw ko kaya mabilis niya akong binitawan. Kunut-noong inamoy-amoy pa niya ang sarili niya tapos ay tiningnan ako ng masama.
"Hindi naman, ah! Upakan kita diyan, eh." Itinaas pa niya ang manggas ng T-Shirt na suot niya na akmang uupakan talaga ako. Napailing na lang ako saka inayos ang sarili ko.
"Wala ka pa ring pinagbago." Iiling-iling na sabi ko. Siya naman ang inipit ko sa kili-kili ko saka mahinang kinutusan.
"Aray! Lintik ka talaga—hala! Si Spain!" Napabitaw agad ako kay K dahil sa biglang sigaw niya. Mabilis kong iginala ang paningin ko sa kabuuan ng paligid at nang wala akong makita ay sinamaan ko ng tingin si K. Natatawang tinapik-tapik niya ako sa balikat.
"Bwisit ka talaga." Bulong ko sa kaniya. Mas lalo siyang natawa.
"Dude, it's been 2 years. Hindi ka pa rin naka-move on?" Ngingisi-ngising tanong niya sa 'kin. Malakas akong napabuntung-hininga. Dalawang taon na pala, "hindi na lilitaw 'yun, Dude. 'Wag ka na kasing umasa. Masasaktan ka lang." Nang-aasar pa ang tono ng pananalita niya kaya pasiring ko siyang tiningnan.
"Kayela Aspen. Kahit pa abutin ng isang dekada ang paghihintay ko, wala akong pakielam. Mahal ko si Spain at alam kong may 'kami' pa dahil hindi naman siya nakipag-break sa 'kin noon. Kaya manahimik ka diyan at 'wag sirain ang magandang araw ko." Mahabang sabi ko at mabilis naman siyang napangiwi.
"Pakyu, dude. Ang bantot ng pangalan ko kapag ikaw ang nagsasabi. Masyadong girly, pwe! Key-la? Pa-slang amputs." Napailing na lang ako at nauna nang naglakad. Sa hinaba-haba ng sinabi ko.. 'yung pangalan lang talaga niya ang inintindi niya? Psh.
"Dude! Hintayin mo naman ako!" Pahabol na sigaw niya, "K kasi 'yun, dude. Isang Kayela mo pa tatamaan ka talaga sa 'kin." Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Madaldal talaga ang babaeng iyan. Pero gaya ng laging sinasabi niya, hindi kami talo. Kaibigan ko siya at naging best friend rin ni Spain.
Napayuko ako nang maala ko ang babaeng naging laman ng isipan ko sa nagdaang dalawang taon. Spain Celeste. Ang babaeng naging inspirasyon ko para tumino sa pag-aaral. Ang babaeng ginawa kong insipirasyon sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko. Gusto kong kapag nakita ko siya ulit, makita niya ang pagbabago ko. Sa paraang iyon.. umaasa akong babalik siya sa 'kin at hilinging maging sa kaniya ulit. Napabuntung-hininga ako. Miss na miss ko na siya.
"Hoy. Saan punta mo? Dito classroom natin, dude." Natigil ako sa paglalakad dahil sa malakas na paghila sa 'kin ni K. Nawala na pala ako sa huwisyo.
Si K na ang naghanap ng bakanteng upuan para sa 'min. Nang makahanap ay agad kaming umupo. Napatingin ako sa bintana.
'Spain.. nasaan ka na ba? Kailan kita ulit makikita? Magparamdam ka, please.. hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung ilang taon pa kitang hindi makikita. Graduating na tayo.. pangarap natin ito, 'di ba? Ang makitang sabay tayong magtatapos ng high school? Bakit mo ako iniwan?'
Sumubsob agad ako sa desk ko nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Ayoko nang umiyak ulit. Kahit na masakit.. pipilitin kong magpakatatag. Alam kong babalik siya sa 'kin. Mahal niya ako. Mahal ako ni Spain.
"Pare. Umayos ka nga diyan. First day na first day ng klase nag-eemote ka." Hinila ni K ang laylayan ng uniform na suot ko.
"Hindi ako nag-eemote." Sabi ko nang nakasubsob pa rin.
"Eh 'di umayos ka man lang ng upo dahil nandiyan na si Ma'am Terror." Kahit na ayaw ko ay umayos na ako ng upo. Tama nga si K. Nasa harapan na si Ma'am Terror—ang magiging adviser namin sa school year na ito. Ngayon ko lang napansin na halos puno na kami sa classroom bukod sa upuang nasa harapan namin ni K. Bakante iyon.
"Good morning," bati ni Ma'am Terror na mabilis naman naming sinagot. Introduction ang unang ipinagawa niya. Isa-isang nagpakilala ang lahat. Nang ako na ang sunod ay tumayo na ako at nagsimulang magsalita.
"Hi. I am Tack Señerez. It's my pleasure to—"
May kumatok sa pintuan dahilan para maputol ang sinasabi ko. Kunot ang noong lumapit room si Ma'am at binuksan. Ilang minuto lang ay bumalik si Ma'am sa harapan.
"Mr. Señerez, you may now sit down." Utos sa 'kin ni Ma'am na mabilis ko namang sinunod, "Miss Celeste? Come here in front and introduce yourself." Kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko.. lalo na noong pumasok ang babaeng hinihiling kong makita araw-araw. Ang babaeng umokupa sa isipan ko, at ang babaeng patuloy na nagdudulot ng sakit sa buong pagkatao ko.
"Good morning. I'm Spain Celeste. It's nice to meet you all."
Tila patuloy na nagre-replay ang mahinahon at magandang boses niyang iyon sa tainga ko. Walang pinagbago.. tila musika pa rin sa pandinig ko. Tila nalunok ko ang sarili kong laway habang tulalang nakatitig sa nakangiting mukhang iyon ni Spain. Mas lalo siyang gumanda.. pero mas pumayat ang pangangatawan niya.
Nawala ang kaninang magandang ngiti sa mga labi ni Spain nang magtama ang paningin namin. I can't describe those strange emotions written on her beautiful face as we are both staring at each other. Halos hindi ko naman mapakalma ang puso ko. Gusto ko siyang yakapin at halikan. Parang gusto ko siyang itali na lang sa bewang ko para hindi na siya umalis muli. Looking at her standing beautifully in front makes my heart pounds so fast. I missed her so badly. So badly that my heart aches every time I saw her looking at me without any emotions.
"Please take that vacant seat in front Mr. Señerez, Miss Celeste." Bumalik ang ngiti ni Spain nang lingunin niya si Ma'am Terror. Naglakad siya papalapit sa bakanteng upuang nasa harapan ko lang. Habang papalapit siya ng papalapit ay pabilis rin ng pabilis ang tibok ng puso ko. Nakatingin siya sa 'kin. Nakatingin siya pero walang ngiti. Parang pinipiga ang puso ko.. wala na ba talaga siyang pakielam sa 'kin?
Umupo siya sa harapan ko. Nanuot pa sa ilong ko ang dating pabango niyang lagi niyang ginagamit noong nasa Junior High pa kami. Ang amoy niyang iyon ang hinahanap-hanap ko.. ang amoy na iyon ang una kong minahal sa kaniya.
Napalingon ako kay K nang kulbitin niya ako. Nanlalaki ang mga mata niya habang inginunguso si Spain na tutok ang paningin sa harapan. Gaya ko ay hindi rin siya makapaniwalang nasa harapan na namin siya.
"Dude, si Spain!" Mahinang bulong pa niya. Tumango ako, "shete pare.. hindi ko inaasahan 'to! Anong balak mo? Nasa harap mo na, oh!" Dagdag pa ni K. Natigilan ako. Nasa harapan ko na nga siya gaya ng lagi kong hinihiling noon.. pero ano nga bang balak ko? Hihilingin ko ba ulit sa kaniyang balikan niya ako at magsimula kami ulit?
Napasabunot ako sa buhok ako. Natatakot ako. Paano kung 'stay away from me' ang matanggap kong sagot ulit sa kaniya? Makakaya ko ba ulit ang sakit? Is she worth the pain?
Napatitig ako sa itim na itim na buhok ni Spain. Mabilis kong napansin ang hair clip na suot niya. Ang hair clip na ibinigay ko noon sa kaniya. Napangiti ako.
'Yes. You are worth the pain, Spain Celeste.'
~