CHAPTER 2
II. You Are Worth The Pain
TACK ~
-
Mabilis kong niyakap si Spain mula sa likuran nang akmang tatayo na siya para mag-recess. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya at halatang hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya saka ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.
"A-Ano bang—"
"Please.." Pagpipigil ko sa kaniya, "please.. 'wag mo akong palayuin this time, Spain, dahil hinding hindi kita papakinggan." Bulong ko pa. Ramdam ko ang malambot na kamay niyang humawak sa kamay kong nakapalibot sa bewang niya.
"Tack.."
Mas lalo kong ibinaon ang ulo ko sa balikat niya. Kung panaginip man ito.. 'wag niyo na akong gigisingin, please.
"Let me go, Tack."
"No—"
"Let me go."
"Spain—"
"When she said let her go, let her go."
Napabitaw ako kay Spain nang may biglang humila sa kaniya palayo sa 'kin. Napatitig ako sa lalaking iyon. Hindi siya pamilyar sa 'kin. Sino siya? Tumingin ako kay Spain. Hindi siya nakatingin sa 'kin kundi sa sahig. Bumaba ang paningin ko sa kamay nilang magkahawak. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Posible kayang..?
"This girl is off-limits, dude. At once na nakita ulit kitang ginugulo siya.. basag iyang mukha mo." Kita ko kung paano hilahin ni Spain ang lalaking iyon.
"Jap." Bulong lang iyon ni Spain pero rinig na rinig ko, "tara na." aya pa niya sa lalaki. Ang kaninang matalim na tingin sa 'kin ng lalaking tinawag na Jap ni Spain ay nawala nang lingunin niya ang huli. Inakbayan niya ang nakayukong si Spain saka ngingisi-ngising hinila siya palabas ng classroom namin.
Napaupo ulit ako sa silya ko at wala sa sariling napatitig sa kawalan. Parang hindi ako makahinga. Ang sakit.. parang may bumara sa lalamunan at sa puso ko. Parang sasabog iyon. Gusto kong magwala sa isiping.. boyfriend ni Spain ang lalaking iyon.
Napasabunot ako sa buhok ko nang sunud-sunod na tumulo ang luha ko.
Napakaiyakin ko kung tutuusin pero masisisi niyo ba ako kung ang mga luhang ito ay traydor at kusang lumalabas kapag hindi ko na kaya ang sakit? Tinatawanan ko noon ang mga lalaking nakikita kong umiiyak dahil nakakabakla tingnan pero ganito pala. Wala kang pakielam kung nagmumukha kang bakla dahil sobrang sakit dito.. dito sa puso ko.
Masaya akong bumalik siya. Masaya akong nakita ko siya ulit. Masaya akong matutupad na ang pangarap namin noong sabay kaming magtatapos. Pero sobrang sakit na lahat ng iyon ay wala lang pagdating sa kaniya. You are worth the pain, yes, pero 'wag mo naman sana akong patuloy na patayin sa sakit na ito. Save me for once, Spain. Kahit ngayon lang.. gaya ng lagi mong ginagawa noong tayo pa.
-
"Dude, narinig mo ba 'yon?" Hindi ko nilingon si K. Busy ako sa pagdamay ng 50-50 kong puso at hindi ko alam kung paano iyon bubuhayin ulit, "tulala na naman 'to. May assignment daw tayo! Tack, 'wag ka ngang ganyan." Nagulat ako nang bigla akong kinuwelyuhan ni K at sapilitang ipinaharap sa kaniya. Napakaseryoso niya habang nakatitig sa mga mata ko.
"A-Ano bang problema mo? Bitawan mo nga ako." Walang kabuhay-buhay na sabi ko sa kaniya na hindi naman niya pinakinggan.
"Ikaw ang problema ko, Tack. Tatlong araw ka nang ganyan. Kakasimula pa lang ng klase, 'wag ka na namang umasta na parang end of the world na! Ipapaalala ko ulit sa 'yo, dude. Graduating na tayo." Binitawan niya ang kuwelyo ko pagkatapos, "saka napupunyeta ako, ha? Sino ba 'yung lalaking laging kasama ni Spain? Napaka-epal niya. Saka.. bakit ganun si Spain? Hindi pa niya tayo kinakausap mula nung first day. Nakakapikon na siya. Siya na nga itong umalis nang walang paalam tas siya pa 'tong ganito makaasta. Tsk."
Napatingin ulit ako sa bintana. Sa tatlong araw na nagdaan.. wala akong ginawa para kausapin si Spain. Hinayaan ko lang siyang laging kasama ang lalaking iyon. Hinayaan ko lang ang sarili kong masaktan ng masaktan habang nakikita siyang may kasamang iba. Mukhang habambuhay na nga ang banta niyang 'stay away from me' two years ago.
"Hoy, Spain." Napalingon ako bigla kay K dahil sa sinabi niya. Nakatingin siya sa kaharap niya. Si Spain.
"Hmm?"
"Ako si K." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni K. Anong trip nito? "at itong kaupo ko.. si Tack." Sabay turo pa niya sa 'kin. Nagtatakang nakatingin lang naman si Spain kay K. Ni hindi man lang niya ako magawang tingnan.
"A-Alam ko.." Mahinang sambit ni Spain. Napangisi si K.
"Ipinapaalala ko lang. Akala ko kasi ay hindi mo na kami kilala." Pinandilatan ko ng mata si K pero hindi niya ako pinansin, "nga pala. Ikaw ang makakasama namin ni Tack sa assignment. Bahala ka kung gusto mo o hindi. Sinasabi ko lang." Napatingin ulit ako sa bintana. Asa pa akong papayag 'yan.
"S-Sige.. kailan ba gagawin?" Halos magtatatalon ang puso ko sa narinig na sagot ni Spain. Pumayag siya?
"Mm. Mamaya na. Sabay ka na lang sa 'min mamaya." Hindi ko na narinig ang sagot ni Spain dahil pumasok na ang magiging guro namin this hour. I glanced at K. Isang nakakalokong ngiti lang ang ibinigay niya sa 'kin kaya nangingiting napailing na lang ako.
'Iba ka rin, Kayela Aspen.'
~
"SPAIN!"
Napatigil kaming tatlo sa paglalakad sa narinig na sigaw na iyon. Agad akong nainis nang makita kong si Jap iyon. Epal na lalaki.
"J-Jap." Narinig kong sambit ni Spain sa pangalan ni Jap. Masama ang pagkakatingin niya lalo na sa 'kin.
"Why are you with them?" Nanunumbat ang tono nito habang masama ang pagkakatingin kay Spain. Nagtagis ang bagang ko. Gusto ko siyang suntukin. Hindi ko kailanman kinausap ng ganito si Spain—tas siya.. ang lakas ng loob niya? Araw-araw ba niyang ginaganito si Spain?
"Jap, may assignment kami. Kung hindi ako sasama sa kanila ay babagsak ako." Mahinahon ang boses ni Spain habang nakatingin ng diretsiyo kay Jap. Kilala ko ang mga tingin niyang iyon—tinging nagmamakaawa. Naikuyom ko ang kamao ko. Sino ka sa buhay ni Spain?
"Kaya mong gawin 'yan ng mag-isa, Spain. Tutulungan pa kita kung gusto mo. Tara na. Umuwi na tayo." Hinawakan ni Jap ang isang kamay ni Spain at akmang hihilahin na siya pero mabilis ko ring hinila ang isang kamay niya.
"Don't." I pleaded almost in a whisper. Nakatingin ako kay Spain. Nagmamakaawa ako.. 'wag kang sumama sa kaniya. Kahit ngayon lang.
"Spain. Let's go." Madiing sabi ni Jap habang sa 'kin nakatingin. Ibinalik ko ang paningin ko kay Spain. Sa kamay namin siya nakahawak kapagkuwan ay iniangat niya ang paningin niya sa 'kin, "Spain.. you don't want your father know about this, yeah?" Muling nagtagis ang bagang ko. How dare he blackmail my woman. I wanna punch him to death!
"Tack.." Mahinang sambit ni Spain sa pangalan ko. Bahagya niyang pinisil ang kamay ko kaya napangiti ako. She gave me little smile—bagay na matagal ko nang hinihiling na ibigay niya ulit sa 'kin, "I'm sorry.." after saying those words.. she let go of my hand. Naiwan sa ere ang kamay ko habang nakatingin sa likuran niyang hila hila ni Jap.
Mas pinili niyang umalis ulit. Mas pinili niya ang saktan ako ulit. Mas pinili niyang sumama sa lalaking iyon kaysa sa 'min. Should I be mad at her? No. I will never get mad at her.. kahit nakakapagod nang masaktan at umasa.. kahit na feeling ko ay wala na talaga kaming pag-asa.. patuloy pa rin akong aasa na sana.. ako naman. Na sana.. maging akin siya ulit.
Kahit na ang buong mundo ay hindi aayon sa kagustuhan ng nararamdaman ko.
'I will never get tired of hurting because of you, Spain, because you are worth the pain.'
~