Chapter 3

14 6 0
                                    

CHAPTER 3

III. Truth and Everything

TACK ~

-

Napahinto ako sa tapat ng pinto nang makita kong may tao sa loob ng classroom namin. Lunch break na namin at naisipan kong dito na lang sa classroom namin tatambay. Naglakad ako ulit habang nakatuon ang atensiyon ko sa pamilyar na katawang iyon.

Nakasubsob ito sa desk niya, at base sa paggalaw ng balikat niya ay natutulog siya. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya. Nagkalat ang papel sa floor at ang ilan sa mga iyon ay paper arts. Mahilig pa rin pala siya don.

Sinilip ko ang mukha niya at mas lalo pang napangiti nang makita ko siyang payapang natutulog. Ang lahat ng sakit na pasan pasan ko ay unti-unti nawala just by looking at her beautiful face. My Spain..

Napatingin ako sa mga papel na ikinalat niya. Nangunot ang noo ko nang makitang drawing ang mga ito. Pumulot ako ng isa, at ng isa pa. Napatingin ulit ako kay Spain. This is a perfect portrait of me.. ako 'to. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Muli, nakakita ako ng pag-asa. Nilingon ko ang sketch pad na nasa desk niya. Marahan ko iyong kinuha. Napalingon pa ako sa kaniya nang makita kong bahagya siyang gumalaw. Nang mapansin kong tulog pa rin siya ay binuklat ko ang sketch pad niya.

"Shit.."

Lahat ng drawing na nandoon ay sa akin nakapangalan. Bawat drawing ay may nakalagay na maliit na caption. May date ring nakalagay sa ibaba nito tapos ay may pirma pa siya.

Noong 02/27/2018 ang unang sketch and that was two years ago. Binasa ko ang caption niyon.

'Hi, Vae. Aabot pa kaya tayo ng
8? Sana umabot pa tayo. Hindi
ko na kasi alam kung anong
gagawin ko.. nasasakal na ako, Vae.'

Nasasakal? Saan? Saan siya nasasakal? Sa akin? Bakit hindi ko alam ito? Kaya mo ba ako pinalayo sa 'yo, Spain? Kasi nasasakal ka na sa 'kin? Nasasakal na ba kita?

Pumunta ako sa next page. Pero sa halip na sketch ay letter ang nandoon. Naka-paste siya.

'Tack. I'm so sorry. Sorry. Sorry. Sorry.
I didn't mean to hurt you, Vae.. hindi
ko sinasadya. Masakit rin naman sa parte
ko ang palayuin ka. Masakit, Vae, sobrang
sakit. Kung gaano ka umiyak kanina..
triple pa ang iyak ko habang isinusulat ito.
Kasi.. hindi pwede eh. Sorry, Tack. Sorry.
Sorry kung iniisip mong napakawalang
kwenta ko. Totoo naman, eh. Kasi hindi
ko magawang ipaglaban ka. Para saan pa,
Vae? Pareho lang tayong masasaktan.
Mahal kita.. at patuloy kitang mamahalin.
Kahit na alam kong kontra ang lahat sa
pagmamahal kong ito para sa 'yo.'

Namanhid ang pisngi ko na halos hindi ko na maramdaman ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Sa kabila non ay hindi ko magawang maguluhan? Bakit hindi pwede? Bakit mo nga ba ako pinalayo sa 'yo, Spain? Anong ipaglalaban? Para saan? Para kanino? Gulong gulo na ako. Inilipat ko ulit sa kabilang page. Another letter.

'I told you to stay away from me pero
hindi mo ginawa. Patuloy kang lumalapit
sa 'kin.. patuloy mo akong kinukulit.
Alam mo ba kung anong pagpipigil ang
ginawa ko para hindi magbreak down
sa harap mo? Pinapahirapan mo ako,
Tack. Ginagawa ko ito para sa 'yo.. para
sa 'tin.. please, will you stay away from me?
Stay away from me, Tack..'

Gusto kong malaman kung anong dahilan mo. Bakit mo ako pinapalayo? Bakit mo mas piniling saktan ang sarili nating pareho?

'Masakit man sa parte ko.. I chose to
leave you, my Vae. Hindi ko na kasi
kaya.. kung hindi mo kayang layuan ako..
ako na lang ang lalayo. Pero hindi ibig
sabihin non hindi na kita babalikan.
Babalik ako, Tack. Pangako 'yan.'

Bakit? Bakit hindi mo sabihin? Akmang ililipat ko ulit sa next page nang may humablot non sa 'kin. Si Spain. Kitang kita ko ang takot sa mga mata niya habang yakap yakap ang sketch pad niya. Pero nang makita niya ang hitsura ko ay agad bumakas ang hesitation sa mukha niya.

Stay Away From Me (22)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon