Chapter 4

13 7 0
                                    

CHAPTER 4

IV. The Reason Why

SPAIN ~

-

flashback...

"From now on, Spain, layuan mo na ang lalaking iyon. Break up with him this instant or else.. hindi mo magugustuhan ang mangyayari." Ma-awtoridad ang boses ni Daddy habang sinasabi iyon sa 'kin. Iyak ako ng iyak. Doble doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Una ay ang katotohanan sa pagkamatay ni Mommy. Thinking that my boyfriend's father killed her.. sobrang sakit. Naaawa ako kay Mama. Hindi ko aakalaing ganoon pala kalala ang sinapit niya. She was killed mercilessly! Pangalawa ay ito. Gusto niyang maghiwalay kami ni Tack. Gusto niyang lumayo ako sa kaniya.

Mabilis akong lumuhod sa harapan ni daddy. Punung puno ng luha ang mga mata ko.

"D-Dad, please.. wala siyang alam. Hindi niya alam. 'Wag ganito, dad.. h-hindi ko kakayanin.." Lumuhod si daddy sa harapan ko. Matalim ang pagkakatingin niya sa 'kin.

"And you dare to beg for that bastard? Ha! Isa kang Celeste, Spain! Act like one! Ipapaalala ko ulit sa 'yo, pinatay ng ama niya ang mama mo! Delikado ang pamilya niya!"

"But, dad, I love him!" Mas lalong tumalim ang tingin ni daddy sa 'kin.

"Anong sabi mo?" Napalunok ako.

"M-Mahal ko si Tack, dad.. kahit ano pa siya.. tanggap ko siya." Buong tapang kong sabi sa kaniya.

"Kahit pa man buhay ng mama mo ang kapalit?" Tumaas ang tono ni daddy. Hindi ako nakapagsalita, "stay away from him, Spain. Dahil hindi mo magugustuhang mabasa ang pangalan ng lalaking iyon na nakaukit sa isang lapida." Makahulugang sabi niya bago niya ako iniwanan. Napayuko ako at tahimik na umiyak.

Hindi ito ang gusto kong mangyari. Iniisip ko pa lang na lalayo ako kay Tack.. hindi ko na kaya. Pero natatakot ako.. natatakot akong kapag hindi ako kumilos ay si dad ang kikilos. Ayokong dumating ang puntong iyon dahil iba kumilos si daddy. Mainit ang dugo niya sa mga Señerez at kapag sinabi niya ay gagawin niya.

Ano nang gagawin ko?

"Get up, Spain." Nag-angat ako ng tingin. Bumungad sa 'kin ang walang emosiyong mukha ni Jap. Nakalahad sa 'kin ang kamay niya, "kumilos ka na kung talagang mahal mo siya." Mas lalo akong naiyak. Tama ba ang gagawin kong paglayo kay Tack?

end of flashback...

Naramdaman ko ang mainit na pakiramdam na pumalibot sa likuran ko. Niyakap ako ni Tack. Pinunasan rin niya ang mga luha kong hindi ko namalayan na pumatak. Maging siya ay umiiyak rin.

"I'm sorry, Spain.. I'm sorry.. my father ruined your family. H-Hindi ako nababagay sa 'yo.. I'm such a failure.. I'm sorry.."

Niyakap ko siya. Ito ang ayaw kong mangyari. Ayokong malaman niya ang tungkol dito dahil tiyak na kusa siyang lalayo sa 'kin—at ayoko niyon. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. I missed him so badly. I missed his warm embrace, I missed being in his arms. I missed everything about him. Mahina akong umiyak. Natatakot akong baka ito na rin ang huli.. I let go of him.

He looks.. miserable.

"Spain.. t-tanggapin mo pa rin ba ako k-kahit na sinira ng p-pamilya ko ang pamilya mo?" Desperadong tanong niya. Mabilis akong tumango.

"Sa tingin mo, bakit ako babalik dito? Bakit kita pinapalayo? Bakit kita nilayuan?" Sa kabila ng luha niya ay ngumiti siya.

"Akala ko kasi ayaw mo na sa 'kin kaya mo ako pinalayo. A-Akala ko galit ka na sa 'kin."

"Hindi mangyayari 'yun, Tack.." Bulong ko. Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi niya. Oh, how I love to see those smiles again.

"I-Isang tanong na lang Spain.." huminga siya ng malalim, "p-pwede bang pakipulot na 'yung puso kong iniwan mo?" Napangiti ako sa tanong niyang iyon.

"Hindi ko naman binitawan ang puso mo, Tack," tumingin ulit ako sa magandang tanawin dito sa rooftop. "After the day I told you to stay away from me.. dala-dala ko na iyon. Iyon ang pinanghahawakan ko sa dalawang taong nasa US ako. Kasi.. sabi ko noon sa sarili ko, 'nasa akin ang puso niya.. may babalikan pa ako panigurado.'" Mahina akong natawa saka siya hinarap, "at heto nga.. you are here right in front of me." At hindi ko inaasahan ang ginawa niya.

Inisang-hakbang niya ang pagitan namin at mabilis akong hinapit sa bewang. My lips parted when he suddenly claimed them. Hindi ko iyon inaasahan. It was soft and passionate.. full of passion and care.

It only lasted for a minute dahil may biglang sumipa ng pintuan.

~

TACK ~

Ang kaninang nag-uumapaw na sayang naramdaman ko ay napalitan ng inis. Napahigpit ang hawak ko sa bewang ni Spain. No. He will not going to get her away from me again.

"Spain! Kanina pa kita hinahanap! Umuwi na tayo." Akmang kukunin niya ang kamay ni Spain pero mabilis ko siyang inilayo sa kaniya. Inis akong tiningnan ni Jap, "oh. Didn't I tell you that she's off-limits? Let her go, dude. Bago pa tumama itong kamao ko sa pagmumukha mo." Iritadong sabi niya.

"No." Madiing sabi ko kaya mas lalo siyang nairita. Hindi niya ako pinansin at si Spain ulit ang hinarap niya.

"Umuwi na tayo, Spain. Gabi na." Maawtoridad ang boses na sabi niya, "and why are you two hugging by the way?" Inis na tanong pa niya. Hindi ko alam pero biglang natawa si Spain.

"Jap. Calm down." Tiningnan siya ng masama ni Jap.

"Kakalma lang ako, Spain, kung layuan mo na 'yang kutong 'yan at umuwi na tayo. Ayaw mo naman sigurong magpa-search and rescue operation ang daddy mo, 'di ba?" Sarkastikong sabi niya. Tumalim ang tingin ko sa kaniya.

"Ikaw ang kuto!" Sigaw ko pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Tama na 'yan," natatawang sabi ni Spain, "let me go—"

"Spain.." Tinitigan ko siya. Papalayuin mo ba ulit ako?

"Hahaha. Don't give me that look, Tack. Hindi na kita iiwan, okay?" She gave me a reassuring smile kaya napangiti ako.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan, Spain?! Anong hindi iiwan?!" Salubong na salubong na ang kilay ni Jap habang nakatingin sa 'ming pareho ni Spain. Epal talaga, tss.

"Jap, this is Tack." Nakangiting sabi ni Spain kaya natigilan si Jap. Kapagkuwan ay tumalikod na siya. Anyare dun?

"Whatever. Bilisan niyo diyan. Dalawang oras na akong naghihintay." Biglang kalmadong sabi niya saka lumabas ng rooftop. Nagtatakang nilingon ko si Spain.

"Anong nangyari dun?" Umiling-iling siya, "at sino ba 'yon? Boyfriend mo?" nagsalubong ang kilay ko sa sarili kong tanong.

"Haha. Hindi. Boyfriend na nga kita 'di ba?" Natigilan ako sa sinabi niya kapagkuwan ay napangiti ako. 'Yung ngiting abot tainga. Pero nawala rin agad iyon nang maalala ko ulit si Jap.

"Sino nga 'yon?"

"Japan Celeste. Pinsan ko sa father side."

"Ha?" Mahina siyang natawa.

"Oo nga."

"P-Pero sabi niya off-limits ka na.. a-anong off-limits?" Doon siya napangiti.

"Alam niyang na kay Tack Señerez na ang puso ko kaya hindi na ako pwedeng magmahal ulit. Off-limits ika nga niya. Bawal nang landiin." She looked at me, "gabi na. Tara?" Napakurap ako. Nakalahad ang kamay niya sa harapan ko kaya nangingiting kinuha ko iyon.

"Tara."

I kissed her temple before whispering on her ear.

"You really are worth the pain, Vae."

~

Stay Away From Me (22)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon