Pagtatagpo.

5 0 0
                                    

C A D E N C E .

Kasalukuyan kong binabasa ang pang-labing isang pahina ng paborito kong libro nang may hampaslupang kumatok ng malakas sa pintuan. Inikot ko ang mga mata ko at nayayamot na tumayo mula sa kinauupuan.

"Anak, lumabas ka muna riyan at kumain ka muna doon sa baba. Aba'y mahigit kalahating araw ka nang nagkukulong riyan sa loob." mahinahon ang pagsambit ni Mama kaya pinakalma ko ang sarili ko dahil hindi isang hampaslupa ang nanay ko :)

"Ma." sabi ko habang inaayos ang bilugang salamin na nakasabit sa mukha ko. "Wala po akong gana eh."

"Hay, dahil ba kay---" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil inunahan ko na siya bago niya masabi ang pinaka-mabantot na pangalan sa balat ng universe.

"Hindi po. Bakit naman pumasok sa isip niyo 'yan? Kung ano man ho 'yung nangyari sa amin noon, sinusumpa kong isang malagim na trahedya 'yon ng buhay ko. Inaamin ko po, naging masakit 'yun." tumigil ako bahagya dahil humugot ako malalim na hininga. "What happened before is done. I don't want to confine myself up. I want to let myself free."

"Well, gusto ko lang na malaman mo na umalis sila ng kuya mo to bond theirselves. Kaya pwede ka nang lumabas diyan at maghapunan. Celeste wants to see you, so bad." nakangiti niyang sinabi 'yon. "They missed you."

Tinapik ako ni mama sa balikat bago mawala sa paningin ko. Nagbuntong hininga akong muli bago isara ang pintuan. Tumungo ako sa aparador ko para magpalit. Gusto kong maging presentable tignan. Nang makuntento ako ay tumingin ako sa salamin at tinignan ang sariling repleksyon. Masyado akong pumayat. Umiksi ang buhok ko na may kulay pang abo. Ano ba 'yan, adik na ata ako. 

"Cadence?" gulat na tanong ni tita Celeste nang abutin ko ang malambot niyang kamay para magmano. Idinampi ko ang pisngi ko sa pisngi niya. Hindi mo maipipintura ang ngiti sa mukha niya at mahahalata mong masaya siyang makita ako. "Oh my God! Your mom was right! You really grew up." she said with a genuine smile on her face.

"Yeah, I guess so. There's so many things have changed ha ha ha!" parang bitter ata ang pagkakasabi ko at ang awkward pa ng tawa ko. "Just kidding. So, you guys will be staying here...for good?"

"Oh we're still in the process of planning. Andito kami for a three-month vacation. Alam niyo na, nakakamiss ang Pinas." masayang sabi niya kaya napatingin ako kay mama. "Isn't that great?"

"Yeah." maikling tugon ko.

"Sayang, hindi mo naabutan si---"

"Tita Celeste, excuse me for a minute. I'll just pick up some food in the kitchen." sabi ko at halata namang nagtinginan sila ni mama.

"Ohh, no problem sweetheart. Take your time."

Imbis na sa kusina ako pumunta ay nagtungo ako pabalik ng kwarto. I admit. Hindi ko pa kayang marinig ang pangalan niya. Hindi sa OA pero masyado kasing masakit ang iniwan niya. I can't let myself talk about him for now. Basta, hindi niyo ako maiintindihan.

Habang hinihilot ko ang sintido ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Hinablot ko ito katabi ng malamig na kape mula pa kanina. 

1 message received from 09172469039

   Hey.

Nagsalubong agad ang kilay ko. Sino namang hampaslupa 'to? Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, hindi ako nagbibigay ng cellphone number ko sa kung sino. Kaya imbis na replyan ay dinelete ko ang mensaheng iyon at pinatay ang system ng cellphone ko. 

Napagdesisyunan kong lumabas muli ng kwarto. Ngunit tumambad sa akin ang walang katao-taong salas. Lahat ng ingay ay nasa labas. Naghihiyawan at nagtatawanan. Nakita ko pa si mama na may hawak hawak na baso ng wine sa kanyang mga kamay. 

"Hays." sabi ko na lang sa sarili at sumandal sa gilid ng hagdanan.

"You're Cadence, right?"

"Ay hampaslupa!" muntik na akong madulas dahil sa malalim na boses na iyon. Nilingon ko siya sa likod at tinignan ng maigi. Mayroon siyang hawak na platito ng cake at inosente siyang nakatingin sa akin. "Desmond?!"

Halos lumabas na ang mga mata niya. Halatang gulat nang maalala kong siya nga pala ang kapatid ng taong may pinaka-mabantot na pangalan.

"Ohh, you still remember." lumabas ang magaganda't mapuputi niyang ngipin nang ngitian niya ako. Ngumiti ako pabalik dahil naging awkward ang moment na iyon.

"Muntik na kitang hindi makilala." sambit ko at umupo sa sofa. "Ang laki mo na ah."

"Hmm, yeah. And you, you totally changed...I...I mean pumayat ka ng sobra." natawa naman ako sa kumento niyang iyon. "And I never knew that you love dyeing your hair."

"Well, hindi naman habang buhay na ganun ako sa dati eh ha ha ha." hinawi ko ang buhok ko dahil pakiramdam ko ay kinakabahan ako.

"Pero hindi ka pa din marunong tumawa." ngumisi siya.

"Paano akong matututo kung wala namang nagpapatawa sa'kin?" tumingin ako sa ilaw at sumandal. "But I am contented for what I have and for who I am."

"Oh, I see."

"Why don't you join them?" pag-iiba ko ng usapan.

"Kasi alam kong maiiwanan ka na naman mag-isa." mabilis akong napatingin kay Desmond na halatang seryoso sa sinabi niya, napalunok ako ng laway kasabay ang pagtulo ng pawis sa gilid ng aking mukha. "Just kidding."

"Well, I prefer to be alone." tumingin ako sa kawalan habang nakangiti. "Ikaw ah, mas matanda ka sa akin pero isip bata ka pa din ha ha ha."

"Sorry but I'm not." napatingin uli ako sa kanya. "Labas tayo, nakakabagot dito sa loob." tinapos niya ang kinakain niya bago tumayo at magsimulang maglakad. "Alam kong masakit pa din Cadence, but you should know the true reason why he left. The story behind why he ignored you."

"A-Anong..." 

"Tara na, sumali tayo kila mommy." tuluyan na siyang lumabas ng bahay at iniwan akong lutang. Muling nagtanong ang isipan ko, at ngayon, lalong dumami. 

Anong ibig sabihin niya sa sinabi niya? Desmond Gavin Clamonte, anong gusto mong iparating?

Huminga akong muli ng malalim bago sumunod sa kanila sa labas. Halos ala-una na ng umaga ngunit mukhang walang balak magpahinga ang mga bisita namin. Umupo ako malapit sa gate dahil walang masyadong tao roon.

Isang tunog ng sasakyan ang narinig ko sa labas kaya napatingin ako doon. Napalunok ako at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Nakita ko si kuya Chad na bumaba at hindi ako napansing nakaupo sa puwesto ko. Para akong mahihikbi nang makita ko ang lalaking binambo ng sobra ang puso ko. 

Saglit pa kaming nagkatitigan at parang kapwa pa kaming napako kung nasaan man kami. Gusto kong tumakbo papasok ngunit nanigas yata ang mga kalamnan ko. Tulad kanina ay tila wala na naman akong marinig bukod sa bilis ng tibok ng puso ko.

Nangingilid ang luha ko nang hindi mamalayang isang dipa na lang ang layo namin sa isa't isa.

"Cadence..." pagkasabi ng pangalan ko ay bumuhos ang mga luhang inipon ko sa matagal na panahon. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Endless MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon