CHAPTER 2

150 3 0
                                    

@next day

Maaga akong binulabog ni kent sa bahay.

Tara na kasi sammy, pasyal na tayo sa labas .. hinihila pa kamay ko

Oo na kent wag lang mang hihila please.. inis kong sagot sa kanya

Lumabas kami nang bahay , lakad kami nang lakad hanggang napunta kami sa isang Fruit Stand ..

Parang kuminang mata ko sa nakita ko, pag lingon ko kay kent ganon din ..

Wow apples. sabai naming sabi

Pareho kaming naka tingin sa apple ni kent .

Kent may pera kang dala? tanong ko sa kanya

Wala sam eh! naka yuko nyang sagot

Kent nman eh! nag yaya ka sakin tpos wala kang dalang pera . Ano ba nman yan .. padyak-padyak pa ako.

Sorry naman sammy. Akla mo ba ikaw pang gustong kumain? ako din kaya . . paiyak na nman po siya ..

Oo na, wag kanang mag drama dyan .. inirapan ko siya ..

maya-maya nagkatinginan nalang kami ..

Naiisip moba ang naiisip ko B.kent? ngiti kong tanong kang kent

Sa palagay ko nga B.Sam! sagot naman ni kent.

Operation kuha nang apple. sabai naming sigaw ..

Dahan dahan kaming lumapit sa fruit stand , nagka taong maraming customer si manong kaya di niya kami napansin ..

suminyas ako kay kent ..

☝-1
✌-2
👌-3

at sabay kaming kumuha nang apple tpos karipas nang takbo ..

Hoy bumalik kayo ditong mga bata kayo, bayaran nyo yan.. sigaw ni manong

Manong mag babayad po kami balang araw .. sigaw ko palabalik ..

Sa tambayan kami dumiretso ni kent. hingal na hingal siya habang umupo sa upu.an ..

Kapagod naman non sam, halos di kona maihakbang mga paa ko. hingal niyang wika sakin..

ayos na yan kent di kana lugi sa takbo natin. May apple na tayo , nabawasan pa yang taba mo.. biglang sinamaan niya ako nang tingin ..

joke lang kent.. kainin na nga natin tong apple .. sabai kagat ko nang apple ..

Nang naubos na namin ni kent ang apple ,humiga kami sa damuhan magkatabi habang tumitingin kami sa mga ulap at nag hahanap nang mga hugis.

Sammy ma mimiss moba ako pag umalis ako? tanong niya sakin habang nasa taas padin ang tingin niya.

tumingin ako sa kanya ,alam ko kasi may mali eh.

Hindi! Magiging  masaya pa ako kasi di na ako mapapaway.  biro kong sagot sa kanya ..

Sama mo namang kaibigan niyan. papaiyak nyang wika sakin.

Hoy, ano ba nman kent ang iyakin mo nman masyado eh! Joke lang un, syempre ma mimiss kita! partner tayo diba.. Ba-bakit mo natanong? kahit may idea ako, umaasa pa rin ako na sana mali

A-ano kasi sam.. ano, ahh.. medjo nainis na ako sa paligoy.ligoy nya

Sasabihin mo ba O babatukan kita?inis kong tingin sa kanya

Si lolo kasi may sakit. kunti nalang may masasaktan tlga sakin.

O tapos? umayos ka kent, ayosin mo sagot mo

Kailangan alagaan. napa irap nlang ako sa sagot niya

Kent naman eh! ang bagal bagal mo na nga gumalaw pati ba naman sa pagsasalita mo?? Umayos ka nga. napapadyak padyak na ako sa sobrang inis kay kent

Maldita talaga nito. luh mabuti nang maldita kesa ingot kausap

Ano na kasi? bagot kong tanong

Nahalata ko ang lungkot sa mukha ni kent habang nakatingin sakin.

Sila daddy kasi ang mag aalaga kay lolo sam. Sabi nila na doon na daw kami titira kay lolo sa cebu. Aalis na kami sammy 😭(huk), magkakalayo na tayo partner.. at tuluyan nang umiyak si kent.

Nabigla ako sa narinig ko, di ko akalain na darating ang araw na to. Darating ang panahon na mag kakahiwalay kami nang bestfriend ko.

Medjo naiiyak na din ako pero pinilit kong wag umiyak sa harapan nang iyakin kong kaibigan..

Tumalikod nlang ako kay kent para di niya makita ang mata kong naiiyak na.

ka-kailan daw alis nyo? tanong ko kai kent pero wala akong makuhang sagot sa kanya dahil iyak lang to nang iyak.

Hoy ano ba kent, awat na nga yang kakangawa mo dyan.. saway ko kay kent.

Malungkot lang ako sammy 😭(huk) sa weekend nadaw kasi alis namin eh.. napayuko nalang ako sa sagot ni kent

thursday na ngayon, so last day nalang bukas.. halos  pabulong kong tanong.

oo. pabulong nadin ang sagot ni kent.

Namayani ang katahimikan samin dalawa, gusto ko man mag salita pero mas umirap yong kalungkotan ko.

Nabigla ako nang yakapin ako ni kent. At dahil sa ginawa niya napaiyak nalang ako bigla..

Kahit aalis ako, ikaw parin ang nag iisang partner in crime ko. Ikaw parin ang magiging bestfriend ko. Bestfriend Forever? mas lalong humigpit yakap ko kay kent.

Bestfriend Forever. Sagot ko sabai kalas sa yakapan namin..

Nagnigiti.an nalang kami, inabot ni kent kamay niya sakin at nag sign nang PINKY PROMISE , kaya inabot ko rin ang kamay ko sa kanya at nag PINKY PROMISE kaming dalawa.

Sinulit namin ang huling araw namin magkasama ni kent, buong araw kami magkasama, naglalaro, nag kukwentohan at nangunguha nang kong ano-anong mga paninda.. hehehe

SweEt RevEnge (ON-GOING)Where stories live. Discover now