CHAPTER 23

46 1 0
                                    

Tumitig ako sa mga mata ni warren. Akmang lalapitan niya ako pero itinaas ko ang dalawang kamay para tumigil siya ..

Sa-sammy im sorry. warren

Kilala mo naba ako bago pa ako nagpakilala sayo??  tumango siya..

Bakit?? tanong ko

Sammy makinig ka, oo totoong mag pinsan kami pero di totoong inutusan niya ako para kaibiganin ka! paliwanag niya

Pero bakit di mo sinabing mag pinsan kayo?? Sa tingin mo maniniwala pa ako sa mga sinasabi mo?  wala nang imik si warren, nakatingin lang siya sakin.

Umalis na ako sa harapan nila , dinaanan ko si vanessa binangga pa braso ko pero hinayaan ko lang, pag daan ko sa mga alipores niya tinawanan ako pero hinayaan ko, huli kong madadaanan si kent , tahimik lang siya nong nagkatapat kami pero nong medyo umabante na ako nag salita siya..

Pipiliin din kasi ang lalandiin! kent

Napahinto ako sa sinabi niya at humarap..

Anong sabi mo??  tanong ko

Bingi o nag bibingi-bingihan?? Sa susunod kilalanin mo muna ang lalandiin mo, di ung sunggab ka nang sunggab. Binansagan kapa naman na tomboy pero nasa loob pala ang kulo mo. diritso niyang sagot

Gago ka pala eh!! sigaw ni warren akmang lalapit na si warren pero agad akong humakbang palapit kay kent sabay

(PAk✋-Pak✋)

E Bullshit ka pala eh!! Pano mo nasabi yan sakin ha kent? Higit kanino man, ikaw (turo kay kent) , ikaw ang nakakilala sakin! Bakit kent, kailan moko nakitang lumalandi ha??  Kailan? tanong ko kay kent habang umiiyak,  Sumagot ka ?? sigaw ko

Anong karapatan mong sampalin si kent ha!! Bwesit ka talagang nerd ka.! sigaw ni vanessa habang pasugod sakin, pero bago niya pa mahawakan buhok ko tinulak ko na siya mabuti nalang nasalo siya ni kent.

Subukan mo uli lapitan ako, di lang yan ang aabotin mo sakin. pagbabanta ko ..

Tama na sammy. awat ni warren sakin, lalapitan sana niya ako pero umiling lang ako..

Tumingin ako sa kanila isa-isa habang patuloy na may luha sa mga mata ko..

Di ko alam kong anong kasalanan ko sa inyo, lalo na sayo kent! Unti-unti kong tinatanggap na wala na ang pag kakaibigan natin, nanahimik na ako kent dahil nirerespeto ko desisyon mo. Lumayo na ako dahil ayaw ko nang gulo, pero lintik bakit ayaw nyo parin akong tan.tanan?? Wala kayong karapatan na saktan ako nang ganito, dahil ni kunti wala akong ginawang masama sa inyo.. Sana, sana naging masaya na kayo dahil mission accomplished na kayo oh, Wasak na wasak na ako.. 😭😭😭

Patakbo akong umalis sa harapan niya. Lumabas ako nang skol habang umiiyak, pumara ako ako nang taxi at nagpa hatid nang bahay ..

Pagdating ko nang bahay dumiretso ako nang kwarto at umiyak nang umiyak..

Sobrang ang sakit sa pakiramdam, un bang pinagkaisahan ka nila, pinahiya ka nila sa maraming tao..

Nasaktan ako sa nalaman ko kay warren dahil sobrang napalapit na siya sakin, masakit dahil alam kong tapos na ang pagkakaibigan namin.

Pero mas nasaktan ako sa sinabi sakin ni kent. Parang sa ginawa niyang pang huhusga sakin , parang di niya ako kilala, parang di niya ako naging kaibigan ..

Naiyak na naman ako, iyak lang ako nang iyak hanggang sa nakatulog ako..

Nagising ako dahil may kumatok sa kwarto ko. Pag tingin ko sa orasan alas 7 na pala nang gabi, tumingin ko sa salamin napangiwi nalang ako nang makita kong sobrang mugto nang mga mata ko.

Nakaramdam ako nang lungkot at kirot sa puso nang maalala ko kong ano ang dahilan nang iyak ko ..

Ayaw kona, di kona kaya. Di na ako lalaban, ang sakit-sakit na masyado .. 😢😢😢

Hinanap ko ang phone ko, pag tingin ko 28 missed calls at 15 messages.. Di kona inabala pang tignan kong kaninong tawag at mga text yon ..

Dinail ko agad ang # nang tatawagan ko, ilang ring lang nang sumagot ang kabilang linya ..

Line 2: Hello

Me: He-hello D-da-daddy

Line 2: Samantha? Baby?

Me: Yes dad ako nga po to.

Line 2: Napatawag ata ang baby ko, Anong kailangan nang princess namin?

Me: Dad, pwede na po ba akong pumunta dyan dady??

Line 2: Akala ko ba tatapusin mo muna first grading mo dyan?

Me: Please dad, ayaw ko na dito ..

Line 2: May nangyari ba anak??

Me: Dad please, please daddy ..

Line 2: Stop it anak, okey aasikasohin ko lahat para maka punta kana dito, by next week ok na lahat..

Me: thank you dad

Line 2: always welcome my princess, miss kana rin ni mommy at daddy eh.. Pero anak pano ang granny mo?

bigla akong batigilan Shit si granny nga pala! 😥😥

Line 2: anak andyan kapa ba??

Me: yes dad, ahmm about granny dad, ako napo bahala mag paalam kay granny po. .

Line 2: sige anak! pano see you next week baby .. Love you

Me: Bye dad, love you more ..

Pagbaba ko nang phone ,.lumabas narin ako nang kwarto. Kasalukuyan kong kaharap si granny ngayon habang kumakain, panay sulyap lang ako sa kanya ..

' Pano koba to sasabihin? 😟😟

Apo wag kanang mag alala , narinig kita kanina habang kausap mo daddy mo. nakangiting wika ni granny

Granny 😖😖 . napayuko nalang ako dahil di ko alam anong sasabihin ko

Di kita pipigilan apo, mas mabuti natin siguro yon para maka iwas kana sa mas matinding kalungkotan at sakit .. napa angat ako dahil sa sinabi ni granny

Pano ka po granny?? tanong ko

Ano kaba namang bata ka, andyan naman si inday at si lito. Ok lang ako dito apo .. Pero apo sana pag kailangan ka ni granny uwi ka agad ha!!

Pangako po granny , uuwi po agad ako. Salamat granny..  iyak kong yakap kai granny

Shhh wag kana umiyak apo, basta mangako ka sakin, magpapagaling ka doon, dpat pag balik mo dito ikaw na uli si sammy na matapang .. granny

Granny talaga!!  Pero pangako granny ibabalik ko po ung dating sammy ..

O siya kumain kana uli.. tumango nalang ako ..

Pagkatapos naming kumain ni granny lumabas ako nang bahay at tumambay sa beranda namin .. Tumingin ako sa buwan , subrang liwanag ito .. Siguro mas maliwanag pa ito don sa tamabayan namin.

Nagpaalam ako kay granny na magpapahangin muna ako..

SweEt RevEnge (ON-GOING)Where stories live. Discover now