CHAPTER 3

95 3 0
                                    

@WEEKEND ..

Ito na ang araw na aalis na sila kent .. Gusto ko man siyang makita pero di ko kayang mag paalam sa kanya ..

(tok tok tok)

Apo papasok si granny ah! pumasok si granny at tumabi sakin

Ngayon ang alis nina kent apo diba? tanong no granny sakin ..

tumango lang ako habang naka yuko ..

Bakit di mo pinuntahan? ayaw mo ba makita bestfriend mo bago siya umalis? tanong uli ni granny sakin

Di na po granny, hayaan na po natin siya di na naman po kami mag kikita granny eh! lungkot kong sagot kay granny

Un na nga apo, dapat kayong mag usap diba? Di moba pinapahalagahan ang pinag samahan nyo? Partner mo siya diba?

Nataohan ako sa sinabi ni granny sakin .. Kaya tumayo agad ako at nag paalam ..

Tumakbo ako papunta sa bahay nila kent .. Sana maabotan kopa si kent.

Napa ngiti ako nang makita kong may tao pa sa bahay nila kent, dali-dali akong pumasok..

Hi po tita, si kent po? hingal na hingal pa ako ..

Mabuti't naabotan mopa kami iha! kanina pa yon nag hihintay sayo puntahan mo nalang sa kwarto niya. tumango ako kay tita at pumunta sa room ni kent

Pag pasok ko sa kwarto ni kent naabotan ko siyang naka upo sa kama niya tapos sobrang lungkot nang mukha at papaiyak na.

Iyakin mo talaga no? Bakla ka siguro.. bungad ko sa kanya

agad nman siya tumingin sa gawi ko at ngumiti. Ung mukha niya kanina biglang sumigla.

Bakit ngayon ka lang sammy? paalis na kami oh.. lumungkot na nman ang mukha niya.

Sorry kent ah, ayaw ko sana makita ang pag alis mo eh.. nakaramdam na din ako nang lungkot

Wag naman ganon sam. Di moba ako ma mimiss?? naiiyak na nman ang bakla ..

Ewan ko sayo! ang ingot mo talaga eh! Tinatanong paba yan?? naiiyak na din ako habang naka tingin kay kent.

biglang niyakap ako ni kent habang umiiyak , ung luhang pinipigilan ko dumaloy na sa mga pisngi ko ..

mas humigpit yakap ni kent sakin nang mapansin niya na napa iyak na ako.

kahit magkalayo tayo sammy pangako mo sakin ako lang ang partner mo ha! sabi niya sakin habang naka yakap

unti-unti akong kumalas sa yakap ni kent at tumingin sa kanya.

Pangako kent, ikaw lang ang magiging partner ko. umiiyak pa din ako

Sumulpot si tito at tinawag na si kent para umalis na ..

Pano sammy hanggang sa muli nating pag kikita.. nakangiti pero may halong lungkot niyang sabi sakin.

Hanggang sa muli partner.. at niyakap ko muli si kent ..

Naka ngiti ako habang naka tingin sa sasakyan nila kent na papaalis ..

kaway lang ako nang kaway , nang di kona makita ang sasakyan nila don ko umiyak nang umiyak..

Hanggang sa muli kent.. Hanggang sa muli nating pagkikita partner.. 😭😭😭

SweEt RevEnge (ON-GOING)Where stories live. Discover now