●SPY 7●

12 1 0
                                    

HYAXINTH ITSUKA

"None of your business." Cold niyang sagot at nagdrive papuntang academy and at usual, sobra na naman ang speed niya.

Nakadating kami dun at tiningnan niya lang muli ang i.d. ni shido at pinapasok kami.

Dirediretso naman siya hanggang sa narating namin ang dorm. Binuksan niya ang pintuan at bumungad sa amin si arvy at isang lalaking may hearing aid. Gulat naman na napatingin sa amin si arvy at tinignan ang dala ni shido.

"Nag-grocery kayo?" Manghang tanong niya.

"Dont state the obvious." Cold na sabing muli ni shido.

Napatahimik naman si arvy. Napatingin ako sa lalaking katabi niya.

"Oh. Nakalimutan kong ipakilala sayo si efsilon the jerk." Sarkastikong pagpapakilala ni arvy.

May inadjust naman siya sa hearing aid niya at tumingin sa akin nang nakangiti.

"Hi, im efsilon watson. And you are?" Nakangiti niyang tanong.

"Hyaxinth itsuka." Sagot ko.

"Nice to meet you." Sabi niya.

Tumango naman ako at umupo sa tabi ni arvy na tumitingin ng masama kay efsilon.

"Yan! Yan tayo eh! Pag chicks, awtomatikong lumalaki mata mo eh!" Sabi sa kanya ni arvy.

"Im not hearing anything." Ngi ngisi ngising sabi ni efsilon na inoff na naman pala ang hearing aid niya.

"Arghhhh!!!" Frustrated na sigaw ni arvy. At pumasok sa kwarto niya.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko. Its 8pm already. Rude ako kaya pumasok na ako sa kwarto ko nang walang paalam kay efsilon. I suddenly wonder? Kumain na kaya sila?

Nagbihis nalang ako at humiga sa kama. May mga bumabagabag parin sa ulo kom sino si ruby? Bakit kilala ako dahil sa mga mata ko? Bakit naapektohan talaga si shido nang marinig niya ang pangalang ruby? Nakatulugan ko nalang yun sa pagiisip.

◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇

Gumising ako dahil sa ingay ng alarm clock. 6 am na pala. Pinatay ko na ang alarm clock para matulog na sana nang may naalala ako.

"Fuck!" Inis na mura ko nang maalalang unang araw pala ng klase ngayon. At ayon sa schedule ko, 8 am ang unang subject which is history. Ano naman kaya yung historing yun? About sa pilipinas? I really hate history.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform which is wierd kasi awtomatic na sirado ang likod ko pagkabihis ko. Kinuha ko din ang keychain na binigay sa akin ni mommy at inilagay sa bulsa ko. Sinoot ko din ang sapatos ko na kulay itim. Seriously? Ang principal ba dito ay mahilig sa black? Sinoot ko nalang din ang i.d. at lumabas.

Naabutan kong nagluluto si arvy na sa kusina na nakauniform na din.

"Good morning." Bati niya.

"Morning." Sagot ko.

"Sandali nalang maluluto na to. Maghintay ka muna sa salas." Pahayag ni arvy.

Tumango naman ako at pumunta sa salas. Naabutan kong nakatingin si shido at efsilon sa tv. Nakauniform din sila pero imbes na sa likod ang zipper, sa harap ito at pang lalaki talaga. Akala ko talaga di babagay sa kanila dahil parang pambabae to pero di pala. Bagay na bagay.

"Morning hyaxinth!" Masiglang bati ni efsilon.

"Morning." Sagot ko at umupo sa pang isahang sofa. Tumingin nalang din ako sa tv at ang pinapanood pala nila ay basketball. Maya maya lang sumigaw na si arvy galing sa kitchen.

"Kain na!" Sigaw niya.

Unang tumayo si efsilon at tumakbo patungong kusina. Sumunod naman ako habang sa likod ko si shido. Umupo kami at nagsimulang kumain nang may naalala ako.

"Uhm, ano palang gagamitin natin? Wala naman kasing binigay na school supplies si mommy sa akin." Tanong ko.

"Wala kaba talagang alam? I mean? Sa academing ito?" Takhang tanong ni arvy.

Nahihiyang tumango naman ako.

"Dont worry, ako muna ang magtuturo sayo. At yes. Kailangan natin ng notebook pero nandun na yun sa classroom natin. Konti lang kasi ang gagamitan natin ng mga ganyan. Ang iba, sa gym na." Paliwanag ni Arvy.

Tumango naman ako at nagpasalamat. Matapos naming kumain, ay inako ko na ang paghuhugas ng plato.

"Sure ka?" Tanong ni arvy.

"Oo naman." Sagot ko. Ngumiti naman siya at umalis.

Matapos kong maghugas ay agad na kaming lumabas. Nasa rule ba talaga na kailangang magkasabay kayo?

Its already 7:30 am kaya konti nalang ang mga tao sa dorm.

Naglakad kami papuntang kabilang building na naman kung saan ang classroom namin. Gusto ko mang mapag isa, pero di ko alam yun kaya sumabay ako sa kanila.

GRANT EVANUS: SCHOOL FOR SPIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon