●SPY 17●

11 1 0
                                    

HYAXINTH ITSUKA

Di ko alam na may ganito palang pakiramdam. Yung pakiramdam na makita mo yung kaibigan mong may kayakap na iba. Wait. Scratch that. Di ko alam kung kaibigan ba ang tawag dun. I just dont know.

Dinala ako ni efsilon sa cafeteria. Pasimple kong sinulyapan ang entrance ng cafeteria kung pumasok na ba sila. Pero sa mahigit na dalawampung minuto kong pagsusulyap dun, wala pa rin sila.

"Huy! Hyaxinth to earth!" Pinitil ni efsilon ang daliri niya sa harap ko.

"Ano nga yun?" Pagbaling ko sakanya.

"Ano bang nangyayari sayo hah? Kanina pa ako talak ng talak dito. Tsaka kumain kana! Malapit nang mag time."

"Sorry."

"But seriously? Hyaxinth? Anong nangyari sayo? Simula nung nakita mong--- ahhh! Nagseselos ka ano?" Ngising sabi niya.

"Huh? Bakit naman ako magseselos? Tsaka wala akong gusto kay shido." Defensive kong sagot.

"Eh wala naman akong sinabing shido ah?! Alam mo, huling huli kana. Bat kasi ayaw mo pang umamin? Na may gusto ka sa kanya?"

"Wala nga akong gusto sa kanya. It's just a friendly thing. And curious lang ako kung sino yun." Saad ko.

"Hmm." Tumatango tangonsiya habang sumusubo. Halatang di kumbisado. Nevermind.

"Attention spies. Due to some confidential reasons, the classes are all canceled. Please come back next week. Thank you."

What?

"So it means, pwede tayong umuwi. Monday pa lang ngayon. Ano? Uuwi ka ba?" Tanong ng kaharap ko.

"Oo sana. But Di ko alam paanong umuwi at wala akong sasakyan. Maybe dito nalang ako." Nanlulumong saad ko.

"I can give you a ride. Alam mo naman siguro kung ano ang address niyo. Halika na." At tumayo siya.

Tumayo na din ako at sumunod na sa kanya.

"I wonder asan na sila ngayon. Di ko sila nakita sa cafeteria eh."

Hindi nalang ako umimik. We have the same question on mind, efsilon.

Pagdating ko sa dorm, nagbihis lang ako ng white sleeveless shirt at nagsuot din ako ng coat na aabot sa hita ko. I pair it with fitted jeans na aabot lang sa ankle ko. Nagsuot nalang din ako ng white rubber shoes at shade. Feeling ko pupunta ako lamay nito. Well, it's all about fashion.

Di na ako nagdala ng damit dahil alam ko may damit pa naman ako sa bahay.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si efsilon na naglalaro ng psp.

"Let's go." Sabi ko.

"Woah. Saan mo balak pumunta hyaxinth?"

"Tsss." Binuksan ko ang pintuan at hindi nalang siya pinansin.

"Saan ang kotse mo?" Tanong ko at lumingon sa kanya.

"Malamang nasa parking lot." Walang ganang saad niya.

Pagdating namin sa parking lot, dumiretso siya sa isang gray ng BMW. Well, not bad. KAILAN BA KASI AKO MAGKAKA-KOTSE?!

Binuksan niya ang passenger seat at nilahad iyon sa akin.

"Wow. Gentleman." Sabi ko habang pumapasok sa sasakyan.

"Naman! Gwapo ako eh." Now, binabawi ko na ang sinabi ko. Lumalaki lang naman ang ulo neto.

GRANT EVANUS: SCHOOL FOR SPIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon