●SPY 11●

14 2 0
                                    

HYAXINTH ITSUKA

"Kilala mo?, close kayo?" Sabik na tanong ni arvy pagkapasok namin sa dorm.

"Oo kilala ko. Pero di ko ka close." Pahayag ko. "Pero, ba't parang sabik na sabik ka?" Pagpapatuloy ko.

"Gwapo niya kasi." Nakangusong sabi niya.

Pumasok naman si shido sa kanyang kwarto habang tatlo kaming nakaupo dito. Si efsilon na nakatingin lang sa amin. Habang si arvy na nakanguso pa rin. Problema neto?

"May pinansin pala siya. Pero di naman pumapansin sa akin." Bubulong bulong pa niya.

"May sinasabi ka arvy?" Takhang tanong ko.

"WALA!" sigaw niya at sumandal sa sofa.

Nagulat naman ako. Ano bang problema neto?

"Efsilon." Seryosong tawag ni arvy kay efsilon na nakatunganga sa aming dalawa. Halatang nagulat naman siya at humarap kay arvy.

"Oh?" Tanong niya habang nakatingin kay arvy.

"Pangit ba ako?" Seryosong sabi niya.

Muntik na akong matawa. Akala ko seryoso talaga.

"Oo." Sagot sa kanya ni efsilon.

"Buisit! Di mo man lang pinahaba ang sasabihin ko! Dapat di ka muna sumagot! Katulad kay liza soberano! Dapat ginaya mo si enrique gil! Walang kwentang kausap!" Sigaw na at nagdabog.

"Eh loka loka ka pala eh! Nagtanong ka kaya sumagot ako! Sige pagbibigyan kita, ulitin mo." Saad ni efsilon.

"Pangit ba ako?"

" -_- " efsilon.

"Kapalit palit ba ako?"

"Hinde." Mahinang sagot ni efsilon at talaga namang ginaya pa si enrique!

"THEN WHY?!" sigaw ni arvy na tila umiiyak.

"Anong why?" Takhang tanong ni efsilon.

"Bakit di ako pinapansin ni vish?!" Ayun! Yun lang naman pala.

"Kasi pangit ka nga." Sagot sa kanya.

"Buisit! Dyan na nga kayo!" Sigaw ni arvy at pumasok sa kwarto niya.

Bakit nasama ako?!

"Efsilon." Seryosong tawag ko.

"Wag mo sabihing gagayahin mo rin si liza?!" Gigil na tanong niya.

Napahalakhak naman ako. Grabe ang saltik neto! Wala pa nga akong sinasabi.

"Baliw. Hinde. May itatanong lang ako." Pigil na tawang sagot ko.

"Oh ano yang tanong mo?" Aniya at sumandal sa sofa.

"Bakit ganyan nalang silang makatingin sa akin? Bakit pag nakikita nila ang mga mata ko, nalalaman nila kaagad na isa akong itsuka?" Seryosong tanong ko.

"Honestly, wala din akong alam. Galing din ako sa home schooling. Di ko rin alam kung anong klaseng eskwelang pinasukan ko. Sinabihan nalang ako ni mama at papa na ililipat na nila ako sa isang eskwelahan. At first, ayaw ko pero nang nalaman kong spy school to, nagustuhan ko din." Mahabang paliwanag niya.

Pareho pala kami ni efsilon. Magkaiba lang kami dahil nalaman niya kaagad na ito ay spy school.

"Try mo nalang magtanong kina arvy at shido. Ang alam ko ay galing sila sa pamilyang may kinalaman sa mga spy." Aniya at tumayo. "Sige na hyaxinth. Maliligo muna ako." Papasok na siya sa kwarto niya nang sumigaw siya.

"HOY! ARVY PANGIT! MAGLUTO KANA!"

Napailing nalang ako. Hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin kung ano ang pagkatao ko. Sino ba talaga ako? Sino kami ng pamilya ko? Kung nandito lang sana si grandpa, kanina pa ako talak ng talak sa kaniya.

Hindi nga nagtagal ay lumabas si arvy sa kwarto niya ng nakabusangot. Agad naman akong tumayo at nilapitan siya.

"Tulungan na kita arvy." Nakangiting sabi ko.

Nagliwanag naman ang mukha niya sa sinabi ko.

"Talaga?!" Sabik na sabi niya.

Tumango naman ako. May saltik din to. Napaka-oa.

Nagluto kami ng tinolang manok. Matapos nun ay tinawag na niya ang mga lalaki.

"MGA BAKLA! MAGSIKAIN NA KAYO!!"

maya maya nga lumabas sila. Unang lumabas si shido na umupo kaagad na masama ang tingin kay arvy. Napansin niya naman ito kaya inarapan siya.

Padabog na isinarado ni efsilon ang kanyang pintuan. Humarap siya sa amin na galit na galit.

"AT SINONG BAKLA?!" sigaw niya.

"WALA!" Pabalik ding sigaw ni arvy at umupo.

Kumakain ako ng tahimik pero panay ang bulong bulong ni arvy at efsilon sa gilid.

"Kala mo naman gwapo. Pero mukhang alien naman." Bulong ni arvy.

"Di lang pinansin, tinawag na ang lahat na bakla." Bulong din ni efsilon.

"May sinasabi ka efsilon?" Malakas na tanong ni arvy.

"Bakit? May narinig ka?" Malakas ding sagot ni efsilon.

"Oo!" Sagot ni arvy.

"Eh narinig mo pala eh." Aniya ni efsilon.

At diyan nagsimula ang bayangan nilang dalawa.

GRANT EVANUS: SCHOOL FOR SPIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon