●SPY 18●

9 1 0
                                    

HYAXINTH ITSUKA

Simula nung sumakay ako ng kotse ni efsilon, walang minutong hindi siya nagsasalita. Ke-lalaking tao ang daldal.

"Hya, nagugutom ako. Punta muna tayong mall!" Aniya.

"Saang mall naman?" Tanong ko. Nagugutom na din kasi ako.

"Dun lang. Malapit na tayo." Sa daan parin siya nakatingin.

Maya maya lang narating na namin ang mall. Yun din ang mall kung saan kami kumain ni shido.

Pinark niya ang sasakyan at sabay kaming lumabas. Di halatang parehong gutom. Lul.

"Saan mo gustong kumain?"

"Kung saan masarap."

"Saan nga?"

"Kulet nito. Saan nga masarap!"

"Anong resto ba ang masarap?!"

"Aba malay ko!" Di ko na namalayang nagsisigawan na pala kami.

"Ano ba yan. Dito pa talagang napiling mag LQ." Sabi ng isang babaeng dumaan.

"A-anong... h-hoy! Di to LQ ah! Q lang! Walang L!" Sabi ni efsilon.

"Ano ba! Halika na nga!" Sabi ko at hinila siya.

"Doon nalang tayo kumain. Diyan din kami kumain noon." Pagtutukoy ko sa pinagkainan namin noon.

Di naman siya umangal. Umupo kami sa pangdalawahang upuan at agad namang lumapit ang waiter sa amin at kinuha order namin.

"Hoy efsilon. Saan bahay niyo?" Pagsisimula ko ng usapan.

"Bakit? Gusto mo bumisita? Okay lang naman. Marami naman kaming stock ng pag-  ano ba!" Aniya nang sinipa ko ang paa niya.

"Puro ka yabang. Tinatanong ko lang." Nakasimangot kong sabi.

"Katabi lang ng bahay niyo."

"What?!"

"Katabi lang ng bahay niyo."

"Paano nangyari?"

"Ginawa ang bahay namin sa tabi ng bahay niyo. Ibig sabihin, doon din ako ginawa ng parents ko."

"Ano ba! Pero paano mo nalaman na magkatabi bahay natin?"

"Nakita kasi kita noong bata pa tayo sa labas ng bahay niyo. Umiiyak ka pa nga noon eh."

I remember back then. Naghihintay ako kay daddy at mommy umuwi. Hanggang sa umabot na ng umaga nasa labas parin ako ng bahay. Hindi ko na napigilamg umiyak nung araw na yun. Hindi ko ding inakalang nakita ako ni efsilon. Di ko din siya kilala.

"Teka, sila shido ba yu-" napalingon naman ako kung saan siya nakatingin.

"Nakakahalata na ako ah. Yang ruby na yan, lingkis ng lingkis kay shido. Parang ahas." Komento niya nung hinawakan ni ruby ang kamay ni shido sa taas ng mesa. Kaharap naman nila si arvy.

"Kumain nalang tayo." Ewan ko kung bakit biglang nawala ang gana ko sa pagkain. Naglaho nalang bigla ang kaninang gutom ko.

Tahimik kaming kumain ni efsilon. Minsan pasulyap sulyap siya sa table nila. Nanatili naman akong seryoso sa pagkain.

"Halika na." Malumanay na saad ko pagkatapos naming magbayad.

Tumango naman siya at tumayo.

"Ihahatid na ba kita?" Tanong niya.

"Oo. Gusto ko nang matulog."

GRANT EVANUS: SCHOOL FOR SPIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon