Pagkababa ko sa jeep na sinasakyan ko ay nakita ko na agad si Aexhia sa loob ng McDo, busy sa pag se-cellphone.
Antuwa ko kapag nalowbatt agad yang phone mo! Bala ka sa buhay mooo! HOHOHO!
Pagkatapos kong sabihin yan sa isip ko ay pumasok na agad ako sa loob at agad na may pumasok sa isip ko! *insert evil smirk*
Dahan dahan akong pumasok at hindi nagpapahalata sa kanya. Mukhang effective naman dahil hindi siya nalingon sa gawi ko. Noong makalapit ako sa kanya ay pumwesto muna ako para sa naisip kong plano.
"Boo!" gulat ko sa kanya, with matching hawak pa sa balikat niya yan!
"Ay kalabaw!" reaction niya yan! Hindi ako yan! Kung ang nasasabi ko kapag ako ay nagugulat ay kabayo, sa kanya naman ay kalabaw.
"Easyyyy! Hindi ako kalabaw!" napahawak na ako sa tyan ko sa katatawa. Biruin mo naman kasi, noong sumigaw siya ng kalabaw ay nag si tinginan yung mga tao sa amin, plus the fact na ang panget ng itsura niyaaaa! HAHAHAHA!
"Ano ka ba naman Baaaal!" giit niya.
"Tara na nga lang." yaya ko sa kanya.
Bumaba na kami at bumili na ako ng 4 na McFlurry. Hindi lahat yan sakin. Hindi naman ako ganon ka selfish sa pagkain, pero selfish ako minsan.
Linakad na lang namin papuntang school. Since walking distance lang naman yung school dito.
Alam niyo kung bakit 4 ang binili kong McFlurry? Kasi alam ko na kapag isa lang ang binili ko, for sure manghihingi yung dalwang unggoy na kaibigan namin.
Sure naman kami ni Bal na nandun na agad ang dalwang unggoy na yon sa room. Lagi kasing maaga yung dalang yon e.
Pagdating namin sa gate ng school namin, binasa ko muna ang pangalan ng school namin.
Oakley International School.
Then pumasok na kami sa loob.
As I said earlier, nandun na ang dalwang ugok sa pinakalikod ng classroom.
Konti pa lang naman kami dito sa room kasi 30 minutes pa naman bago ang time namin e.
Umupo na agad ako sa tabi ni Ali. Si Bal naman ay umupo na sa tabi ni Ri. So ganito yung pagkakaayos ng seating arrangement namin. Kahit saan kasi pede umupo.
Ali | Serene | Aexhia | Ri
Then binigyan ko na sila ng tig iisang McFlurry. Nagpasalamat naman sila. Dapat lang aba!
-30 minutes later-
Pumasok na si Ms. Cruz. Dati na namin siyang teacher sa Math kaya kilala na niya kaming apat.
"Ako ang magiging class adviser niyo ngayong school year na ito." panimula niya. "I hope na magiging responsible kayo at sana ay magbabait ha?!" napaka bait talaga ni Ms. Cruz. Answerte ng magiging boyfriend nito.
"My name is Catheryn Cruz. Your class adviser and your Math teacher. Call me, Ms. Cruz." pagpapakilala niya.
"Wala naman klase ngayon araw kasi nga first day pa lang. I'm sure naman na puro pagpapakilala lang ang gagawain niyo maghapon. So, can we start?" inilibot niya ang kanyang mga mata. "Let's start with you." turo niya na nasa unahan sa babae.
"My name is Joenna Santos. 15 years old. Sana maging kaclose ko pa kayo lalo." Pagpapakilala niya.
Then lahat sila nakapag pakilala na kaming apat na lang ang hindi.
Si Ali na ang sunod then ako then si Aexhia then si Ri.
"Hello! My name is Alijandro Seth Ramirez. 15 years old." Ayan ha! Kilala niyo na ang isa sa bestfriend kong unggoy!
"Hi! I'm Serenity Marco. 15 years old. You can call me Serene." Pagpapakilala ko naman.
"Annyeonghaseo! Sinong fan dito ng Kpop?!" may nagtaas ng kamay, halos lahat ng babae dito sa room. Syempre maliban kay Ms. Cruz. "By the way, I'm Aexhia Stanford. 15 years of age." Kahit kailan talaga ang ingay ng babaeng to. Pero nag iingay lang yan kapag malayo siya sakin kasi alam na niya mangyayari sa kaniya kapag nag ingay siya sa tabi ko. Kilala siya sa pagiging kikay niya sa buong school.
"Hi! My name is Rigel Kent De Leon. 15 years old." Maikling pagpapakilala ni Ri.
Kilalang-kilala kami dito sa Oakley dahil sa pagiging varsity naming apat. Yung dalwang unggoy, varsity ng Mens Volleyball Team ng Oakley. Si Ali ang captain ball and open hitter nila. Si Ri naman ang setter ng mvt ng Oakley.
While kaming dalwa naman ni Bal ay varsity ng Womens Volleyball Team ng Oakley. Ako ang captain and setter ng wvt ng Oakley. Si Aexhia naman ang open hitter.
Pagkatapos ng pagpapakilala namin kanina ay lumabas na si Ms. Cruz then, recess na namin kaya pumunta na kaming cafeteria.
Bumili ako ng cake at isang bottled water.
Kapag may training kami, lagi akong may baon na tatlong Gatorade. Kapag naman wala ako sa training, tubig lang ang iniinom ko. Bawal kasi ako sa softdrinks. Hindi rin ako nakain ng junkfoods. Let me rephrase it. Bawal kaming apat uminom ng softdrinks at hindi rin kami nakain ng junkfoods. Bawal samin e.
Pagka balik namin sa room ay saktong pagpasok ng next teacher namin.
Buong maghapon ay nagpakilala lang kaming lahat. Sakit sa panga non ha! Choss HAHAHAHA.
By the way, hindi ako kilala sa school bilang isang kikay at masiyahin. Ayoko kasing ipakita yung pagiging mabait ko sa school kasi baka abusuhin nila. Sa bahay ko lang pinapakita ang pagiging kikay ko at kapag kaming apat lang ang magkakasama.
-3:00 p.m-
"Class dismissed." Sabi ni Ms. Lara.
Inayos ko na ang gamit ko.
"Bal tara na sa locker." Sabi ko kay Aexhia.
Sumunod naman samin yung dalwang unggoy.
Pagkalagay ko ng gamit sa locker ay sabay sabay na kaming pumunta sa sakayan.
Magkalapit lang naman ang bahay naming ni Aexhia. Walking distance nga lang e. Pero dahil napaka gentleman nitong dalwang unggoy na ito ay inihahatid muna kaming dalwa bago sila umuwi. Magkalapit lang din naman sila ng bahay.
Magkasama lang sa isang subdivision ang bahay namin ni Aexhia.
Mauuna ang bahay nila Bal kesa sa amin.
"Bye Bal! Bye Ali! Bye Ri!" paalam ni Aexhia.
"Bye!" sabay naming bati ni Ali.
"Bye! See you tomorrow!" paalam ni Ri.
Pumasok na ng bahay ni Aexhia.
Ako naman ang sumunod na inihatid nila.
"Bye Ali! Bye Ri!" I said goodbyes to them.
"Bye Serene!" sabay nilang paalam sakin.
Then I waved to them before I enter our house.
YOU ARE READING
I Did Not Expect
Teen Fictionthey said, revenge is for weak. I am willing to be one of those weaklings. fvck to those who killed the man whom i love the most. see you in hell, assholes.