3

26 1 1
                                    

As I entered our house, I saw our mom in the living room. As usual, nanonood na naman ng Kdrama. Ganyan naman si Ermats tuwing hapon. Alam niyo yung tv na pedeng saksakan ng usb? Yon, ganon tv namin.

Noong isang araw, ang pinapanood niya ay W. Yung kay Lee Jong Suk ba yon? Tapos ngayon, iba na naman. I am not a robot naman ngayon, yung kay Yoo Seung Ho ata yun? Ewan ko kung ano mga pangalan nila. Bahala na si Ermats umalam ng mga pangalan nila.

"Prettiest is in the house!" pagmamalaki ko. Napalingon naman si Mommy.

Lumapit ako kay Mommy saka bumeso.

"Anong merienda ang gusto ni Prettiest?" tanong ni Mommy sakin ng nakangiti.

Ngumiti din ako sa kanya.

"Meron po ba tayong ice cream sa ref?" I asked.

"Teka, titingnan ko lang saglit." Tumayo na si Mommy pagkasabing-pagkasabi niya nun.

"Sige po. Magbibihis lang din po ako." Pahabol ko kay Mommy.

Hindi ko na hinintay magsalita si Mommy at dali-dali na akong umakyat sa kwarto ko.

Ibinaba ko ang bag ko at tinurn-off ko ang wifi ng cellphone ko bago ko ito icharge.

Nagpalit ako ng t-shirt kong pang-bahay at panglaro kong short. Alam niyo yung short na sinusuot ng mga volleyball players? Basta yon na yon. Kayo na bahala mag imagine.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako sa salas.

Naabutan ko si Ermats sa tapat na naman ng tv. Tumabi ako sa kanya.

Pagkaupo ko sa tabi niya ay ibinigay niya na agad ang ice cream na galing sa ref. Solo pack ang binigay niya sakin. Flavor? Ang paborito ko lang naman na cookies and cream.

Kung tutuusin, kulang pa sakin ang isang solo pack na cookies and cream. Ganon ako katakaw ng ice cream! Ipinagmalaki pa e no?!

"Asan nga po pala sila?" pustahan nasa sports room na naman yung mga unggoy na yon!

"Si Snowell mo nasa pool. Si Hennessey at Allanis naman nasa sports room. Naglalaro ng table tennis." Mahabang paliwanag ni Ermats.

Sabi na e! Lagi naman kasing ganon tuwing uuwi ako sa bahay. Maliban na lang kung nasa trabaho sila.

"Puntahan ko lang po." Paalam ko kay Mommy.

Oo, may sarili kaming sports room. Halos lahat kasi ng sports ay alam naming magkakapatid. Noong bata pa lang sila, tinuruan na sila nila Mommy at Daddy ng mga sports. Tapos noong ako naman ay bata, saka nila ako tinuruan. Alangan namang nasa tiyan pa lang ako ay turuan na agad nila ako. Para silang mga engot non!

May kanya-kanya kaming sports na iminaster talaga namin, pero gaya nga ng nasabi ko kanina, halos lahat ng sports ay alam namin, hindi nga lang kami sobrang galing sa ibang sports gaya ng galing namin sa sports na iminaster namin.

Ang sports na iminaster ko ay Volleyball. Kay Hennessey naman ay Table tennis at Badminton. Kay Allanis naman ay Basketball. Bagay daw kasi sa height niya. Siya kasi ang pinakamatangkad saming magkakapatid. Kay Snowell naman ay Swimming kaya noong highschool siya, tuwing recognition nila ay hindi na magkaugaga ang mga teacher sa pagaayos ng medals niya. Sobrang dami e.

Dire-diretso akong pumasok sa sports room. Nakita ko na agad ang dalwa kong Kuya na naglalaban ng table tennis.

7-5 ang score. Lamang si Hennessey.

Himala! Nakalamang si Hennessey kay Allanis! Nakakabanoooooooo!

"For the first time in forever~" kanta ko noong nakita ko ang score.

I Did Not ExpectWhere stories live. Discover now