"Good morning class. May bago kayong magiging classmate. Transferee sila from Chicago." Pagkasabing-pagkasabi nun ni Ms. Cruz, may pumasok na dalawang tao. Alangan namang hayop.
"Introduce yourselves." Agad namang pumunta sa table niya ang aming guro.
"My name is Tanya Tolentino, fifteen years old." Wow ha, papasok lang sa school, kailangan naka all black pa ang suot. Black shirt tapos may print na "bitch" tapos black ripped jeans and black na vans tapos yung buhok ay black din. Pero ang naka agaw ng pansin ko ay yung bull cap niya. Holy damn, yun yung matagal ko nang hinahanap. Black bull cap na may burdang moon. Saan kaya niya nabili yon? Matanong nga mamaya.
"Zavien Akiro Tolentino, fifteen." Sobrang cold naman nito. Hindi man lang nag abalang magdagdag ng ilang word. Isa pa 'tong lalaking 'to. Infairness, may taste silang dalawa pagdating sa fashion. Hindi naman sila mahilig sa sa black no? Eto kasing lalaki, naka-black jeans din tapos hoodie na black tapos may nakaprint din na "worthless". Ang gwapo niya hihi- what the fvck? Did I say something crazy?
"Magpinsan sila." Ms. Cruz added.
Ay, kaya naman pala. May hawig nga sila e. Gwapo si lalaki tapos ang ganda ni babae. O edi sila na. Punyeta.
Mukhang hindi maganda ang records ng mga 'to sa previous school nila ah? Basta basta na lang sila umupo sa likuran namin ni Ali, ni hindi man lang nagtanong kay Ms. Cruz. Hay nako, magpinsan nga naman.
I diverted my attention to Ms. Cruz kesa naman magtanong ako ng magtanong dun sa men in black.
Nang matapos ang first two subjects namin ay dumiretso na kami dito sa cafeteria. Si Ri ang umorder. Ano kayang nakain neto at naisipang umorder?
Susubo na dapat ako kaso nakita ko yung men in black, naghahanap ng upuan. Puno na kasi yung cafeteria, e sakto, six seater yung pwesto namin.
"Tanya!" Tawag ko dun sa babae na naka all black. Hindi ko alam kung anong itatawag ko dun sa lalaki.
Lumingon naman sakin yung dalawa. Teka teka, si Tanya lang naman ang tinawag ko ah? Bakit pati si lalaki ay lumingon?
"Dito na kayo umupo." Napansin ko naman na si lalaki ay pinandilatan ng mata si babae.
"Don't worry, pede din ikaw umupo dito." Turo ko sa isa pang bakanteng upuan.
"Thank you." Aba't magkasabay pa? Hindi ako nagpapahalata pero pinapagmasdan ko silang dalawa. Dirediretso lang sila sa pagkain pero kahit ganon, hindi sila yung magaslaw kumain. Malalaman mo na galing sila sa mayamang pamilya.
"Tanya, can I ask a question?" Umi-english si mayora, 'wag kang magulo.
"Sure." Aba aba, gumaganti si vice mayor?
"Why did you transfer here?" Kala mo ha. Porque galing ka sa Chicago, ako lang maeenglish mo, no no no mah friend.
"Ah, na-kicked out kasi kami sa dating namin school which is sa Chicago." Ay lintek, pinahirapan pa ko maalam naman pa lang magtagalog.
"Bakit? Ano bang nangyari?" Takhang tanong ko. Malay ko kung anong ginawa nila. Si lalaki naman, tuloy lang sa pagkain. Baka naman gusto mong magsalita dyan lalaki?
"What?" Aba, nagsalita nga si lalaki. Don't tell me, nababasa niya ang utak ko?
"Baka kako gusto mong magsalita dy-" crap.
YOU ARE READING
I Did Not Expect
Novela Juvenilthey said, revenge is for weak. I am willing to be one of those weaklings. fvck to those who killed the man whom i love the most. see you in hell, assholes.
