VH:TRS 1

13.7K 216 7
                                    

Bumaba ako ng puno sa hindi kalayuan malapit sa kwarto ko ,hawak hawak ang telescope na kulay ginto na galing pa kay lola. Mala vintage ang mga ukit nitong disenyo at kahit pa ilang taon na ang lumipas wala man itong kahit isang gasgas, pagtatanda na maigi itong inalagaan.

Habang pababa na..huling sumulyap ako sa buwan na bilog.

"Astryd Anja!" (A/N: Astrid Anya) Nagulat ako kay mommy sa bigla nitong pagsigaw saakin sa hindi kalayuan.

"Po?" Tamad kong tanong.

"Diba sabi ko sayo wag kang lalabas ng dis-oras ng gabi! Naku!" I smiled at her at minasahe ang balikat nya.

"Opo sige na po, tara na" ngitian ko sya para kumalma.

Pumasok na kami sa pintuan ng bahay at ang agad kong nakita ay ang nakakatanda kong kapatid, si ate Engrid.

"Astrya!" (A/N: Astryd Anya for short Astrya)
Sinalubong nya ako na may dala dalang cake.

Kinuha ko iyon at umupo na sa may kusina, si mommy umakyat na sa pangalawang palapag ng bahay para mag pahinga na at si ate naman ay ganun na din ang ginawa. Hating gabi na kasi, kaya lang naman nagising si ate para kumain. Palagi ko syang nahuhuli sa kusina pag nagigising ako ng madaling araw, minsan kinikilabutan na ako sakanya.

Ikaw ba naman ang makakita ng babae na mahaba ang buhok, nakamahabang puting damit at nakaupo pa sa harapan ng ref?

Tiningnan ko ng mabuti ang slice ng cake na nasa harapan ko habang naka lapat ang likodan ko sa may silya na inuupuan ko, inayos ko ang mahaba kong buhok at sinuklay ito hanggang dulo.

Mahilig naman ako kumain, lalo na ng mga matatamis na pagkain.. pero ngayon? Wala talaga akong gana.

Nilaro ko at pinaikot ikot ang tinidor sa daliri ko.

Bakit kaya parang naiiba ako sa karamihan?
Naalala ko parin ang mga putol putol na memoryang nabalik sa isipan ko paminsan minsan.

Hindi ko maintindihan kung saakin ba ang mga alalaa na iyon o sa ibang tao..
Simula pagkabata ko pa lang nagpapakita na saakin ang mga alalaala na yon.

Isang.. taglamig na gabi, umuulan ng puting malalambot na nyebe. Dugo.. sigawan.. at apoy.

Hinilot ko ang sentido ko. Nakapikit na ang mga mata ko at handa nang matulog.. pero dahil sa nagwawalang ihip ng hangin at pagkalampag ng bintana ko ay hindi ko mapilitang umupo at gumising.

I really like the night... I rather be alone in a dark room than socializing with people outside..

Habang nakatingin sa labas ng bintana biglang sumakit ang ulo ko kaya naman agad ko itong hinawakan at napapikit sa sakit.. maya maya ay mga tunog ng isang kampana ang napakinig ko...?

Hindi ko maintindihan kung bakit madalas mangyare ang ganitong scenario sa araw araw ko.

Binuksan ko ang mga mata ko, malabo ang paningin ko at mabagal ang pagikot ng paligid ko..

Is this some sorcery? Nakulam naba ako?

Maya maya ay nawala din ang tunog ng nagkakalansing na kampana kasabay ng pag sakit ng ulo ko. Doon ko na pinilit matulog.

Verona High: The Ranking System Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon