VH: TRS 4

5.2K 139 6
                                    

Pagkatapos naming mag lunch ay agad na kaming umuwi, nagpalit na ako ng maong na shorts at t-shirt na itim.

Inayos ko ang buhok ko at tinanggal ang relo ko na nasa papulsuhan ko. Hindi parin nagbabago ang oras nito, 10am parin ang nakalagay.. siguro ay sira na nga ito at kailangan ng palitan.

Umupo ako bahagya sa gilid ng kama ko ng nakaramdam agad ako ng pagkahilo. Pinikit ko ang mga mata ko at hinilot ang sentido.

I stretched my arms and hands para maka sandal ako, itiningala ko ang ulo ko at huminga ng malalim.

God, how I hate this feeling.. parang gusto ko nalang lumubog sa tubig.

Nag salin agad ako ng tubig sa baso na nasa may side table ng kama ko. Uminom ako at inayos na ang kama ko.
Lagi naman akong natutulog kapag tanghali.
Hinayaan ko na ang sakit ng ulo ko para maka-idlip na ako.

Nagising ako, hapon na. Bumaba ako para mag meryenda at nalaman ko na kanina pa pala ako kinakatok ni lolo para kumain pero hindi daw talaga ako magising.

Kinusot kusot ko ang mata ko.
"Tulog mantika ka!" He said. Napatawa lamang ang mag ina sa hindi kalayuan.

Nag palitan kami ng tingin ni Ate na kaharap ko lang sa table.

"May imported ka pang juice?" Parang agad itong nagulat sa tanong ko at gusto akong sapakin.

"Anong imported juice?" Ani ni mommy.

"She-" hindi na ako natapos mag salita ng biglang tinakpan ni Ate ang bibig ko. Ay bastos.

"Engrid?!" Mommy shouted.

"Wala mommy!" Matagal na tumitig si mommy kay Ate dahil hindi agad ito mag tiwala sa sagot nya pero gayun pa man' ay bumigay na din at nagpatuloy na sa panunuod ng tv.

"Psst.. ano nararamdaman mong gaga ka?" Bulong ni Ate saakin.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"I feel.. hot tas ang sakit ng ulo ko." I said.

Napasapo ito sa ulo.

"Akin na kasi yung gamot" Sabi ko sakanya.

"Hindi na siguro gamot ang kailangan mo eh.." bulong nya.

Napakunot noo ako. "Eh ano? Hospital na?" Pinitik nito tenga ko.

"Aray-! Put-" napatigil ako ng biglang siniringan nanaman ako ni mommy.

I smiled at tumingin na ulit kay Engrid.

"Last na to ha! Kumain ka, inumin mo to sa kwarto mo tas matulog ka! Gaga!" Binigay nya saakin ang tabletas at tumayo na. Napaka-walang modo, kanino bang kapatid to? Pamigay ko na to eh.

Pag katapos kong mag meryenda, bumalik na ulit ako sa kwarto ko at pinagmasdan ang tabletas na nasa tubig na, pati narin ang unti unti nitong pag iiba ng kulay...

Pula.

Ininom ko yun at medyo guminhawa ang pakiramdam ko.

Dahil narin siguro ay kakagising lang, hindi agad ako tamaan ng antok. Kaya binuksan ko ang bintana ng veranda ko at inilabas ang paintings materials ko.

Ginamit ko saglit ang telescope at doon na umupo at nagsimulang mag ukit.

Binasa ko ang ibaba ng labi ko at napasapo nanaman sa ulo sa biglang pagkahilo.
Agad akong bumalik sa sarili ng may nag angat, dahan dahan..ng baba ko.

Sya? Sya nanaman?! Totoo ba sya? Sino ito!

Sa galit ay tumayo ako at kinompronta sya.
"Who are you." Matigas kong tanong.

Verona High: The Ranking System Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon