VH: TRS 8

4.1K 104 0
                                    

Iginala nya ako sa may walk-in closet at para naman akong aso na sumunod sakanya. I can see his veins forming in his hands.. paano ako hindi susunod gayong ganito karahas ang kapit nya.

May mga paper bags na nakapatong sa table na naroon sa gitna ng walk-in closet.

Iginala ko ang tingin ko sa karamihan na damit nya na pang pormal. I can smell his perfumes..

Nakahilera ang mga ito sa isang malaking drawer.

May single sofa doon at bahagya lamang syang umupo. Pagod syang sumandal at tumingin saakin.

"Matulog ka ng maaga, at wag kang lalabas. Naiintindihan mo ba?" Parang may pagbabanta sakanyang mga mata.

Tumungo na lamang ako at hindi na nagsalita. Ayaw kong makipag-away sakanya. Hindi ko pa sya gaanong kakilala pero lagi na kaming nagkakasagutan, that's a bad start.

Tumatak na sa isip ko na masama ang ugali ng isang to.

Tinaasan nya ako ng kilay, siguro'y dahil kanina pa akong nakakunot noo habang iniisip ang mga paratang ko sakanya.

"Uuwi ako ng madaling araw." Pirmi kong sinabi.

"Bakit ba ang kulit mo?" Malalim nyang sagot.

"Ikaw! Bakit ba din ang kulit mo?!"

Naubos na ang pasensya nya at hinigit nya ako papalapit sakanya habang sya ay nakaupo. Napalunok ako sa pag igting ng panga nya.

"Hindi naman kita tatakasan! Kung kailangan mo ng dugo, ako na mismo ang lalapit sayo!"

He groaned.

"Madaming bampira ang nagmamasid sa labas ng palasyo. Madami din dito mismo sa palasyo, Almira." Ramdam ko ang galit sa bawat salita na pinapatak nya.

"Hindi ko kontrolado ang lahat.. at ayaw kong-" Unti unti nyang pinakawalan ang palapulsuhan ko at dahan dahan akong inangatan ng tingin.

"Mapahamak ka." Pirmi nyang salita.

"Kaya ko nga ang sarili ko sabi!"

"I don't care." Tinanggal nya na ang tingin saakin. Na-insulto naman ako sa ginawa nya.

Aba'y wala din akong pake no!

"Kung para saakin yan bat ang dami? Anong balak mo dito na ako patirahin?" Tinuro ko ang mga paper bags

"If you want."

Hinilot ko ang sentido ko sa inis.

"Hindi pwede! Sa amin ako titira at kung kailangan mo ng dugo tsaka ako pupunta sayo-" bigla nyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Na-alarme ako sa bilis ng pag abot nya dito.

"Bat ba puro dugo ang naiisip mo na kailangan ko sayo? Will you cut that shit." Galit nyang salita saakin.

"Eh kung ganun ano? Bakit mo akong ginawang Vildae?" Tanong ko sakanya.

Hindi ito sumagot. "Kung wala kang fiancee, bakit may lady in waiting dito na nagsasabi na personal assistant sya ng fiancee mo, sabi din ni Layla." Pagtutuloy ko.

Kung bakit ginawa nya akong Vildae? Di nya alam? Malamang kasi walang reasonable reason. Ganun lang talaga, ako lang ang una nyang nakita kaya ako ang pinili! Walang kahit na anong pagkakasundo, ganun lang talaga, walang reason.

Nung naging bampira ako kasabay ng pagiba ng kukay ng buhok ko an pag kawala ng seal ko.

"I told you, I don't do fiancee. If they auto proclaimed their-self my fiancee then that's not my problema, Almira." Walang gana nitong sabi.

Verona High: The Ranking System Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon