VH: TRS 5

5K 146 3
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatapat sa mukha ko. Inangat ko ang kamay ko at itinaas yun sa ere para takloban ang araw. Gosh I hate sunlights! Bampira nga talaga ako. Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang kurtina na nagalaw dahil sa hangin na nanggagaling sa binatana ko na medyo bukas.

Kagabi ay nakalimutan ko na tong isarado, pagkatapos kong manood ng mga bituwin.
Unang umaga ko sa Verona, tumayo na ako at naligo na, pagkatapos ay bumaba ng kwarto para magbreakfast.

Medyo inaantok pa ako, pero okay lang, palagi naman akong inaantok.

May pinatong na mamahalin na bag si mommy sa table.

"Ano yan mommy?" Inaantok kong tanong. Nag unat unat pa ako.

"Bag!" Simple nitong sagot. Alam ko na bag yan pero para saan?

"I know that, that's a bag, pero why? Am I going somewhere or what?" Kinurot ni mommy ang pisngi ko.

"Pinapalayas mo na ako? Papatakasin mo ko?" Nakangisi kong tanong. Sa sinabi ko ay pinitik nya ang tenga ko.

"Papasok ka sa bago mong eskwelahan hija! Kasama mo ang Ate mo!" Napatawa ako sa sinabi nya at binuga ang kape na iniinom.

"Nahihibang kana ba mommy? Graduated na ako, ano pinagsasabi mo?" Tuloy ang pagtawa ko.

"Well.." ngusmisi sya na agad kong ikina-kaba.

"Here in Verona you have to study till the age of 25. And you're only 20 hija!" Tumawa ito at ako naman ay nagtaas ng kilay.

"No way! Ayaw ko nga. Binubudol budol mo lang ako." Nag-pout si mommy sa sinabi ko.

"Come on hija, lahat ng anak ng mga nobles, andoon, pride na ng pamilya natin, pag di kayo um-attend ano nalang ang sasabihin nila saatin? Please? And besides graduated ka bilang Architect so this will be a piece o cake for you and your sister na graduated naman sa business administration! Tsaka hindi ito buong tungkol sa pag a-aral.." Parang proud pa sya sa sinabi nya.

Binalingan ko di ate, yea right cause this girl in front of me named Engrid is only 22.

"Sige po." Ngumiti ito at niyakap ako.

"Yay! Hahanda ko na uniform nyong dalawa, mamaya pa naman ang klase nyo." Napatingin kami kay lola na nagkakamot ng likod. Si Lolo naman ay nag gagawa ng kape and I bet dad is still sleeping.

"Ang ingay ingay mo Efisia! Ang aga aga!" Ani ni Lolo. Well.. totoo naman, kakagising ko lang tas ganito sasalubong saakin? Nakaka-offend naman.

"Sorry naman papa. Bawal ba ma-excite?" At nag katawanan kami.

Tiningnan ko ang kape na nasa harapan ko.
"Anong school ba ito?" Umupo si mommy sa harapan ko.

"Ohh let me explain...about that.." Pagkasabi nun ni mommy kinuha ko lang ang cellphone ko sa bulsa at nag scroll sa social media.

"Verona High is the name of your new school and it's Ranking System." Paninimula nya habang kumakain ng toast. She crossed her leg at humalumbaba sa harap ko.

Binitawan ko lamang ang cellphone ko at nilapag yun sa lamesa, sumandal ako sa upuan then I crossed my arms. Tinaasan ko sya ng kilay.

"The Ranking System is a tradition game in Verona to display all the most powerful vampires. The privilege of this game is that the top ten are all above the students of VH and they can have straight contact with the nobilities and royalties, they also have to be respected and they will be seen by every students as the Kings and Queens of VH. The only meaning of that is they have the full control of VH and its students, even if the headmistress has the most authority." Uminom sya ng tsaa at nagpatuloy sa pagsasalita.

Verona High: The Ranking System Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon