1

23 3 0
                                    

Nangyari ito mga sampung taon na ang nakakaraan.3rd year college na ako,guro ang kinukuha ko. Guro ang gusto ko upang makatulong sa mga batang hindi kayang mag-aral. Alam ko na kasi ang feeling na hindi makapag aral,noong high-school ako ay huminto ako sa pag aaral dahil sa kawalan ng pera. Apat kaming magkakapatid ako yung panganay tapos may isa akong kapatid na lalaki at dalawang babae. Magsasaka ang tatay ko habang nasa bahay naman ang nanay ko nagbabantay sa dalawa kong kapatid na babae. So enough with the introduction na. By the way I'm Leanger Orbmalacam .Back to my story na, so 10 years na ang nakakalipas ng una ko siyang nakilala. Una ko siyang nakita sa kanto malapit sa boarding house namin naglalakad ako noon papunta sa tindahan upang bumili ng makakain nang makita ko siya,bumibili ng cup noodles. Hindi siya masyadong kagwapuhan , matangkad, moreno at mukha namang mabait. Sa hindi malamang dahilan tumibok ang puso ko ng mabilis ng humarap siya sa aking puwesto at ngumiti. Tapos naglakad siya patungo sa direksyon ko naestatwa ako nun hindi ko malaman kung ano ang gagawin hanggang sa nalagpasan na niya ako. Hindi pala sa akin ang tungo niya kundi sa babaeng nasa likod ko. Napahiya at namula ako nun ng sobra mabuti na lamang at pagabi na yon. Pagkatapos kong bumili ay bumalik na ako sa boarding house, hindi ko malimutan ang nangyari hindi siya matangal tangal sa isip ko hindi ko alam pero bumibilis ang heartbeat ko kung lumalabas siya sa aking isipan. Nang gabing yun ay natulog ako ng maaga dahil may pasok pa ako kinabukasan.

<I hope you enjoy my oh so pangit na story 😂. Ito po ay throwback lamang po 😃 Ibinabahagi ko po sa inyo ang nangyari 10 years ago. >
                        Lovingly Yours,
                                  Rlynnnnn

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon