3

19 2 0
                                    

Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising,bago ako bumangon ay nagusal muna ako ng munting panalangin pasasalamat sa Panginoong Diyos dahil binigyan niya ako ng panimagong umaga upang magsaya at gawin ang aking misyon sa mundong ito. Pagkatapos kong manalangin ay inayos ko na ang aking kama,naligo,nagbawas at kumain na ako.Pagkatapos ng aking ritual ay naglakad na ako papuntang sakayan,habang naglalakad ako ay nakita ko si Emer na lumalabas sa isang hindi kalakihang bahay tatlong metro mula sa amin.Nang makita niya ako ay tumakbo siya papunta sa direksyon ko,hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko bumilis ang tibok ng puso ko,malakas rin ang tunog nito na parang isang drum na paulit ulit na hinahampas.
"Hi Leanger nagkita tayong muli hindi ko ito inaasahan" "uhmmm malapit lang kasi ang boarding house namin dito tatlong metro lang ang layo mula sa bahay patungong boarding house""Kung ganoon ay sabay  na tayong sumakay kung umaga,eh hehe walang problema."
------------------------------------------------------

Uwian na namin at naglalakad na ako balak ko kasing lakarin nalang,maaga pa naman kasi at para bawas na rin sa gastusin hindi naman kasi aabot ng isang oras kung lalakarin ko.Mas minamabuti ko lang na sumakay sa umaga para mapadali ang pagdating ko sa paaralan.Habang naglalakad ako ay narinig kong may sumisitsit,hindi ko ito pinansin kasi baka iba naman yung sinisitsitan niya magmumukha lang akong assuming.Hindi parin tumitigil ang sumisitsit hindi rin ako tumitigil sa paglakad,"Leangerrr Leangerrr" nang marinig ko ang pangalan ko ay lumingon na ako siyempre may pangalan na hindi na ako magmumukhang assuming.
"Ohhh Emer anong kailangan mo","Wala nakita kita kasing naglalakad kaya sinundan kita" "Ah ganoon ba uuwi na kasi ako eh pinili ko na lamang maglakad maaga pa naman kasi"," kung ganoon sabay na tayo."
Hindi na ako sumagot pa nauutal kasi ako kung kaharap ko siya,mabuti na lamang at nakayanan kong hindi mautal kanina.Habang naglalakad kami ay marami siya sinasabi gaya ng paborito niya daw ang adobo ,ang kulay na orange , mahilig siya mag drawing at marami pa siyang sinabi ayaw ko ng isa isahin pa baka abutan tayo ng gabi.
Hinatid niya ako sa boarding house kahit mas malapit ang bahay niya,gusto niya daw kasing makilala pa namin ang isa't isa.At sa araw 🌞 na yun nagsimula ang pagiging magkaibigan namin.

<Mga kaibigan nanalangin ako na naway magustuhan nyo ang aking unang istorya na ito Salamat at Lab lab 💕>
                      Lovingly Yours,
                                    Rlynnnnn

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon