4

14 1 0
                                    

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising,Pagkatapos akong ihatid ni Emer ay kumain na ako ,gumawa ng proyekto at naglinis ng bahay alas diyes na akong nakatapos kaya knockdown na ako 😂.
Gaya ng araw araw kong ginagawa ay nanalangin ako at naghanda na para sa aking umagahan.Mabuti naman at Sabado ngayon wala akong pasok naisipan ko nalang na maglaba ng mga damit at uniporme ko.Pagkatapos kong maglaba ay kumain na ako ng tanghalian nang may marinig akong kumatok sa pintuan.Lumabas ako at binuksan ang pintuan"Oh Emer ikaw pala yan" "Uhm hahaha gusto lang kitang imbitahin na mamasyal sa Mall kung okay lang", "Walang problema pasok ka muna kumakain kasi ako katatapos ko lang maglaba."Pumasok na kami at inimbita ko siyang kumain,pumayag siya at sabay na kaming kumain pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko na ang mga plato at naghanda na,pagkatapos kong magbihis ay lumarga na kami.Sumakay na kami sa jeep at pumara kami sa ****** mall,nagtingin tingin kami ng damit habang nag uusap kami .Nalaman ko sa araw na yun na wala na daw pala ang kanyang Tatay habang ang nanay niya naman ay nasa bahay lamang,sinusuportahan lang ng kaniyang tiyong army ang kanyang pag aaral.Nalaman ko rin na lima silang magkakapatid ikatatlo siya,nasabi niya rin na matagal na niya akong kilala at ginawa niya lang na paraan ang pagtulog tulog sa classroom nila .(Fb)Habang naglalakad ako papuntang classroom ay nakita ko si Leanger na umaakyat nakita ko rin si Ma'am Adelfa na kausap niya dali dali akong pumunta sa classroom at nagkunwaring tulog.Nang mahulog ang folder ay kunwari akong nagising ,ginawa ko yung paraan upang makilala ko siya.
"Leanger may gusto sana akong sabihin sayo matagal ko na itong balak sabihin sayo , kilala na kita simula pagkabata nakikita kita sa plaza naglalaro tagahapon noon palagi akong pumupunta sa plaza upang makilala ka Ger .Hanggang isang araw hindi ka nakapunta at sinundan pa ng ilang araw hanggang sa umabot ng buwan , taon at hindi ka na nakabalik pa .Nabalitaan kong lumipat na pala kayo ng bahay nalungkot ako noon ng sobra.Gusto na kasi kita noon pa man.Isang araw habang naglalakad ako papuntang paaralan ay nakita kita ulit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko nun,Hindi ko akalaing makikita kita 4 Apat na taon Pagkatapos kayong umalis sa lugar natin.Sinundan kita ng palihim at nakita kitang pumasok sa isang classroom malapit sa amin,sobrang saya ko nun kasi nakita kitang muli pero isang pagsubok muli ang dumating sa atin .Namatay ang Tatay ko at kailangan naming umalis sa lugar kung saan kami nakatira sa ikalawang pagkakataon ay nalungkot ulit ako, mas malungkot pa sa una dahil lumalim na ang nararamdaman ko sayo nun.At makalipas ang napakaraming taon ay Hindi ko inaasahang makikita kitang muli naging kaibigan kita at nakilala kita kaya hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito Leanger.Mahal kita noon pa man at Hindi na mababago yun ,puede ba kitang ligawan?"

   

<I hope nagustuhan niyo po Lab you all💕No Hate Just Love mga kaibigan😉Spread lovee💞💞💞>

                    Lovingly Yours,
                              Rlynnnnn
      

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon