11. | Jungwoo's

734 64 21
                                    

Ilan araw ko na di nakakausap ko si Pauline at nag aalala na ako sa bestfriend ko kaya naman napagdesisyunan kong pumunta sa bahay niya.

Hindi na ako kumatok sa bahay niya ayun naman sinabi niya lagi sa akin pumasok nalang daw ako ng deretso kasi may tiwala naman daw siya sa akin plus sinabi narin yun sa akin ng magulang niya na nasa ibang bansa ngayon kaya ayos lang talaga na pumasok lang ako ng deretso sa bahay niya.

Nakakapagtaka lang nung pumasok ako kasi nakapatay lahat ng ilaw hindi sanay si Pauline na nakapatay lahat ng ilaw... dumeretso ako sa kwarto niya pero wala siya doon lalabas na sana ako sa kwarto niya pero...may narinig akong ubo ng ubo sa banyo kaya naman agad ako dumeretso sa banyo na ikinagulat ko....

Dahil pagkabukas ng pagkabukas ko ng banyo....

"Pauline...ano ito? Ba't maraming petals dito?" 

Inaamin ko medyo natakot ako nung unang kita ko nito hindi lang naman kasi siya basta petals...may kasama itong dugo.

"J-Jungwoo" nanlaki mga mata ko dahil...

"May hanahaki disease ka? Ba't di mo sinabi sa akin ito?" Tanong ko sa kanya na halos maluha-luha na...bakit meron ka nito pauline... 

"Sorry jungwoo hindi ko sinabi sayo yung totoo ayoko magalit ka sa akin at tsaka natatakot ako..." agad naman ako lumapit sa kanya at niyakap siya, naramdaman ko na umiiyak narin siya.

"Ba't naman ako magagalit sayo? Shhh wag ka nang umiyak bestfriend gagawan natin ng paraan yan promise ko yan sayo"

Nakakalungkot lang dahil nararanasan ng bestfriend ko ito...ba't kasi kailangan niya pa magkaroon nan...nagmamahal lang naman siya.

Hanahaki Disease | Kim JungwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon