CHAPTER 17

1K 17 4
                                    

Pag katapos ng Showtime ay dumiretso ang ViceRylle sa dressing room na malapit sa pag gaganapan ng Interview ni Vice sa tonight with boy abunda .

"Babe sure kang hindi kita sasamahan"- tanong ni Karylle

"Babe ok lang ako ang mahalaga andun ka mamaya kahit sa gilid lang"- sabi naman ni Vice habang inaayusan at nakahawak ang kamay nya kay Karylle ..

"Sure ka ba talaga?"- tanong muli ni Karylle

"Haha babe ang kulit mo oo nga sure ako"- natatawang sagot ni Vice

"Ok , Basta pag hindi mo na kayang sagutin ang mga tanong tingnan mo lang ako ah "- sabi Karylle

"Bakit pag tumingin ba ko sayo babe , makikita ko sa mata mo yung sagot?"- natatawang tanong ni Vice

"Hindi pero paulit ulit kong sasabihin sayo na MAHAL KITA"- nakangiting sabi ni Karylle

"Ay iba ka nanay Kurba , kakakilig "- sabat naman ni Buern ang hairstylist ni Vice

"Haha , Syempre Buern no "- sagot ni Karylle

"Nako Buern mahal talaga ako ni Kurba , Grabe suporta nya sa akin no?"- Sabi ni Vice

"Oo nga meme ikaw na ang pinagpala sa lahat"- sabi ni Buern

"Ammm excuse me po last 10 minutes nalang po start na ng interview"- sabi ng isang staff

"Sige po , Pakisama na po si Karylle sa Audience para may pwesto na sya po" - sabi ni Vice

"Sige po., Tara na po Miss Karylle"- sagot naman ng Staff

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Magandang gabi mga Kapamilya , Ang makakasama natin ngayon ay ang nag babalik hindi lamang sa showbiz kundi pati sa mga buhay natin , Matagal tagal syang nawala ng walang paalam at ngayong gabi malalaman na natin ang rason ng pag kawala nya , Makakasama natin ang Unkabogable star Vice Ganda ? Ganda?  Haha"- sabi ni Tito Boy

"Hi Tito Boy , Good Evening "- bati ni Vice kay Tito boy at sa ibang fans na nandun

"Hi Vice , Nice to see you again "-

"Nice to see you again po Tito Boy "-

"So Vice Kamusta ka naman ngayon?"- diretsahang tanong ni Tito Boy

"Masaya tito Boy , Nakapag pahinga ako sa pag alis ko , masarap na minsan mag isa ka , yung malayo sa lahat, Ang saya nakakagaan sa feelings "- sinserong sagot ni Vice

"Vice speaking of pag alis , Ano ang totoong rason Vice kung bakit ka umalis ?" -

"Ah tito Boy gusto ko mag paka honest , Gusto ko na ito na yung huling mag tatanong yung mga tao kasi gusto ko ng mamuhay ng masaya at tahimik sa intriga so mag papaka totoo "

"Sige Vice"- tanging nasabi ni Tito Boy

"Yung reason kasi kaya ako umalis ng biglaan kasi nag karoon kami ng problema ni Karylle , Pinilit namin ayusin ng napakatagal , Pinilit kong ayusin pero dumating kasi sa point na parang teka lang tama na nakakapagod na , Ayaw ko na . Yes, tito Boy dumating sa point na napagod ako , Dumating sa point na ayaw ko na, ako nalang mismo ang lalayo kasi lalo lang tayong mag kakasakitan "- sabi ni Vice na lumingon sa gawi ni Karylle kung saan naluluha na rin ito.

"Anong problema to Vice?"- Tanong ni Tito Boy

"Tito Boy ayaw ko sanang sagutin pero para lang po matigil na . Nag buntis po kasi dati si Karylle then alam kong ako ang dahilan kung bakit nakunan si K and nandun na po yung nagalit saakin si K , to the point na hindi na kami nag papansinan sa loob ng bahay nag patuloy yun hanggang sa ilang buwan hanggang sa napag pasyahan ko nalang umalis para kahit papano matulungan ko syang makalimutan ang nangyari , pakiramdam ko kasi habang nakikita nya ako lalong napapatagal ang pag limot nya sa nangyari"- naluluhang paliwanag ni Vice pag tingin nya kay Karylle ay umiiyak na rin ito ng todo.

RISK- VICERYLLE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon