Jeriah Sary Salvar POV
Nandito ako ngayon nakaupo sa front seat ng sasakyan habang siya naman ang nagmamaneho sa driver seat alangan naman sa passenger seat no? Hehe joke lang.
Di ko mapigilan ang ngiti dahil malakas ang kutob ko na kaya gusto niya pumunta sa mall kasama ako dahil magpapatulong siya bumili ng bra, bikini, at panty para sa kanya.hahahha.
"Ngiti ngiti mo diyan?" Tanong niya saka sumulyap sa akin.
"Wala,wala,wala ito hihihihi.." Nakangiti kong sagot with pabebe voice at ginantihan siya ng tingnin.
"Wag mong sabihin?" Gulat na tanong niya sa akin.
"Sabihin na ano?" Balik ko sa tanong niya
"Nabakla ka"
"Na gusto mo ko" sabay naming wika"What?!"
"Ano?!" Sabay parin naming wika."Wait let me talk first Sary" saad niya
"I'm not gay Sary, the heck?" Depensa niya
"Eh! Ba't may pambabae ka na damit?" Tanong ko na nakataas ang kilay?
"That's from my sister" sagot niya
"Weh??? Di nga??" Pagpupumilit ko
Napatigil ako ng hininto niya ang kotse sa gilid ng kalsada saka tumingin sa akin ng masama saka napalitan ng ngisi.
"So? Sinusubukan mo ko?" Tanong niya sa akin ngayon ng seryoso.
Inalis niya ang pagkaka seatbelt saka lumapit ng kaunti sa akin.
" ha? Hindi ah! Nagtatanong lang naman eh" nauutal kong depensa.
Di ko mapigilang kabahan dahil palapit ng palapit ang mukha niya sa akin. Shet ano ba pinaplano niya? Hahalikan niya ba ako?
Shemay mabango ba bibig ko? Omaygas! Baka amoy imburnal to anak naman ng tinapa oh! Saka di ready doon pa susulpot ang grasya. Hoy ano ka ba Jeriah mag hunos dili ka nga. Mapapakanta talaga ako nito.* Oohhh tuksooo layuaan mo akooo.* Pero shet na malagket pwede naman siguro tumikim.
Ansabe tumikim? Parang juice lang ang peg? Susmaryusep mind wag maging maniac please."Talaga lang huh?" Saad niya na three inches nalang ang pagitan. Hmm..ang bango ng bibig niya amoy mint.
Shet! Ano ba dapat gawin? Maghimatay himatay ako? O magtulug-tulugan? Ay parang same lang naman yung dalawa. Bahala na.
Pumikit ako at handa ng salubungin ang kanyang matamis na labi. Chos.
Pero 10 seconds na ang nakalipas wala parin, mukha tuloy akong tanga.
Napagdesisyunan kong idilat ang aking mata. At nakaplastarda sa mukha niya ang ang ngisi.Oh no! Pinaglalaruan niya lang ako. Ang assumera ko kasi.
Ang ngisi niya ay napalitan ng tawa.
At ako? Eto ngayon NGA-NGA
"Oyyy..may umasa.hahaha" tawang tawa talage eh no? Mabilaukan sana.
Bwiset!"Hindi ah!" Depensa ko
"Eh! Ba't may papikit pikit ka pang nalalaman?" Dagdag niya na di parin natapos tumawa.
Assumera ko kasi
"Duh! Di ba obvious nagdadasal ako kaya ako nakapikit. Nagdadasal na sana matauhan ka sa kahalayan mo. Bastos talaga neto" mahabang lintanya ko
Sana maniwala ka *cross fingers*
"Siguraduhin mo lang ah! Hahahaha"
Bwiset! Pahiya tuloyDi ko na siya pinansin imbes inirapan ko na lang siya.

YOU ARE READING
Kidnapped by Him
HumorAs of May 2,2018 Kidnapped by Him had been ranked at #544 in humor As of April 29 2018 Kidnapped by Him had been ranked at #728 in humor. Paano kung isang gabi ay makilala ko ang akin prince charming...Ano daw? Wait! Basahin mo nalang.. Tinatamad ak...