Jeria Sary Salvar POV
Hmm..ang bango naman nang unan na ito. Kailan nakapaglaba si mama ng ganito ka bango and take note ang lambot. Saad ko sa isip ko habang nakapikit parin ang mata. Ang kama ang sarap higaan, eh! Ang kama ko nga matigas,kasing tigas ng puso niya ng pinaglaruan ako. Ay...ayan na naman ako nagdadrama.
Hep...hep asan ba ko? Dinilat ko ang aking mata at inilibot iyon na parang ferris wheel, ay joke. Omaygas! Nanalo ba kami ng lotto habang tulog pa ako? Ang bilis naman namin nakalipat.
Napahinto ang paglibot ng mata ko ng mahagip nito ang picture na naka top less na lalaki. Shet na malagkit! Holy abs! Mapapaalmusal ata ako ng maaga. Parang ang sarap ng pandesal kulang nalang ng kape.
Pero teka nasan ba talaga ako? Di ko na man to ata kwarto kasi di naman ako naglalagay ng naka top less na picture. Loyal kaya ako kahit ako nalang pala ang nagmamahal. Ayan na naman ako makapag move on nga. Pero teka! Wait magfaflashback muna ako.
*isip
*isip
Omagas! Tama kinidnapped ako. Pero in fairness ha di ako ginapos.
Di ko napigilan at napasigaw na ako " Wahhhhh! Rape!Rape!" Omagas!ang virginity ko na inalagaan ko ng 19 years. Alagang Safeguard pa naman to. Kinapa kapa ko ang dibdib ko pero pero ba't wala akong makapa? Sorry naman flat lang yan lang nakayanan iumbok eh. Saklap!
Hayss...salamat meron panaman akong suot at ito parin ang sinuot ko kahapon. Hay nako Jeria lampa na nga bobs pa mygas! I love my self.
Napatigil ako ng bumukas ang pinto at iniluwa ang isang anghel na naka top less at nakasuot ng apron sa baba ng tiyan.
Wait! May anghel bang naka top less? DIBA wala? Shet may pa tulo pawis effect pa. Nakakabusog naman ito hanggang hapunan ang kabusugan ko. Omagas! Self nagiging maniac ka na. Bad yan!
" What's your problem honey? "Tanong niya
" Ba't ba kasi ako nandito at saka wag mo nga ako matawag tawag na honey dahil di naman ako bubuyog para mag produce ng honey mo"
Sagot ko sakanya bwiset!"Okay then, let's go down stairs, let's eat our breakfast"
Aba't umeenglish ha akala niya siguro bobo ako sa English best in English kaya to.
"Hey you! You know what you're rude."
Nakataas noo kong wika. Napatingin na man ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.Aha! Akala niya siguro siya lang umeenglish syempre ako rin no.
"Why did I became rude honey?" Tanong niya na nakakunot noo
O gas! May follow-up question. Shemay di ako ready.
"Because" panimula ko omaygas think little brain. Dapat di ako mapahiya."Because...never mind let's eat na nga"
Hays Jeria time mo na sana magpakitang hilas na epic fail pa. Hanggang dito rin ba? Parating fail. Parehas sa pag-ibig ko palpak.
Ayan tuloy emo ang peg ko ngayon.Na una lumakad si--wait sino ba siya? Ghad! Sino ba tong lalaking toh?
Nangpababa na kami ng hagdan inilahad niya ang kamay niya para tulungan ako.
" kaya ko sarili ko, di na man ako lampa noh! O sige na nga slight lang " taray ko sa kanya.
Habang pababa kami ng hagdan biglang pumasok sa isip ko na ba ka dahil naging mabait siya dahil may motibo siya sa akin. Baka pagkatapos ng almusal papahingahin niya ako then kakatayin at kukunin ang internal organs ko tapos yung mga buto gagawing adobo. Oh nooo!! Kailangan ko protektahan sarili ko.
Pagkababa namin sa hagdan. Agad kong kinuha ang suklay sa mesa na kalapit lang sa hagdan. Agad ko itong tinutok sa kanya
" Wag kang lalapit" pagbabanta ko
Akma niya sana akong lalapitan pero
" Sabi ng wag kang lalapit papatayin kita sige ka" sigaw ko sa tonong pagbabanta
"Really? With the use of comb?" Di mapakaniwalang tanong niya.
Tama no! Tange ko talaga ba't sa lahat lahat ng pwede ko kunin suklay talaga ano lang magsusuklayan lang kami ng buhok ang peg? Pwede na man vase. Omaygas! Oh no! Malala na ako pero bahala na nasimulan na eh EDI tatapusin.
" Ba't mo ba kasi ako kinidnap?" Tanong ko habang di inaalis ang pagkatutok ng suklay sa kanya.
"Well we'll discuss that later"
"Okay madali naman ako kausap" sagot ko at binaba ang suklay at isinuklay sa buhok ko.
Wait!What? Pumayag ako? I can't believe it!Inunahan ko siya papunta sa kusina para swabe tingnan dapat ako ang una mag walk out
" Wait, di diyan ang daan" simpleng sabi niya
O gas! Di ko naman alam ang pasikot sikot sa bahay na to. Nalimutan ko sorry na. Nasira tuloy moment ko mag walk out. Pahiya mode.
Sinundan ko siya hanggang nakarating kami sa kusina.
" Ba't mo ko kinidnap?" Tanong ko habang sumasandok ng kanin.
Wala ng hiya hiya gutom nako."Excuse me I didn't kidnapped you" depensa niya.
"Sino ka nga ba?"
Tanong ko sabay subo ng pagkain" Oh sorry, I'm Kyriel Carion"
Okay now I know.
" Ako pala si ---" di ko na natapos ang sasabihin ko ng pinutul niya iyon.
" I know you"
Aba may stalker pala ako feel ko tuloy ang ganda ko. Oh! Ayan na naman ako sa pagiging assumera."In fairness ang sharapp naman nito" salita ko habang sunod sunod kumain
"Don't talk when your mouth is full." Suway niya sa akin.
" shorry namenn"
*glare
Pagkatapos mag almusal ay inutusan niya ako maligo sabi pa niya " take a bath or else I will join you" pag gaya ko sa sinabi niya kanina.
Diba ang bastos noh? Pero sayang nag matigas sana ako. Ayan tuloy wala siya dito. Omaygas! Bad sign nato.
Natapos na akong maligo at nagbihis na ng damit na pinahiram niya sa akin. Ba't kaya siya may pambabae na T-shirt? Di kaya bakla siya? Kaya siguro niya ako kinidnap dahil hihingi siya ng tips and advice sa akin paano magsuot ng bra and dresses. Hahaha! Exciting to. Napahinto ako sa pag mo-monologue ng bumukas bigla ang pinto.
" Anak ng tinpang niregla" sigaw ko dahil sa pag ka gulat.
Ba' t ba kasi bigla bigla siya ng namumukas ng pinto." Di uso katok kyah?" Tanong ko
Buti nasuot ko na damit ko kung hindi baka di na ako mag damit. Omayghad! This is a bad sign na iinvade na ang utak ko ng kahalayan.
"Hurry up! We'll go to the mall. Para magmukha ka naman na tao" wika niya
" Bakit mukha bakong dyosa sayo?" Tanong ko sabay ngisi.
"Hindi, mukha ka nga ng unggoy" panlalait niya sabay tawa at takbo
Aba'y loko to ah! Pasalamat ka gwapo ka. Pero di talaga eh, di ko na napigilan ang inis ko at hinabol ko siya. Humanda ka!!!!!

YOU ARE READING
Kidnapped by Him
ComédieAs of May 2,2018 Kidnapped by Him had been ranked at #544 in humor As of April 29 2018 Kidnapped by Him had been ranked at #728 in humor. Paano kung isang gabi ay makilala ko ang akin prince charming...Ano daw? Wait! Basahin mo nalang.. Tinatamad ak...