[Hello po, sorry for the typo errors. I'm still editing the complete story. Sana po magustuhan niyo. Enjoy reading]
“Consider this as a threat! I need my condominium unit as early as tonight kapag hindi niyo ako pinapasok magrereklamo ako! Alam niyo namang my Dad invested on this establishment! You can't treat me like this!” Bulyaw ko sa mga taong nasa harapan ko.
I think this has been the longest 30 minutes of my life. Ayaw akong papasukin ng mga mukhang langaw na empleyado dito sa condominium na tinutuluyan ko. They're acting like I'm trespassing someone's property. Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga taong dumadaan, as if they’re asking kung sino ako at bakit ako nag e-eskandalo dito.
Nilapitan ako ng isang staff para yata pakalmahin ako but I rejected her.
Kalma?
Sino bang kakalma sa ganitong sitwasyon?
Baliw lang ang taong matutuwa kapag mawawalan siya ng tutuluyan, walang shower at kahit damit man lang na pagbibihisan. Lahat ng damit ko at lingeries nasa loob ng unit ko. Pati ang mga credit and debit cards ko, declined lahat.
What will happen to me then?
Kukuha ng karton at ilalatag sa kalye?
Sa ganda at sexy kong 'to?
NO WAY!
Wala pa rin akong tigil sa pagsasalita dito habang sila tahimik lang na nakatingin sakin. Napapakagat labi nalang ang mga babaeng nakatayo sa reception.
“I WANT MY UNIT NOW!”
Hindi pa rin sila sumasagot, lahat sila ay walang imik at nakatitig lang sakin. It seems like they're begging for me to stop this drama dahil nga ang dami ng guest na dumarating dito sa main floor ng condominium. Parang may buhay ang mga mata nilang nagsasabi na ‘Tumigil na po kayo, baka gumuho ang building na’to. Mawawalan kami ng trabaho!’
Di nagtagal ay mukhang hindi na din nakatiis ang isa sa kanila. Lumapit na ito sakin at may inabot na isang sobre.
“Dad niyo po ang nag-utos na wag po munang buksan. Ang susi po ay ibinigay na namin sa kanya. Paumahin po Ma’am sumusunod lang po talaga kami sa utos. Umuwi daw ho kayo sa mansion niyo mamaya para kunin ang susi.”
Padabog akong lumabas ng building upon hearing those words. Ano bang dapat na reaction ko? It’s my Dad na. Kelangan kong tumahimik kapag siya na ang nag-utos dahil wala din naman akong choice. Tinapakan ko nalang ang sobreng binigay nila sakin. Hindi ko na kelangang basahin ang utos ng matandang gorilla na napakasama ng ugali.
Isang mabigat na titig ang ibinigay ko sa kanilang lahat sabay kuha ng bag ko. Mamahalin pa naman ito and limited edition pa. Mabibilang lang sa daliri ang nagmamay-ari ng ganito. I need to protect this dahil ito nalang ang mayron ako ngayon.
Pupunta ako sa mansion para malaman ko kung anong balak ng matanda at bakit pinapahirapan na naman ako nito.
I draw a deep breath. Wallet nalang talaga ang sandalan ko ngayon dahil naiwan ko din ang susi ng kotse ko sa loob. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang hinahanap ang wallet ko.
*BOGS!
“WATCH OUT!” galit na sabi ko dun sa bumangga sakin. Lumingon ako pero wala naman akong nakitang tao.
May bumangga sakin tapos tumakbo agad? Napakabilis naman ata.
Kunsabagay, that's life. May mga tao talagang tinatakbuhan kahit simpleng atraso lang. Pati problema, maliit man o malaki ay tinatakbuhan kaagad. They hate complicated things. Tulad ko, ayokong aminin na myembro ako ng pamilya ng Dad ko at kung pupwede lang ay ayoko na silang makita pa.
BINABASA MO ANG
SCARLET COLLECTION : That Hot Thing [COMPLETE]
ChickLit"A lonely heart doesn't need sympathy. It just needs another lonely heart who craves for love." [Audrey Sharon Sy] In order to control her thirst, Audrey Sharon Sy created a new world to serve as a playground for her lust and hopelessness. She trie...