(Assy’s POV)
The only way to defeat him is to prove him wrong. Hindi ako naniniwalang hindi man lang ito na-aattract sakin kahit konti. He's the first guy who rejected me and I will make him suffer because of that.
Nakangiti ako sa harapan ni Adrian habang nandito sa receptionist area. Wala akong pakialam kahit busy siya o madaming guest na dapat asikasuhin. I'm a VIP here kaya ako dapat ang unahin niya palagi.
Nakagawian ko na yatang tumambay dito bago ako pumasok ng unit ko. Alam niyo na kung bakit, para asarin siya. Sa tingin ko nga ay dalawang araw ng walang lalaking bumibisita sa unit ko. Medyo natutuwa kasi akong bwisitin ang lalaking ito. Maybe, I'm also restraining myself dahil nakaramdam ako ng kaonting hiya sa sarili dahil sa sinabi nitong madumi daw akong babae.
Ganun na ba talaga ako kadumi sa tingin ng ibang tao? Wala na ba akong karapatan to defend myself? Am I that disgusting? Am I a total mess?
Hindi ko maintindihan pero bumaon sa puso ko ang mga salitang binitiwan nito. Para akong natamaan ng lahat ng sinabi niya sakin, ang mga titig niya and how he pushed me away from him. It feels like he showed me how wicked and dirty I am.
“Cute ba ako Adrian?” I showed him some puppy eyes. I placed my palms under my jaws and created a lovely eye expression. Wala na akong pakialam kung magmukha akong timang dito basta maappreciate man lang ako ng taong ito.
May itinuro naman ito sa likuran ko. Ang plastic na naman ng ngiti niya sakin. “Mas cute pa rin yung puppy ni Grandma kesa sa'yo. You're below average Miss.”
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Mas lalo talaga akong natutuwa kapag nagsisinungaling ito sakin. I know I'm pretty, ayaw lang nitong umamin sa sarili niya.
“Ows? Baka para sa’yo cute yung matanda? Ganyan ba talaga katindi ang pangangailangan mo? Madami ka bang utang pre?” ngumisi ako sa kanya. "Gusto mo ba ng 4M? Matandang mayaman na madaling mamatay?"
Napansin ko kasi dahil ilang araw ng siya ang apple of the eye ko ay umiiwas na ito kapag usaping pera o trabaho na ang nababanggit ko sa kanya. Hindi man ito sumagot pero ramdam kong naiirita siya sa mga topic na iyon.
Hindi din naman siguro siya isang ligaw na tupa tulad ko. Dahil kung anak mayaman ito, sa paraan ng pananalita nito at personality ay walang magulang ang hindi magiging proud sa kanya. He's a passionate, dedicated and diligent guy. He don't deserve to work as a receptionist, kaya nitong maging CEO ng isang malaking kompanya.
“Bakit natulala ka na dyan Ms. Sy?" nagulat ako ng nasa harapan ko na ang mukha ni Adrian. Nakangiti ito sakin habang kumakain ng spaghetting nakalagay sa isang styrofoam container.
Masyado ata akong na-overwhelm sa panonood sa kanya habang nagtratrabaho at hindi ko na napansing inabot na ako ng 10am, break time na nila.
"Sa tingin ko mas matindi ang pangangailangan mo sa'kin. Pinipigilan mo lang.” Kinindatan niya ako saka nilapit sa bibig ko ang tinidor niyang may spaghetti.
Totoo ba ito? Susubuan niya ako ng spaghetti? Magkakaroon na ba kami ng indirect kiss?
Namumula man ay nagawa kong ibuka ang bibig ko. Nakakahiya dahil ang daming tao sa paligid pero bahala na. Hinihintay ko nalang na isubo nito sakin ang pagkaing hawak niya.
"Sabi na nga ba nangangailangan ka." tumawa ito sabay subo ng tinidor na hawak. Nakita ko kung paano nanliit ang mga mata nito habang unti unting lumalakas ang tawa niya.
Bwisit ka talaga Adrian! Arrrgh! “You jerk! Tuwang tuwa ka talaga kapag naiinis at napapahiya mo ako! How dare you insult me! Ouch!” sigaw ko.
Napaatras nalang ako ng tumama ang balikat niya sakin. Umalis ang loko! He's so arrogant, pina-asa lamang ako nito.
BINABASA MO ANG
SCARLET COLLECTION : That Hot Thing [COMPLETE]
ChickLit"A lonely heart doesn't need sympathy. It just needs another lonely heart who craves for love." [Audrey Sharon Sy] In order to control her thirst, Audrey Sharon Sy created a new world to serve as a playground for her lust and hopelessness. She trie...