(Ian's POV)
Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang mga eksenang nangyari kanina. I wasn't expecting na makikita ko ang CEO ng Sy Dragon Corporation sa ganitong lugar at bilang ama pa ng masungit na babaeng 'yon.
He's too great to be her father. Napakalayo ng personalidad nilang dalawa, siya ay isang sutil na babae habang ang ama naman nito ay tinitingala sa business world dahil sa angkin nitong kakayahan. Kapag nakikita ko na ito noon sa isang subastahan, tumatayo na agad ang mga balahibo ko sa katawan. He's a monster, an evil risk taker, walang sinuman ang nakatalo dito kung bidding lang naman ng mga real properties ang pag-uusapan.
On the other hand, hindi ko alam na magiging ganon ang treatment nito sa kanyang anak. He's too straightforward at wala itong pakialam sa maaring mararamdaman nito.
Alam kong mabigat lahat ng mga salitang binitiwan niya, sigurado akong tumatak ito sa puso't isipan ni Assy. That made her cry, kahit pa sinusubukan nitong magpanggap na malakas ay kitang kita sa kanya ang epekto ng mga sinabi ng kanyang ama.
She's just pretending to be strong even though she's already broken.
My Dad is a dictator but he never yelled at me like that. Ni minsan ay hindi nito nagawang ipahiya ako sa harapan ng maraming tao. Marahil dahil pinapangalagaan nito ang kanyang pangalan at posisyon. Matapang man ito minsan at mainitin ang ulo ay naniniwala akong marunong itong rumespeto sa kanyang pamilya.
I don't know kung anong hangin ang pumasok sa utak ko ng mga oras na iyon at pumayag akong mapanggap na boyfriend ni Assy. Hindi naman dahil naawa ako sa kanya, kung hindi napilitan lang talaga ako dahil nasa harapan kami ng Dad niya.
Wala talagang ginawa ang babaeng iyon kundi ipahamak ako at gawin akong katawa-tawa sa harapan ng maraming tao. Napakahirap niyang intindihin.
I really want her out of my life!
Hindi ko ma-imagine na makakasama ko siya sa isang formal at romantic dinner date at lalong lalo na ang dumalo sa isang event kung saan makikilala siya ng mga relatives ko. She's definitely not my type, napakalayo ng ugali nito sa maria clarang gusto kong mahanap at makasama sa buhay ko.
I wish to marry a decent and sweet woman. Iyong tipong aalagaan ako at mamahalin ng higit pa sa sarili nito. Syempre, ganun din ang gagawin ko sa kanya. Hindi ako magsasawang pagsilbihan siya at iparamdam ang ligaya't pagmamahal ko.
Kaya habang maaga pa ay gumawa na ako ng paraan to get rid of her. And this is the best opportunity to do it.
"Deal is a deal babe, I just want our 5 days to be perfect. Gagawin ko ang lahat to be your best girlfriend." sabi niya sabay kindat sakin habang nakaupo sa kama.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ibang iba na naman ang personality nito doon sa babaeng nakita kong umiyak pagkapasok na pagkapasok namin ng kwarto kanina.
"Just make sure na wala kang girlfriend ha. Baka kasi may biglang humila sa buhok ko o mag eskandalo habang kasama natin si Dad."
Kunot-noo akong tumingin sa kanya. Ngumiti naman ito sakin ng pagkalandi-landi.
Tsk. She's a pervert at napaka-eskandalosa pa. Kapag kasama mo siya, pakiramdam mo any moment ay may gagawin siyang kahalayan sa'yo. Hindi mo mahuhulaan kung saan makakarating ang mga kamay nito at kung ano ang susunod na gagawin niya sa'yo.
"I'm single at impossibleng may manggulo satin. Ikaw lang naman ang mahilig mag eskandalo, di'ba my girlfriend? Hahaha." Napataas ang kilay nito dahil sa sinabi ko. Nawala bigla ang malanding ngiti niya at napalitan ng pamumula.
Siya naman talaga ang FAKE girlfriend ko di'ba?
"You're funny. Basta wag kang gagawa ng kapalpakan sa harapan ng Dad ko, okay? Alam mo namang napakasama ng ugali nun, that's why I hate him. Ihanda mo na rin ang sarili mo sa mga tanong niya about your personal background and your family." napalunok ako sa sinabi nito sakin.
BINABASA MO ANG
SCARLET COLLECTION : That Hot Thing [COMPLETE]
ChickLit"A lonely heart doesn't need sympathy. It just needs another lonely heart who craves for love." [Audrey Sharon Sy] In order to control her thirst, Audrey Sharon Sy created a new world to serve as a playground for her lust and hopelessness. She trie...