♥VII♥
Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa muka ko. Kasalukuyan kaming nasa rooftop ng mga kasama ko at pinagmamasdan ang mga estudyante dito sa itaas. Mahihirapan kaming makuha ang libro lalo na kung napakarami naming pinagmamasdan, we have to list down our list para mas mapadali ang paghahanap namin sa may hawak nito. Isang clue lang ang alam namin para malaman na yun na nga ang libro, ang crescent moon na nakaukit sa pabalat ng libro.
"Hayy, hanggang ilang araw kaya tayo dito?" nagpangalumbaba si Qen habang nakatingin sa baba. Ang iba naman ay nakaupo sa semento habang nakapikit ang mga mata.
"Hanggang sa mahanap natin ang pakay natin dito. Our first mission must be successful lalo na at napakahalaga ng prophesy book." sabi ni Vron na hindi parin iminumulat ang kanyang mga mata.
Itinuon kong muli ang tingin ko sa ibaba at kumabog ang dibdib ko ng makasalubong ko ang tingin ni Kire. Nakatingala siya at nakatitig sa mga mata ko. He's like examining my whole being.
"What are you looking at?" tanong ni Nat at sumilip rin sa ibaba, pero umalis na si Kire. "Ano ba yun?" nakanguso niyang sabi kaya palihim akong napangiti. Cute.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik narin kami sa classroom namin. Katulad ng kanina ay pinagkakaguluhan nanaman sila. Wala pa namang teacher kaya naisipan kong lumabas ng room ng hindi nila alam, hindi rin naman nila ako napansin kaya hinayaan ko nalang.
Naglalakad ako sa hallway at lahat ng makakasalubong ko ay napapatitig sakin. Pssh
"Hoyy!!"
Isang babae ang humarang sa dinaraanan ko. She's pretty but she looks like a warfreak.
"Ikaw!! Bawal dito ang panget!!" sabi niya habang dinuduro pa ako.
"Panget daw.. Kumpara naman sa muka niya, mas pangit kaya siya."
"Oo nga, hindi man lang siya mahiya sa diyosang kaharap niya."
"Ganyan talaga ang mga insecure. Hayyy kawawa naman."
Sari-saring bulungan ang narinig ko na mas ikinapula ng muka ng babaeng nasa harap ko. Bakit kaya di sila gumamit ng nametag para alam namin ang pangalan ng isa't isa?
"Manahimik nga kayo!!" sigaw niya sa mga nakapaligid samin bago ako binalingan ng tingin. "Ikaw!! Ang kapal ng muka mong agawin ang pwesto ko sa skwelahan nato. Transferee ka lang!!"
She was about to slap me ng may pumigil sa kamay niya. "Your insecurities tsk. Don't you dare touch her.."
"K-kire.."
"Ayoko ng maulit ito Lori. Wag mong pairalin ang pagka b*tch mo sa mga transferees. Shame on you."
Naiiyak na umalis si Lori sa kinalalagyan namin. Kunsabagay, masasakit nga naman yung lumabas sa bibig ng lalaking ito. Humarap ito saakin at napatitig nanaman ako sa mga mata niyang kulay abo."Are you okay?"
"Yeah, thanks." sabi ko at tatalikuran ko na sana siya ng hawakan niya ako sa braso. "Why?"
"Umhh, pwede ba kitang ihatid sa room niyo?" iba't ibang bulungan nanaman ang narinig ko sa paligid. "Pssh"
Napatingin ako sa relo ako at malapit na nga mag-umpisa ang klase namin. "Sure, magkatabi lang naman yung room natin."
"Paano mo alam?"
"I just know."
Huminto kami ng nasa tapat na kami ng classroom namin. Humarap ako sa kanya at napatitig nanaman ako sa kanyang kulay abong mata.
"So, see you around?" sabi nito at pansin ko na nahihiya siya na kaharap ako.
"Yeah, see you around." sabi ko at pumasok na sa classroom.