♥XIV♥
After the Uniting event, we decided to have a rest for a day. Hindi narin kami pumasok since tapos na ang trabaho namin and nakatira narin kasama namin ang tatlo dito sa bahay.
"Uyy Miss U, dumating na ang grandparents mo."
Xyrin keep on calling me Miss U dahil nanalo ako sa pageant at ganun din si Kire.
Tumayo ako at sumilip sa bintana, nakarating na nga sila dahil meron na ang sasakyan nila. They went to a vacation kaya wala sila nitong nakaraang araw.
"Sir Nathaniel, can I visit my grandparents?" tanong ko kay Nathaniel na kasalukuyang inaasikaso ang maiiwan namin dito, naka impake narin kami dahil bukas na bukas ay aalis na kami.
"Sure, isama mo na yang mga kaklase mo para mawalan ng maingay dito." sabi nito habang hindi parin ako tinitignan.
"Sumama kana rin Sir, Mamu Celine will be glad to see you again."Kita ko ang pagkagulat sa muka niya.
'Yes Nathaniel, kilala na kita. At natatandaan na kita'
"What do you think Sir?"
"U-uh sige, i-i'll just finished this."
Pagkatapos na maayos ni Sir ang lahat, nagpunta kami sa katapat naming bahay which is kila lola.
"Grandma.. Grandpa.. " tawag ko sa kanila at yumakap.
"Light.. Apo, kamusta na?"
Humiwalay kami sa pagkakayakap at naupo kaming lahat sa couch.
"Ayos naman po grandma, actually kakatapos lang ng misyon namin" napatingin ako sa mga kasama ko na tahimik lang. "Lolo, lola. Mga kaibigan ko po pala. Si Vron pinsan ko, anak ni Tito Silver,Si Xyrin,Qentaki,Marco,Lance,Kire and Sir Nathaniel, Chief namin at adviser po."
"Nathaniel, napaka pamilyar mo anak, nagkita naba tayo noon?" tanong ni grandpa. Kaagad namang nagpawis si Sir dahil doon.
Napatingin siya sakin at tinanguan ko lang siya. Hindi naman niya kailangang itago ang totoong siya.
"Ako po yung batang kinupkop nito noon, yung batang umalis dahil may gustong patunayan sa sarili."
"NatNat!! Hahaha akalain mo yun, ikaw nga. Nako napaka gwapo mong bata, naalala ko pa noong pinapasan mo si Light sa likod mo."
Napasimangot naman ako dahil sa naalala ni Lola. Yes, para kaming magkababata ni Sir Nathaniel dahil nag stay siya dito sa bahay na to noong 5 years old siya hanggang sa mag 10, ganun din ako, bumibisita ako dito palagi dahil gusto ko siyang makalaro hanggang sa umalis nalang siya bigla.
"huh? Paano yun nangyari? Palagi kaming magkasama ni Light, lolo at lola." singit naman ni Vron.
"Bumibisita kasi sila noon dito Apo kong makulit, e umalis na noon si Natnat nung sumama ka sa pagbisita dito."
Napa 'ahh' nalang sila dahil na nalaman nila. Ako nga din e, nung nalaman ko kung sino talaga siya, hindi ako makapaniwala, after all this years? Just wow, anlaki na ng pinagbago niya. Proffesor narin siya sa wakas.
Matapos makikain at makipagkwentuhan nila Xyrin kila lola ay bumalik narin sila sa bahay, habang ako ay nagpaiwan na muna. Si lolo Rude ay natutulog na yata.
"Kamusta naman si Kiara, apo?" hinahaplos ni lola ang buhok ko, kagaya noon, ganito rin ang ginagawa sakin ni Ina kapag magkasama kami.
"Ayos naman la, tinutulungan niya sa pamamahala si Tito Alexis sa kaharian, masaya naman sila ni Ama."
"Napakarami ng pinagdaanan ng Nanay mo bago niya nakamit ang tiwala ng lahat ng tao sa Ishyros. Itinago namin siya dito sa mundong ito at sinanay para sa pagbabalik niya sa mundong iyon. Parang kailan lang nung nasa edad ka niya, napaka tapang na bata, at ngayon ay ikaw naman ang haharap ng hamon ng buhay."
"Kaya nga po lola e, may nagbabanta nanamang masama sa Ishyros at sa mundo ng mga tao. Ayokong masayang ang sakripisyo nila Ina para sa kapayapaan ng Ishyros, lalaban ako la, katulad ni Ina."
"Nandito lang kami apo, lalaban kami kasama mo. Ang laban ay hindi lang sayo kundi pati narin saamin. We will fight with you."
Niyakap niya ako at ganun din ako. I know they will fight with me no matter what, but I can't let them suffer because of those Dark Magians. I need to protect them no matter what. If my mother can do that, then i will make sure na kakayanin ko rin. Fighting with them and for them is a great thing that a Light Veronica can do.
-
This is the day na babalik na kami sa Ishyros at mag-aaral sa Academy, gumagawa ng portal si Nat at kami naman ay nakaupo sa sofa.
"Shete, kinakabahan ako brad."
"Para kang bakla Lance"
"Nagsalita, sus nanginginig ka nga Marco e. Wag ka nga!!"
"Shut up.. Ang ingay niyo." suway sa kanila ni Kire na parang anlalim ng iniisip.
"Don't worry, hindi namin kayo papabayaan sa Ishyros, kami ang bahala sa inyo. Diba Light?" masayang sabi ni Vron.
"Yes, as long as hindi pa kayo comfortable sa Ishyros, you can count on us." plain na sabi ko at tumayo na dahil tapos ng gawin ni Nat ang portal.
Tumayo narin sila, bigla namang tumabi sakin si Kire. Tinugnan ko ito pero diretso lang ang tingin sa portal. He's sometimes weird. Isa-isa silang pumasok, papasok na sana ako ng portal ng hawakan ni Kire ang kamay ko at hinila ako papasok sa portal and in *poof* nasa loob na kami ng opisina ni Miss Deria.
"Oyy oyy, ano yang magkawak kamay na yan ha." puna ni Vron samin ni Kire. Imbis na bitawan ang kamay ko ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak nito.
"I'm just securing my comfort zone." he said at nakita ko ang munting ngiti na sumilay sa mga labi niya.
"Hmmp, wag mo aagawin sakin si Light Mr. Laurent dahil tutustahin kita." banta ni Vron na ikinatawa lang ni Kire.
"I won't, since pinsan ka niya, pag nagkataon ba magpinsan narin tayo?"
"Anong kapag nagkataon!? Gusto mo ba talagang matusta?" nanggagalaiti na itong nakatingin kay Laurent na para bang handa na siyang sunugin ito ng buhay.
"Tama na... Mga bata. Welcome back and Welcome to Magicus Academy, where every magic enhance to be more powerful." masayang salubong samin ni Miss Deria.
Babati narin sana kami ng humahangos na pumasok ang secretary niya. Ng makita niya kami ay parang nagulat siya, lalo na saakin.
"Princess Light, anobg ginagawa mo dito? Diba nasa cafeteria ka?" sabi nito na ikinakunot ng noo naming lahat.
"Kakarating ko lang Miss Orton galing sa misyon. How come na mapupunta ako kaagad sa cafeteria?"
"Kakarating mo lang? Pero dumating kana last week maging ang Alpha."
"Sandali Orton, anong pinagsasabi mo? Anobg nangyari noong wala ako?"
"I think, Princess Light and the Alpha's has an impostor." napatingin kami kay Nat.
Tama siya, kung akala nila na dumating kami last week, pero ang totoo hindi, malamang ay may nagpapanggap na kami.
"Anong ginagawa nila?" tanong ko.
"Kinakawawa nila ang mga estudyante. Kaya nga ang ilan ay nagagalit sayo Princess Light, ang akala nila ay ikaw ang taong iyon."
"It's okay if they hate me pero hindi ko gusto ay yung dahilan. How come na nagkaroon kami ng impostor sa school natin kung mahigpit ang security dito?" napaisip ako sa mga pangyayari and I remember something. "Now I know."
"What?"-Them
Maybe this is the right time para lumabas ang tunay nilang anyo. This is the time para umalis sila sa Academy nato.
"I know, who they are.. Miss Orton, can you please bring our things in our house? Pati yung sa tatlo pa naming kasama. We will just handle this thing."
"Sure Princess Light."
It's gonna be boring~
♥♥♥♥♥
BINABASA MO ANG
[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔
Fantasía[MAGICUS ACADEMY BOOK 2]