CHAPTER 5

126 4 0
                                    

"MIRAAAA!!! IKAW NA BATA KA! LUMABAS KA DIYANNN! DIBA SABI MO MAY TRABAHO KANA?! KAYA BILIS KUMILOS KANA DIYAN NG MAKABAYAD KANA!DDFDFHJHGU
GROVXXVB---" bungad sakin ni aleng chubbs ng pagbuksan ko ito ng pinto.Pero bago pa ito matapos kakasermon pinasakan ko na ito ng pandesal.Kaya tuloy parang pipe.



"Aleng chubbs..kalma. Kalma lang baka matunaw yang taba niyo sa mukha." Napatigil naman siya bigla at nanlalaki ang mata na napahawak sa taba niyang pisnge. Lihim tuloy ako napangiwe.



Nilunok muna nito ang pinasak kung pandesal sa bibig niya bago nagsalita ng mahinahon.



"Pero sabi mo magkakatrabaho kana at magbabayad ka ngayon. Asan na miraaa??! Paaasahin mo rin ba ako tulad ng pagpapaasa mo sa anak ko??! " hala siya! Di ko kaya pinaasa anak niya. Sadyang honest lang ako. Binusted ko kase ang anak niyang mana sakaniya kaya ayan lalo tuloy uminit dugo sakin ng taba na yan. *puot




"Eh?? *kamot ulo w/ nahihiya effect* aleng chubbs wala akong sinabi na makakabayad agad ako pag nagkatrabaho na ako. And yes natanggap na po ako dun sa M.Empire bilang Executive Assistant po. O'diba taas ng posisyon ko. Hehehe" pasin kung napatango tango ito pero hindi pa rin bumababa ang napakataas nitong kilay.


"Kaya sana po aleng chubbs pag kasweldo ko na po ikaw mababayaran w/ advance payment pa. Dyosa promise po yan." Ngumuso pa ako na parang tuta at natitwingkle pa ang mata ko para maawa si aleng chubbs. Alam kung di ako nito matitiis eh. Heheh


"Mira siguradohin mo lang hindi yan magiging bato tulad ng pagpapaasa mo sa anak ko." Bitter bitteran na anya niya.


"Aleng chubbs naman, di ko nga po pinaasa ang anak niyo. Matagal ko na po siya sinabihan na di ko talaga siya destiny......anak niyo lang naman umaasa eh." Katwiran ko syempre binulong ko nalang ang huli.hihihi




"Ano naman yang binubulong mo mira?! " lalong tumaas kilay na sabi nito.



"Naku! Wala po! Sabi ko po ang sexy niyo ha. Hindi halatang my labing dalawa kayong anak at take note lahat malulusog." Pang uuto ko dito. Kaya tuloy biglang lumiwanag ang mukha nito at inayos pa talaga ang pagkatayo niya saka nilagay ang dalawang kamay sa baywang para magmukhang kandidata sa mga pageant. Napaismid na lang tuloy ako pero di ko pinahalata.



"Ehem. Siguradohin mo talaga mira na my trabaho kana kundi--"

"Si aleng chubs talaga di naniniwalang my trabaho na ako? Alam niyo ba aleng chubs? Thirty-five thousand ang starting salary ko. Take note ha, starting pa lang yan, starting!" Naningning ang mata nito.




"Talaga? Aba 'y mabuti naman kung ganon ng makabayad kana sa mga utang at renta mo. Akala ko papaasahin mo naman ako. " kyaahh! Did I hear it right?!





"Aleng chubbs! Umaasa ka rin pala??!"





"Aba't---"di ko na pinatapos si aleng chubbs ng dahan dahan kung hinawakan ang doorknob ng pinto at dali dali ko itong sinara. Dinig ko pang nagputak putak pa ito sa labas pero ng kalauna'y tumahimik na sa labas.



Matapos kung gawin ang morning rituals ko ay sinuot kuna ang off-shoulder kung kulay blue na blouse sabay patong ng white blazer at corporate fitted black skirt. Lalo tuloy humapit ito sa baywang ko. At syempre di mawawala ang high heeled na sapatos. Kahit hindi ako sanay nito gumamit pero my kasabihan diba na 'TIIS GANDA' hehehe. Nang naisuot ko na ito nagpasiguro pa ako na magdala ng tsenelas. Para pag nangalay may reserba. Hahaha




Pulbo at lipbite lang ang ginawa ko para lalo gumanda.Sinuklayan ko pa ang unat na unat kung buhok na tanging dove ang shampoo ko dito. Nang masiguro na dyosa ako ay lumabas na ako ng apartment.
Grabe hindi pa rin ako makapaniwala na tanggap na ako. Pagnaaalala ko tuloy yon parang umiinit pisnge ko.



My Childish SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon