Miracle 'POV
Hayyyst! Buhay nga naman parang life! Huhuhu
"MIRAAAAA!! LUMABAS KA DYAN!!! APAT NA BUWAN KA NG DI NAKAKABAYAD NG RENTA MO!! HUYY!"
Halos magiba ang pinto ng apartment ko dahil sa malakas na pagkatok ni aleng chubby!
Napapikit ako ng mariin ng hindi pa talaga ito tumitigil. Bumuntong hininga muna ako bago ko ipinagbuksan ito ng pinto. Naawa na kase ako kay aling chubby baka lalo lamang ito tumanda dahil sa wrinkles masyado kase iniistress ang sarili..haayy naku mapapasubo naman ako.
Pagkabukas ko ng pinto sumalubong sa'kin ang inahing baboy ay este c aleng chubby pala. Lihim lang ako napangiwi ng sumalubong sakin ang matatalim nitong tingin.
Napatampal kunyare ako sa noo ko at nahihiyang ngumiti sa kaniya. Ginamitan ko pa ito ng puppy eyes. Pero mukhang masama ata ang gising ng matabang ito..huhuhj"Ano mira?! Kailan kA pa magbabayad ng renta mo???ha!! "
"Aling chubby ,wala nga ho akong pambayad! Pero maghahanap naman po ako ngayon ng trabaho" nagpapaawa kung sabi.
"Abat kailan pa iyan?? Palagi naman yan ang bungad mo sakin! At saka wag mo nga ako madaan daan sa pagpapaawa mo! Kahit maganda ka at parang anghel hindi mo ko maluluko!hmmp"
Napabuntong hininga na lang ako na naluluhang tumingin sa kaniya habang nakapuot ako.
"Aleng chubby naman eh....*sob" napayuko ako para damang dama ang pag iyak ko.
"A-ah h-huwag m-mo nga ako iyakang bata ka!" Tumingin pa ito sa paligid siguro marami na nanonood samin kaya para itong natataranta.
'Grabe talaga si aleng cha pati si mira natin hindi na niya pinalagpas..tsk tsk'
'Ang sama talaga ni aleng cha!! Alam ng wala pa pera si mira natin eh!'
'Oo nga eh! Sigurado ako paglinaalis niya si mira ngayon panigurado baka maletchon siya ng mga kabarangay natin!'
Pasimple akong umangat ng tingin para makita ko ang namumutlang mukha ni aleng chubby..hehehe
Napayuko ulit ako ng bigla itong tumingin sakin syempre balik iyak pa rin ako.
Narinig ko pa itong napabuntong hininga at mahinahong nag salita."M-mira ano..ahm p-pasensya kana kanina k-kung napagsigawan kita " nahihimigan kung natataranta ito ng lalong dumami ang mga nagbubulungan.
Tumingin ako sa kaniya at malungkot na ngumiti.
"A-ayos lang p-po ..napatawad ko na po kayo" ngumiti ako ng matamis napansin kung napatulala ito ngunit nakabawi naman.
"Sige na ...kapag nagkatrabaho ka magbayad kana. Sige alis na ako. Pasensya ulit mira." Malumay niyang sabi.
Ngumiti na lang ako ng napakalawak at nagflyingkiss pa.
Pansin kung namula si taba pero tumalikod ulit ito at lumakad na.
Sinundan ko muna ito ng tingin bago ko isasara sana ang pinto ng my tumawag ng napakaganda kung pangalan.
"Miraaa"
Nilingon ko ito ng my poise yung pinapalipad ang buhok sabay sabing. "Yes?" Painosenteng tanong ko.
Saglit itong napatigil sa pagtakbo at napatulala pero mga ilang sigundo nakabawi ito. Lumapit ito sakin at mukhang my good news ito.
"May trabaho kana."
Naningning ang mga mata ko at di ko mapigilang napayakap dito.
"Thank you. Love."
~~~~~~~~~~
A/N: Enjoy & Feel Reading. Plss Vote & comment.😊
![](https://img.wattpad.com/cover/146518565-288-k820368.jpg)
BINABASA MO ANG
My Childish Secretary
RomanceSiya si MIRACLE SAMANTHA FLOREZ a.k.a Mira. Isa siya DYOSA sabi niya yan hindi ako ang nagsabi niya. Mira: waaaahh! Ms.A!! Dyosa kaya ako!!! *puot Oo na lang daw Mira sabi ng mga readers. Hahahah Mira: NAMAN EH! *puot sabay walk out Uyy! Miraaa bini...