FFH25: The ex and the...Future??

259 9 3
                                    

AJ's Pov

"AT IKAW----ANDREW?"

Halatang halata sa mukha nya na gulat na gulat sya.

sino ba naman kasing hindi magugulat kung mabubunggo mo ang ex mo.

"I'm Sorry. Kasalanan ko pala...bye."

Then mabilis syang naglakad palayo sa amin.

Lumapit naman yung guy na humahabol sa kanya sa akin.

"Magkakilala kayo ni Aphrodite pare?"

Mukhang matino naman itong guy na to.

pero ano kaya sya ni Aphrodite?

Is he her boyfriend?

tss.

Ano naman sayo andrew?

Di na kayo ni aphrodite.

Atsaka wala namang nababalita na may boyfriend na ulit si Aphrodite e.

"Yeah. Andrew nga pala."

Inabot ko yung kamay ko sakanya para makipagshake hands.

"Cloud."

then he shook my hand.

"Ano mo si Aprodite? Friend ka ba ng masungit na yun?"

tanong nya.

Friend nga ba kami?

tss.

maybe I should be honest.

"Nope."

"nope? so ano ka nya?"

Tanong nya ulit.

"I'm her ex boyfriend."

hindi naman sya nashock

"ah. fling."

pabulong nya pa yan sinabi pero syempre nainig ko.

at kung akala kong nice guy sya hindi pala.

tss.

Payabangan pala gusto ng isang to e.

Then I'll show you what you want.

"actually I'm not her fling. We lasted for two years. E ikaw ano ka ba nya?"

My turn to ask.

kanina pa sya tanong ng tanong e.

"Me? tss. If you're the ex... well I'm her future. By the way nice meeting you. Una na ako."

Saka sya umalis.

Future?

tss.

ang kapal naman ng mukha ng lalaking yun.

feel na feel nya namang sasagutin sya ni Aphrodite.

hindi katulad nya ang mga taste ni Aphrodite no!

tss. Feeler.

Dagdag pabwisit.

-_-"

Fell for himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon