FFH14: I'm just a bestfriend...

386 10 5
                                    

Dion's Pov

*takbo

*hanap

*takbo

*hanap

*takbo

Kanina ko pa hinahanap si Zelle.

Hindi na nga ako nakabalik sa room kahit na sinabi ni Ma'am na may quiz kami.

uunahin ko pa ba yun?

Lunchbreak na ngayon pero hindi ko pa rin sya nakikita.

Pagod na ako pero ayokong sayangin ang oras ko.

baka mamaya yun pa ang ikapahamak nya.

"DIIIOOONN!!!"

napalingon ako sa mga sumigaw at nakita ko ang tres gwapitos.

tumatakbo sila palapit sa akin.

"Ano nakita mo na ba sya?"

tanong ni Andrew.

Hindi ko sya sinagot.

Para sa akin kasi sya ang may kasalanan nito.

alam ko hindi nya ginusto pero kung sana nagsabi sya ng maayos samin na nagpalipas lang sya ng oras..

kung sana nagtext lang sya o tumawag...

hindi na sana sya hahanapin ni zelle...

at hindi sana ako mag aalala ng ganito ngayong si Zelle na ang nawawala.

Damn it!

bakit kasi inuna ko pa yung pag eemo ko kanina e!

Nagulat ako ng tapikin ako sa balikat ni Marco.

"Everything's all right pare"

"sana nga"

yun nalang sinabi ko saka tumakbo na ulit para maghanap.

Alam ko naman na kaya na ni zelle ang sarili nya e.

malakas yun pero hindi ko maiwasan mag alala.

ibinilin sya akin.

sagutin ko sya.

Fell for himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon