Comfront of the lovers
Ace's Pov
Hindi ko alam kung bakit ako nasa lugar na to.
Kung bakit pumayag akong makipagkita kay Hernandez.
pero ano pa bang magagawa ko?
andito na eh.
mas mabuti na ring magkaharapan na.
Nakatingin lang sya diretso sa mga mata ko.
"Magtititigan na lang ba tayo dito Hernandez?"
Tanong ko sa kanya.
Pero hindi sya sumagot imbes nagbitiw sya ng isang suntok na nakapagpatumba sa akin.
Fvck!!!
Pinunasan ko yung dugo sa labi ko at tumayo.
Pero hindi pa ako nakakatayo ng maayos sinapak nya na ulit ako.'
Ngayon dinadaganan nya ako at pinagsususuntok.
"Gago ka Castillo! Pinagkatiwala ko sayo si Zelle! Pero ano? Fvck!! Sinaktan mo sya!!"
Hinayaan ko lang syang sapakin ako ng sapakin.
Wala akong pakialam kung mabasag nya yung mukha ko.
Kung mapatay nya man ako.
Alam ko ang nararamdaman nya.
Ang makitang nasasaktan ang taong mahal mo ay doble ang sakit sayo.
Maya maya lang tumayo na sya.
"Tumayo ka na dyan. baka mapatay lang kita."
Sabi nya ng nakatingin lang sa akin.
Hindi ako tumayo imbes tinawanan ko lang sya.
"Kahit patayin mo ako. Hindi ka pa rin mamahalin ni Pritzelle"
Sabi ko na lalong nakapagpagalit sa kanya.
"GAGO KA!!!BAWIIN MO ANG SINABI MO!!!"
Saka nya ulit ako dinambahan at sinapak ng sinapak.
Mas malakas kaysa sa nauna nyang mga sapak sa akin.
pakiramdam ko ano mang oras pwedeng magkalasog lasog ang bungo ko.
BINABASA MO ANG
Fell for him
Fiksi RemajaShe is a lesbian. She hates every things that is so girly. She hates pink! Until she met him.A playboy who have a mission to hurt her, to break her heart. But instead of making her fall to him he was the one who fell for her. Her best friend is in l...