FFH 48:COmplicated Couples

216 8 2
                                    

AJ's pov

Nakaupo lang ako sa kotse ngayon malapit sa bintana.

Tahimik pa ang buong sasakyan kase wala pa yung dalawa.

Una naming dinaanan si Benj.

Pagsakay na pagsakay nya palang nakita ko na na nakakunot ang noo nya habang nagtetext.

Oh anong nangyare dito?

"Damn it!"

Sabi nya.

"what's the problem bro?"

tanong ko sakanya.

"None"

None? E kulang nalang mawasak yung cellphone nya sa higpit ng paghawak nya eh.

-_-"

Siguro nag aaway sila ni Kiara.

Tss.

Hayaan na nga.

Sunod naming dinaanan ay ang madaldal na si Marco.

Pero ang klase palang ng pagbukas nya ng pinto ng kotse halata mong wala rin sya sa mood.

Kitang kita mo rin na ang dark ng aura nya.

anong problema ng mga tao ngayon?

Ganyan ba talaga pagmaylove life na?

Nagiging problemado?

Hindi naman ako ganyan dati nung kami pa ni Aphrodite ah?

Hindi ko na tinanong si Marco kung ayos lang ba sya dahil halata namang hindi.

Baka mamaya sa akin nya pa maibuntong yung galit nya.

-_-"

Pagdating namin sa school nagmamadaling nagbabaan yung dalawa.

Kulang na nga lang magsabay sila sa paglabas eh.

Seryoso, anong problema ng dalawang itlog na yun?

Imbes na problemahin ko pa ang dalawang yun dumiretso nalang ako sa room.

Pero hindi ko pa nararating ang room namin ng masalubong ko si Ace.

Fell for himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon