Chapter 2 - "I saw him/her"

5 0 0
                                    

Chapter 2 – “I saw him/her”

Nica’s POV

After kong mag-ayos ng kwarto ko, naligo at nagpalit na ako. Lalabas kami ng bestfriend ko. Boring eh. Hahaha.

Nandito na ako ngayon sa meeting place namin. And wala pa siya. Grabe. Ganun parin siya. Tsk. Yaan na. Mahal ko naman. Makaboyhunting nga muna….

After 3 minutes… Eynebeyen. Wala man lang pogi. :/ Antagal pa ni Leyca. Ubos ko na tong iniinom ko. Haaaay.

Paglingon ko sa pinto, may nakita akong pogi. :”> tekaa. Parang pamilyar..

Teka muna wait. SIYA NGA!!! YUNG NASA PANAGINIP KO!!! OMYGAASSH! TOTOO SIYA? :o waaaa. Ampogi niyaaaa.

Brent’s POV

Andito ako sa mall ngayon. Kasama ko si Ate Leigh. Galing kasi siya sa Canada. And natripan niya ako. Magdate daw kaming magkapatid. Ako lang kasi ang kapatid niya.

Habang naglalakad kami, nakasalubong ko yung tatlong kaklase ko na babae.

“Brent! Girlfriend mo?” tanong nung isa. Tumawa muna kami ni ate. GF? Hahahaha.

“Hahahaha. Hindi.” Sagot ko.

“Nililigawan mo?” tanong naman nung isa.

 “Hahahahaha. Grabe naman kayo. Ate ko to. Ate, mga kaklase ko. Uhm. Ate Leigh ko.” Pagpapakilala ko.

“TALAGAAA?! Para kayong magjowa eh.” Gulat na sabi nung isa pa.

“Hindi naman. Di ko lang talaga siya kamukha. Haha. Sige. Alis na kami.” Paalam ko.

Naiwan sila doong tulaley. Hahaha. “GIRLFRIEND? YUCK NO WAY! HAHAHAHA” si ate.

“Tara na nga. Nananakit ka na e. Dito na tayo. Hahaha.” Sabi ko nalang. Baka sumakit pa tiyan namin. XD

Pagpasok namin sa isang resto, may nakita akong babae. Parang siya. Yung nasa panaginip ko. Teka. Siya ngaaa! Totoo siya? :o

“Huy! Tulala ka dyan.” Sabi ni ate.

“Ay sorry. San tayo uupo?” tanong ko. Sana dun. Sana dun.

“Dun oh!” sabi niya sabay turo sa tabing table nung babae. YESSS!

Palapit na kami sa table, pero bigla siyang umalis. Lah. Bakit kaya? Pipigilan ko sana. Pero halatang nag-aalala at nagmamadali siya. Tsaka sino naman ako para pigilan siya dba? Kaya hinayaan ko nalang.

Nica’s POV

Nung nakita ko siya, nakatingin din siya sakin. Parang may inaalala. Hindi siya nag-iisa. May kasama siyang napakagandang babae. GF niya siguro yun. Haaay. Nevermind. Ang pogi niya talagaaaaa. :”>

*RING*RING*RING*

Ay. Istorbo..

LeycaGurl calling….

Sinagot ko naman agad.. Paghintayin ba naman ako ng matagal? -_-

“Nasan ka na ba? Antagal mo ha!” pambungad ko at halatang badtrip.

“Andito ako sa ospital. Lika dito sa ******.” OSPITAL?! ANYARE!??!

“Anyare?” biglang napalitan ung pagkabadtrip ko sa pag-aalala.

DREAM OF ME~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon