Chapter 10 - "COMPLICATED"

6 0 0
                                    

Chapter 10 – “COMPLICATED”

Brent’s POV

“HONEY.”

Di pa ako nagsasalita, pumasok na si mommy.

“Anak, mag-usap tayo.” Sabi niya.

Sige po. Kayo muna. Tapos yung side ko naman.”

“Anak, una sa lahat, pumayag na yung kompanya ng tatay mo sa kompanya natin. No personal issues. Business lang talaga. And tumaas yung rank natin worldwide. Pangalawa, nakilala ko yung nanay at tatay ni Hannah sa Canada and gusto rin nilang makipagtulungan sa atin. At isang abgay lang ang pwede nating gawin. Since, nag-iisa ka lang na lalaki sa pamilya natin, ikaw ang magpapakasal sa unica hija nila. Pag nangyari yun, lalo tayong tataas. Dadami yung pera natin.”

“PERA! PERA!PERA! Puro ka nalang pera ma. Hindi ko naman kailangan ng pera niyo eh. Ang kailangan ko, pagmamahal at pag-aalaga mo. Wala na nga si daddy, parang wala ka na rin. Tsaka ma, may girlfriend na ako. Mayaman din sila. Bakit hindi nalang sila yung kunin niyo? Yang si Hannah, ex ko yan ma. Di niyo kilala yan. Sasaktan lang niya ako. Pinaglaruan nga lang niya ako eh. Papayag ba kayo na masaktan ulit ako?” pagpapaliwanag ko. Hindi pwede to. Hindi talaga.

“Ex mo siya? Paano nangyari yun? Eh wala kang binabanggit sa akin. Akala ko nga NGSB ka eh.”

“Lagi ka kasing wala ma. Kaya di mo na alam lahat ng nangyayari sa buhay ko. Puro ka business. Puro ka pera. Sasaya ka ba talaga jan ma? Pagbigyan mo naman ako sa gusto ko. Kahit ito lang ma. “

“Di ko mapagbibigyan yang gusto mo. Pag nagkaroon tayo ng maraming pera, you can buy and do what you want.”

“MOMMY! HINDI MO MADADALA SA LANGIT YANG PERA MO! OW, SA LANGIT KA NGA BA PUPUNTA?” PUNONG-PUNO NA TALAGA AAKO. SORRY MA.

*slaaaap*

“Wala kang kwentang anak! Magpapakasal ka kay Hannah sa ayaw at sa gusto mo! At titira na siya dito mula ngayon.” sigaw niya sakin tapos umalis na.

HAYST. KAILANGAN KONG GUMAWA NG PARAAN.

Nica’s POV

Isang buwan nang hindi nagpaparamdam si Brent. Simula nung graduation, hindi na siya masyadong nagtetext sa akin. Ano bang nangyayari sa kanya? Andito ako sa labas ng bahay nila ngayon.

*Doorrrbell*

“Uhm. Ate. Nanjan po ba si Brent?” tanong ko sa maid na nagbukas ng pinto para sa akin.

“Ay. Ma’am. Nasa Canada na po sila. Kasama po niya yung mommy niya at si Hannah.”

HANNAH? KAILAN PA? EX YUN NI BRENT DIBA? BAKIT SILA MAGKASAMA!? ANONG MERON?! </3

Brent’s POV

Isang buwan ko nang di natetext si Meigs. Kinuha kasi ni mommy yung phone ko. Tapos pati yung laptop ko. Di rin ako pinapalabas ng bahay. Kasama ko lagi si Hannah. Anong klaseng parusa to? >.<

After ng graduation namin, dumiretso na kami agad dito. Di tuloy ako nakapagpaalam kay Meigs. We will stay here for 3 months. Babalik nalang daw kami pag mismong kasal na. Galing nuh? Para na akong pinapatay ng nanay ko. Lintek na pera yan. Di ko naman kasi kailangan yan eh. Haaaayst!

(FASTFORWAAAARD)

Nica’s POV

Magpapasukan na, wala paring Brent na nagpaparamdam. :3 Sa France nga pala ako mag-aaral. Ayoko na dito. Lalo ko lang namimiss si Brent. Magmomove on na ako. Ayoko na talagang umasang babalikan pa niya ako. :’( Mahigit tatlong buwan kayang di nagparamdam yun! Lagi ko na tuloy nakakasama si Renz. Bestfriend ko na siya. Himala nuh? Well, that’s life…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DREAM OF ME~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon