Chapter 3 - "MY DREAMGIRL"

6 0 0
                                    

Chapter 3 – “MY DREAMGIRL”

Nica’s POV

Makatulog na nga..

~Panaginip~

“Wala yun. Mag-ingat ka nalang sa susunod. By the way, I’m Brent. Carl Brent Loyzaga. And you are?” sabay lahad ng kamay niya for shake hands. Brent? Nice name. Ang hot. Like him. *o* Omyyy. :”> <3

“Meiganne Veronica Gonzales. Nica nalang.” Sagot ko.

“Oh. How are you related to Mr. John Gonzales of the Gonzales Industries?” tanong niya. Alam niya yun? Di naman ganun kasikat ang business namin ah.

“My father. You know him?”

“Uh. Yeah. Ikaw yung transferee diba?” pag-iiba niya ng topic. Parang may mali. Hay. Hayaan na.

“Yup. Actually, hindi lang ako. Pati yung bestfriend ko.” Sagot ko naman.

“Fourth year, right? Anong section mo?” tanong niya. Ay interview po? Haha. Ang pogi naman ng interviewer na to. :”> <3

“Yeah. Uhm. Section A1.” Nahihiya kong sagot. Kasi star section daw yun. In other words, section ng mga sikat, magaganda, gwapo at mayayaman. Siya kaya?

“Whoa. Dun din ako. Tara na.”

Eh? Kaklase ko siya? Waaaaaa. Ano to? Meant to be? Meant to be together? Or meant to be friends? Ay. Parang ayoko nung pangalawa. -_- Pumunta na kami sa classroom namin. Buti wala pa yung adviser.

Pagpasok namin… TAMA BA TONG NAKIKITA KO? LAWRENZ MIGUEL LOPEZ IS HERE? PAANO? EH SA AUSTIN UNIVERSITY SIYA DBA? Napatingin siya samin ni Brent.

Di ko nalang pinansin. Ang sama ng tingin na parang may halong nakakalokong ngiti. Yung parang may masamang balak? Waaaaaaaaaaa…

~end~

“Waaaaaaaaaaa!” sigaw ko pagkagising ko. Umaga na pala. Ba’t nasama si Renz sa panaginip ko? >.< Arrrgh. Siguro dahil kasama ko siya kahapon.

Siguro nga. Tapos yung tingin at ngiti niya. Parang may mali na ewan. Yung may kahulugan ba. Hayst. Tama na nga. Panaginip lang naman yun. Tama. Panaginip lang yun. At malabong mangyari. Pero gusto kong mangyari yung sa amin ni Brent. :’(

Sa panaginip na nga ako makakakilala ng lalaking almost perfect tapos may kontra bida pa. Grabe.

“Anak? May problema ba? Anong nangyari? Ba’t ka sumigaw?” Tanong ni mommy. Sa sobrang pag-iisip ko, di ko na namalayan na nakapasok na pala siya.

“Ah wala ma. May napanaginipan lang ako. Yung katuloy nung panaginip ko dati? Naaalala mo pa po?” ganito ako. Sinasabi ko lahat ng nangyayari sakin. Ganyan kami ka-open sa isa’t-isa dito sa bahay.

“Ahh. Oo. Nung sinabihan mo ako ng epal.” Sagot nya sabay tawa.

“Ano na ba nangyari?” dagdag niya. Kinuwento ko naman lahat ng nangyari. Nung nabanggit ko yung buong pangalan ni Brent, para siyang kinabahan na ewan.

“Anong problema kay Brent ma?” tanong ko.

“Wala naman. Ang cute kasi nung name.” sabi niya. Pero parang may mali parin. Pinabayaan ko nalang. Mothers know best, right? 

“Magbihis ka na. Magsisimba pa tayo. Tapos pupuntahan mo pa si Leyca.”

“ Sige ma. Saglit lang ako.” Sabi ko nalang. Tapos pumunta na sa banyo para maligo.

DREAM OF ME~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon