#FVMSnowWhite
---
Three years ago after that incident. Now, I'm destroyed. I'm fvcked up. I'm broke. I'm not the Snow White they used to know.
My name is weird so I don't have time to whose going to ask about my stupid name. Given by my stupid parents.
Alam ko kung gaano ako kabastos. Alam ko kung gaano ako kasamang anak. Alam ko kung gaano ako hindi nagkakaroon ng utang na loob sa pagbuhay nila sakin. Believe me, alam ko.
Pero hindi ibg sabihin na alam kong masama ako, hindi ako patuloy na magiging masama.
Aware lang ako, pero hinding hindi ako magsisisi.
Siguro may mga ibang tao na magtataka kung sino ba yung "He" na iyon. Well, He is my brother. He is my bestfriend. He is the only one who knows my real identity. He is my life. And he can replace our parents. But he died. He died because of me. He saved me from death.
I'm not cold before. I'm kind and friendly. But now I've changed. I've change a lot.
"Snow White Hindi ka ba talaga sasama sa amin? Mas mababantayan ka namin doon, e. Baka kung anong mangyari sayo dito. Ayaw mo naman na may katulong dito. Ano ba talagang gusto mo?"
Nagulat ako sa mama ko nang buksan niya ang pintuan ng kwarto ko. May halong lungkot sa boses niya. Akala ba niya madadala ako sa paganyan-ganyan niya? Sus. Hindi ako magpapapilit pumunta sa Korea.
At ano? Ikukulong nila ako at sa bahay mag-aaral. Kasama pa ng mga katulong. Ayaw ko nga!
That.will.never.happen. Capital A-S-A.
"Hindi nga e. Wala." maikli kong sagot. Nagtalukbong na ako ng kumot at nagkunwaring matutulog na naman.
Yes, Ganon ako magtrato sa magulang ko at kahit sa iba. Sila din naman may kasalanan nito e. Bakit pa sila igagalang? Hindi naman sila kagalang-galang.
Minsan talaga, kung may opinyon ka e dapat tahimik ka lang.
Timo ako, sa tuwing ang daming galit at mga salita ang nabubuo sa utak ko. I remain silent. Yun kasi ang pinakasafe na gawin sa lahat ng oras.
Sa tuwing nagiging tahimik ako, millions of thoughts are running. Siguro naman lahat ng tao ganun diba? Hindi lang naman ako.
Umalis na din naman sila. Ganon naman sila e hindi nakakaramdam. Palibhasa mga ulagain.
Simula siguro bata pa ako. Hindi ko na naramdaman ang presensya nila. Since then, si kuya na ang palagi kong kasa-kasama. My brother is my protector against bullies. Instead of taking care of us, my parents are super workaholic. Iniisip lang nila e ang work nila. Palagi nilang sinasabi na para din naman samin yun ni kuya. But mas maayos sana if balanse di ba? Di naman namin kailangan ng super duper daming pera e. All I want is their presence and their support. When my brother is still alive, palagi nya sinasabi na wag magalit kina mama at papa. At gawin ko na lang ang best ko to make them proud. But, Dumaan ang mahahalagang okasyon sa buhay namin ni kuya. Birthdays, Christmas, New Years and especially our Graduations. May dumating ba? Hinihintay namin ang pagdating nila pero nasasayang lang pala. Wala na silang sinabi kung hindi "Sorry babies. We're busy . Next time talaga. Nandyan na kami" tapos kapag napunta naman sila dito e konting oras lang? Aba namiss namin sila tapos sila hindi? Hustisya nga ineng. Ginawa ko na nga best ko to make them proud. Pero look what happened? Nung mamatay si Kuya. Hindi parin ako iniintindi ng mga parents ko. Hindi sila nadala. Wala silang kadadalaan. Hindi ba sila takot na mawala din ako? Palagi na lang sila pumupuntang Korea. Ayaw ba nila na dito na lang magnegosyo? Gusto nila ako sumama sa kanila sa Korea. Pero ayoko naman dun. Di rin naman nila ko iintindihin dun. For sure, maghahire lang sila ng maid para bantayan ako. Yes, I'm still mad but I need their presence. As my parents, it's their responsibilities to guide me.
But then, work is their priorities.
Wala akong magawa sa bahay. Tinatamad akong mag-aral Wala akong mga kaibigan. Wala akong paglilibangan. Ang boring talaga ng buhay ko. Yung mga ex ko. I mean ex-friends. Ayun, pamihadong nagpapapasasa. Wala ako e. Wala ang tinuringang mabait. Dati. Nung naging mailap ako sa tao e naging mailap na din sila sakin. Hindi kasi ako naging palasalita. Hindi ako nag-share ng mga nararamdaman at saloobin ko. Hinahanap ko pa ang sarili ko. Naghahanap pa ako ng pagkukunan ng lakas para mabuhay. Nanghahagilap pa ako ng atensyon ng mga magulang ko. Pero nung mas kailangan ko sila. Doon sila nawala. Doon sila nagdiwang. Dahil sa wakas ay may dahilan na sila para magmukhang masama ako. Para iwanan ako. Ang kailangan ko lang naman nun e nandun sila. Sinasamahan ako. Pinagpapatnubayan ako. Dinadamayan ako. Pero naisip nila ang inggit nila noon. Naisip nila ang nakukuha kong atensyon sa ibang tao kaysa sa pinagdadaanan ko. Naisip nila na baka pasikat lang ako. Kaya iniwan nila ako at naiwan akong mag-isa.
Nagpabaling-baling ako sa sarili kong kama at napaisip.
Kung ba hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko nun ay babalik ako sa dati. Yung dating ako.
Kung ba nanatili sa tabi ko sila Mama at Papa nung mga panahong kailangan ko sila e makakaclose ko sila? Ang sarap siguro sa pakiramdam nun. Na kahit wala na si Kuya e maalala ko ang mga pangaral niya sakin. Na huwag ako magagalit sa mundo at may dahilan ang lahat.
Ang sarap siguro sa pakiramdam matulog sa gabi knowing na may pamilya kang matatawag, gisingin ng mga magulang mo ng maaga kahit na antok na antok ka pa. Bumaba sa kusina at sabay kakain. Yung ang kakainin niyo e mga luto ng Mama.Kahit na umaga palang ay mapi-feel mo na ang magiging productive ang araw mo. Ibungad ba naman sayo ang masaya mong pamilya e swak talaga. Maghahanda at ihahatid ng Papa kahit malaki na ko. Makipagsapalaran sa school. Umuwi at maghintay sa Mama at Papa galing work. At magkwentuhan tungkol sa nangyari sa buong araw. Masarap nga siguro sa pakiramdam yon.
Nai-imagine ko na maaaring ganito an mangyayari.
"White, gising na"
Hindi ako iimik at magpapatuloy sa pagtulog.
"Nak, gising na"
Nasa dreamland ako. Don't disturb me, heeey.
"Hindi ka ga talaga gigising. A'a malelate ka na sa school. Hindi ka na ba nahihiya sa teacher mo"
And blah blah blah blah para magising ako.
"Two minutes pa"
Balikwas sa kama.
Wala na akong naririnig at ang tahimik na ng paligid. Makakatulog na muli ako at makakapagpahinga. Bakit ba kasi ang aga aga e kailangan pumasok sa school? Mabuti na lang mabait si Mama kasi feeling ko e hahayaan niya ko na um-absent ngayon.
"Ma naman!" napairit ako sa sobrang lamig. Napatakbo ako sa CR!
Biruin mo naman e sinabuyan ako ng Mama ng malamig na tubig. Ikaw kaya. Sobrang lamig at ngarag na ang mga ngipin ko.
Nakasara ang comfort room pero narinig ko si Mama na sumigaw ng "Maligo ka na diyan!! Para naman di ka mukang sisiw" At tumatawa pa, si Mama talaga oo.
Samahan mo pa ng malolokong kaibigang kapag nasa school ay todo ang saya sa sobrang kakulitan. Bad influence man ay idadahilan pa rin na ang mahalaga ay masaya. Mga kaibigang bawal ang kj. Bawal ang op. Dapat lahat e masaya.
Napabalikwas ako sa kama ko at umupo na lang uli. Nagulo ang buhok ko sa sobrang pagkafrustrate. Nagi-imagine na naman ako ng bagay na alam kong hinding hindi mangyayari. Nakakaloka. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag palagi akong mag-isa. Pero anong gagawin ko? Pinili ko to.
Inabot ng mga paa ko ang slippers ko na pambahay at tumayo. Naglakad na ako papuntang kusina. Nauuhaw ako. Oo, uhaw lang to.
Wala pa man sa kusina ay natatanaw ko na ang ref. Kumuha ako ng tubig at humila ng upuan sa may dining table. Saka ako umupo. Nung umupo ako at uminom, grabe. Doon pumasok sa utak ko na mag-isa na talaga ako sa kalakihan ng bahay na to. Magisa na talaga ako. Kailangan ko na tumayo sa sarili kong mga paa. Kahit mahirap. Kakayanin.
At hindi ko alam, may lumandas na palang luha sa mga mata ko.
Nasasaktan parin ako.
Di ko lang pinapakita.
Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong proteksiyonan ang sarili ko.
Kaya pinunasan ko ang luha ko.
Ang nagiisang luha ko.