#FVMDreamland?
---
Snow White's POV
Fuck! Ito talaga yun e. Bakit ba ako napadpad dito? Kasalanan nung lintik na liwanag yun. Shit shit shit. Pilit ko ng kinkalimutan ang tungkol dito e. Memay!
Mary's POV
Umuwi na ako sa bahay ni Snow White. At nanatiling umiilaw parin ang suot kong kwintas.
At syempre hindi nga? Kung hindi ako nagkakamali baka nandun si Snow White. Kung tinatanong niyo yung about sa kwintas? Maliit lang siya at lagi lagi kong suot. Simple lang siya at heart shape ang pendant. At yun kasi yung parang nakakonektado kay White. Hindi ko nga agad naalala. Umiilaw yun ng kulay pula na nakakasilaw na para bang kumukutikutitap na bituin kapag may nangyari sa kanyang masama o kaya'y mapadpad siya sa Dream Land. Oo Dream Land . Yun ang lugar na lahat nageexist. Walang imposible. Kung sa mundo ng mga tao. Yun yung parang buhay Fairytale. Lahat masaya, walang problema, walang sagabal, walang kontrabida, At kung may kontrabida man agad din namang nagwawagi ang mga mabubuti. But I think their description is half true and half not. Because:
DREAM LAND is:
Tama sila, Huwag ka na lang magugulat kung lahat nga ba nageexist doon at syempre walang imposible. At oo ang buhay dun parang Fairytale. Pero hindi naman laging masaya doon minsan kasi may mga problema din na hindi namin kayang iresulba kahit may tulong na ni Queen. Syempre doon may sagabal, hindi nga lagi masaya e. Pero sa pagkakaalam ko dati walang problema ang Dream Land. Meron lang talaga na hindi makuntento at nagtangkang lumayo sa Dream Land upang gumawa ng plano at angkinin ang Dream Land pag nagkataon. Nagsimula lang naman to sa isang tao. Hindi lang siya nakuntento at naghatak pa siya ng iba upang lumakas ang panig niya at magimpluwensya sa iba. Nagawa rin niyang humatak ng mga kakampi ng ilang tao, what I mean is galing sa mundo ng mga tao ngunit hindi parin sila malakas. Nakaepekto ito sa mga tao. At yun nga kasama sa naepektuhan ay ang pamilya nina Snow White. Simula nung masangkot ang pamilya nya rito. Ako na ang naatasan ni Queen na bantayan ang pamilya niya. Pinabantayan rin ni Queen ang ilang pamilya sa ibang acting guardian angel. Kailangan silang bantayan kasi kapag kumalat sa mundo ng mga tao ang Dream Land malaking gulo. Sa case naman ni Snow White wala siyang balak na ipagkalat ang tungkol sa Dream Land kaso may malakas akong pakiramdam na muhing muhi nya talaga ang Fantasy at ayaw na niyang masangkot dito. Pero wala na sangkot na siya e. Kaya nga kailangan ko siyang mabago e. Kailangan naming mailigtas ang buong Dream Land para na din sa kapakanan ng mga tao doon. Ok enough for that.
Umiilaw parin ang aking kwintas. Sana naman walang nangyaring masama sa binabantayan ko. Sana ok lang siya . E paano naman ako ngayon makakapunta sa Dream Land?
Sa kabila naman ng pagiisip ko.
Ayun sumulpot na naman si Acevon. Grabe kabute ba to at palaging sulpot ng sulpot. Nakakairita na talaga. Ngunit sa kabila ng pagkairita ko ay may nabuo na magandang ideya. Hindi kaya matutulungan niya ako na makapunta at makabalik sa dream land? Baka matutulungan niya ako. Oo tama nga.
" Mukha mo ba ga? parang may malaking problema e. " sabi niya ng parang pasiga ang dating. Na hindi mo alam kung gusto niya bang ariin ang mundo o ano. Tono pa lang e alam mo ng wala ng maiidulot na maganda ngunit no choice. Kasi siya lang ang mahihingan ng tulong ko. Ayaw ko namang basta basta humingi ng tulong sa mga tao. Masabihan ba ako ng baliw hindi ba? Pero mushroom pa rin siya no matter what.
" Bakit ba palagi kang supot ng sulpot. Kabute ka ba? " sagot ko na mababasa mo talaga sa mykha ko ang pagkairita. Nagiisip kasi ako kung paano makakapunta sa Dream Land e hindi pa ko natatawag ng Queen. e pero bakit iton isang to? Paano sya nakarating dito? hmmm? Gusto ko na talagang magtanong pero hagya na lumabas sa labi ko, napuputulan yata ako ng dila sa tuwing tatangkain kong magtanong at baggitin ang dream land. Para bang may tumutulak sakin na huwag ituloy.
" Hindi. Pero di ba sabi ko sayo? palagi lang akong nagmamasid sayo at ngayon nagpakita na ako " grabe yung tono niya parang ewan e. di ko maexplain. Parang may gustong iparating.
" So? tinanatanong ko ba? as if naman alam mo kung paano makakabalik sa Dream Land" sabi ko ng hindi na maipinta ang mukha. Aba nasabi ko ng para bang pabiro na may pagkairita na ewan. Tama lang ang ginawa ko, para kung sakaling wala siyang alam. Marami akong maipapalusot.
" alam ko nga -_____- " Grabe NR naman ngayon. NO REACTION. Ang bipolar naman nito. May mood swings ata e. Meron nga ata siya.
Ayy teka? hindi magsink in sa utak ko yung sinabi niya. Alam niya? e alam niya pala e. Ay wait di nga? Ibig sabihin, tama nga ang kanina ko pang iniisip? Walanghiya, Bakiy kasi kanina pang umuurong ang dila ko?
" Alam mo! 0_0 " sigaw ko ng nanlalaki ang mata at grabe lang late reaction ako dun ahh. Pero napakaimposible naman ng naisip ko at totoo nga?
" Oo, oo alam ko. Nanlalaki pa mata e. Hindi muna kasi nagtatanong. Psh. Hindi nagiisip. Halika sumunod ka sakin" grabe lang. So pinapalabas ba nito na tanga ako. Grabelungs. Sino sa amin? Di bale, basta alam ko na makakapunta na kami sa dream land ay ayoa na sakin. At least hindi siya nakaalis ng hindi ako kasama.
Hindi na ako sumagot baka kung ano pa masabi ko sa isang to. hay.
Nakarating kami sa isang bakanteng lote. Yung parang dun sa Doraemon yung itsura. Yun. Parang ganun. Napakalaking bakanteng lote na may mga holes sa tabi. Yung parang tambayan nila Nobita at Doraemon. Nasa dulo na ng dila ko ang sasabihin ko kaso nakalimutan ko basta holea.
Pumunta kami sa gilid at may sinabi syang blahblahasdfghjklwrtuicsexn.! Ano daw hindi ko naitindihan. At may lumabas na liwanag.
Ah ito nga. ito nga yun.
At yun hinila na niya ako patungo sa DREAM LAND ^_____^
May mabuti rin palang dulot ang isang to. Hindi rin pala lugj ang pagiging mushroom niya kahit papaano.
(FA/N) Ok lang ba? Sinipag kasi ako ngayon kaya naisipan kong magupdate. Huy huy. Read, vote, coment and be a fan. Grabelungs. huy kailangan ko ng feedbacks please. Positive o negative oks lang. Gusto ko lang malaman ko opinyon nyo ^___^. Sana may magtangka . Pretty please *-------*
At ohhhh biglang naging #639 sa fantasy category. Bakit ganun? pababa ng pababa. Pero okay lang sana naman magcomment kayo.Natutuwa kasi akong magbasa ng mga comments e. Nakakataba ng puso. Ang corny forevs. Hahaha ^___^
P/S: Recommend niyo naman ituuuu. PLEASE
Pilingerang otor,
Janelle