Chapter 2

2 1 0
                                        

Unedited.

Chapter 2

Muling humikab si Annie sa ika-limang pagkakataon. First day of senior high school life niya ay puyat siya. Wala pa kasi siyang matinong tulog.

Kaninang alas kwatro pasado na ng madaling araw siya dumating sa Natividad.

Panis ang freshness na ipinagyabang niya sa tropa niya.

"Panda." Kinalabit siya ni Louise.

"Five minutes." Aniya sa kaibigan niya.

Kasalukuyan silang nasa gymnasium para sa flag raising ceremony. First day of school pa lang ang dami ng announcement. Idagdag pa ang mga pabibong staff ng school na isa-isang bumabati sa mga mag-aaral.

Sa halip na makinig ay sinikap ni Annie na matulog nang nakatayo.

"Ano ba kasing ginawa mo at hindi ka nakatulog, ha?" Usisa ni Marjorie.

Pumikit ng mariin si Annie at inilagay sa labi ang daliri na animo'y pinatatahimik ang kaibigan.

"Umayos ka, friend. Malay mo ngayon pala darating yung dreamboy mo!" Pangungulit ni Louise.

Awtomatikong minulat ni Annie ang kaniyang kanang mata. Kapag usapang dreamboy talaga ay nagiging alerto siya.

Huminga siya ng malalim.

"Gotcha." Humalakhak si Louise.

Umirap si Annie. Sa kanilang magbabarkada kasi ay siya lang itong single. Sa barkada nila ay pito sila at sa kasamaang palad ay siya itong walang kapartner.

So sad.

Kaya naman todo-cheer ang ginawa ng mga ito para hindi mawalan ng pag-asa ang kawawang si Annie.

Nagwish na sila sa lahat ng pwedeng paghilingan. Wishing well man o 11:11. Kung may genie sana ay mas maganda. Mas epektibo.

Kung pwede lang din sanang umiyak kay Kuya Wil sa Wowowin para bigyan siya ng jowa eh.

"Yung matangkad, maputi, matangos ang ilong, matalino, talented, mayaman," Anang Pauline.

"At yung may pagka-mysterious type. Bagay kayo 'nun!" Wika naman ni. Erika.

Hindi tuloy naiwasan ni Annie na mag-imagine kung anong hitsura ng tinutukoy nila.

"Balita ko madaming transferee ngayon. Mostly STEM students kaya pagpray mo na lang na kaklase mo." Louise assured her.

"Kaklase namin! Ikaw lang naman itong humiwalay ng landas." Pauline said.

"Duh. I'm proud Humanista! Atsaka pinagpepray ko na huwag kayong magkaklaseng lahat para fair! Kainis kayo." Humalukipkip si Louise.

Matapos ang mala-MMK na pagbati ng mga teachers and staffs ay nagpunta na ang lahat sa kani-ka iyang classroom. Dahil first day of school nga ngayon, hindi pa nila alam kung saan ang classroom nila kaya inisa-isa muna nila ang mga classroom.

Sa pinto nakadikit ang list of students.

"Pau! Magkaklase tayo!" Sigaw ni Benj, yung boyfriend niya.

"Siraulo! Magkaklase pa rin tayong anim!" Wika naman ni Annie.

Humanap kaagad sila ng magandang pwesto at doon naupo. Nilapag nila ang kanilang mga bag sa ibaba at doon nagsimulang magkwentuhan.

Typical first day of school, sobrang ingay ng classroom.

"Shit ka Annie! Nagpagupit ka!" Panimula ni Pau.

Inexpect na ito ni Annie. Medyo nagtampo pa nga siya kasi hindi ito napansin kanina. Sa tropa kasi nila, once na may bagong gamit o new look pinapansin kaagad. Samantalang ngayon, hindi nila pinansin.

Ginago Ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon