Chapter 3

2 1 0
                                    

Chapter 3

Isang malakas na ring ng cellphone ang umalingawngaw sa mesa nila. Hudyat ito para bumalik sa kani-kaniyang ulirat ang magkakaibigan.

Annie excuse herself.

Tatanggi pa sana sila kasi balak nilang ulanan ng mga pang-intrigang tanong ang kawawang si Annie kaso may epal na tumawag.

At si Hiro? Inechapwera nila. Binalewala. Anti-Hiro kasi talaga sila. Sino ba naman kasing gugustuhin yung taong ilang beses ng nireject ang kaibigan nila di'ba?

"Hindi ko nga kasi siya gusto. Kaya wala akong ibang kayang gawin kung hindi ireject siya." Hiro said.

Napamaang naman ang tropa ni Annie. Bigla-bigla kasing nagsasalita kahit hindi naman kinakausap.

Hindi naman manhid si Hiro. Nararamdaman niya na unwelcome siya sa mesang iyon. At sa mga oras na ito ay pinapatay na siya sa isip nila. Sinasaksak. Binabaril. Sinisipa sa maselang bahagi ng katawan. Hinahampas ng kahoy. Sinusunog. Nililibing ng buhay.

"Kung ayaw mo e'di layuan mo. Hindi yung nagbibigay ka ng motibo para umaasa yung tao." Louise blurted.

Wala tuloy nagawa si Hiro kung hindi mag-walk out na lang.

"Subukan mong umepal sa love life ni Annie, hindi ako magdadalwang-isip sisipain kita sa baba! Sisiguraduhin kong hindi ka na mag-aanak!" Sigaw ni Loiuse nang nasa pinto na si Hiro.

Samantalang yung mga etudyante sa kabilang mesa mukhang may bago ng OTP matapos ng eksenang nangyari kanina. Let me clear things to you ha. Hindi sila kinilig sa pagbibigay ni Adonis ng bottled water kay Annie. Ang lame nga noon, eh. Sadyang may saltik lang talaga ang tropa kaya tuwang-tuwa doon.

But they find Louise and Hiro cute. Not mentioning that Louise is taken at may nililigawan naman si Hiro.

"Sana sila na lang."

On the other hand, tuwang-tuwa si Annie. Ayaw niya kasing sagutin ang kung ano mang itatanong sa kaniya kasi in the first place wala siyang maisasagot.

"Annie!" The two high pitch voice chanted.

Automatic na inilayo ni Annie ang screen ng phone sa tenga niya. Naalis yata yung mga tutuli niya sa tenga sa lakas ng boses ng dalawa.

"Kamusta? Bangag pa rin ba?" Iya chuckled.

"Kasalanan mo 'to gaga." Umirap si Annie.

Huminto siya sa paglalakad nang makarating siya sa third floor kung nasaan ang classroom nila. Sumandal siya railings at pinagmasdan ang mga estudyanteng labas pasok sa building.

"Pero aminin nag-enjoy ka." Singit naman ni Roana.

Tandang-tanda ni Annie ang experience niya sa Siento kasama ni Roana at ang ultimate crush niya. Pagkatapos kasi ng walang kwentang sagutan nila ng mga kaibigan ni Ralph noong unang araw niya sa syudad ay biglang dumating si Roana kasama yung di-umano'y kadate daw niya. No choice nga siya kung hindi sumama na lang sa dalawang malalanding bata kaysa naman makisama pa sa mga lalaking noon lang niya nakilala. No choice kasi sobrang nakakaumay makita ang dalawang hindi naman official na in a relationship pero wagas kung maglampungan.

Tiniis na lang niya iyon ng apat at kalahating araw. Naging chaperone man siya sa date ni Roana at ng ultimate crush nito at least nakagala siya ng matiwasay. Malayo sa mga kumplikadong lalaki. Malayo sa taong itago na lang natin sa pangalang Grumpy na mukhang may sama ng loob sa kaniya. Malayo din kay Ralph na nakikipagbalikan sa ex niya.

Hindi naman sa pag-aassume pero malakas ang pakiramdam niya na siya ang dahilan ng break up nila.

Saturday ang plano ni Annie na bumalik sa Natividad. Nakasakay na siya sa tricycle nang magtext si Iya na nasa Siento na siya. Ayun tuloy at naextend ang bakasyon niya.

Ginago Ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon