Chapter 1

8 1 0
                                    

Chapter 1

Vacation

"Gaga, pinagsasabi mong wala ka sa Siento ngayon?!" Sigaw ni Annie sa kabilang linya.

Napapikit ang babaeng nasa kabilang linyang si Iya at bahagyang nailayo sa tenga ang teleponong hawak. Ang tinis-tinis naman kasi ng boses nitong si Annie.

Literal na mababasag ang eardrums mo sa sobrang sakit sa tenga!

"Wala nga sabi. Problema mo?" Masungit na tanong ni Iya.

Alas tres y media pa lang ng madaling araw ay tumawag na itong si Annie kaya naman bugnot na bugnot ang kaibigan niya sa kaniya. Mas lalo siyang nainis nang sigawan siya nito matapos niyang sabihin na sala siya sa Siento.

But a thing came up into her mind. Napasapo sa noo si Iya nang mapagtantong may usapan silang dalawa ngayon. Nawala na sa isip niya ang bagay na iyon dahil sa training niya sa swimming.

"Nasa Siento ka na?!"

"I hate you na talaga ng sagad!"

Pinutol ni Annie ang tawag sa kaibigan. Ngunit ilang sandali lang ay nagring din ang phone niya. Hindi niya pinansin iyon at hinayaang maputol ang pagriring. Mga limang beses yatang tumawag si Iya bago sumuko at nag-iwan na lang ng mensahe sa kaniya.

1 new message received.

Iya

Soooorrrryyy kapatid! Nagkataon kasi na namove yung venue ng training namin. Dapakingteyp sa kabilang probinsya pa kaya hindi talaga kita mapupuntahan. :( Malapit na rin kasi yung contest kaya kailangan kong umattend. Patawarin mo na ako please? Babawi talaga ako!

She ignored the message and tried texting her friends. Ngunit gaya ni Iya, hindi sila available. Lahat sila nasa out-of-town vacation. Last week na kasi ng May kaya naman kani-kaniyang paraan kung paano susulitin ang bakasyon.

Kung mamalasin nga naman, ang paraan ni Annie ay makipagbonding sa mga kaibigan niya sa Siento City samantalang ang mga kaibigan naman niya ay makipagbonding sa mga kamag-anak sa ibang lugar.

Nanghihinayang tuloy si Annie sa anim na oras na ibinyahe niya gayundin ang pamasahe. Tatlong taon na siyang hindi nakakabisita sa Siento kaya naman sabik na sabik siya tapos ito lang pala ang maaabutan niya.

She ended up being alone.

Kinabukasan nagpaalam siya sa mga kamag-anak niya na mag-iikot siya sa bayan at pupuntahan niya yung mga bagong establisments. Mabuti na lang at may ipon siya kaya makakaorder siya sa iba't ibang mga coffee shop. Pero sa kabilang dako ng pag iisip, mas masaya sana kung may kasama siya.

Bawat stalls ay napupukaw ang atensyon niya kaya hindi niya namalayang may mababangga siya. Gaya ng cliche moment sa mundo ng romansa, she accidentally bumped into a man. Nakawhite shirt ito at faded maong pants. Halos lumuwa ang mata ni Annie nang makitang nagmistulang dirty white na ang kulay ng damit nito.

She didn't bother looking at the man's face instead nagbow siya while saying sorry to him at tumakbo paalis.

"Anyare sa'yo Hiro?" Tanong ni Andre na kalalabas lang sa coffee shop na pinanggalingan niya. Kasunod nito ang mga kaibigan niya.

Padabog na binagsak ni Hiro ang cup ng kape na hindi niya alam kung saan siya maiinis. Sa kape bang natapon na hindi pa niya nababawasan kahit kaunti o dahil sa mainit yung kape na siyang nakapapaso sa kaniya. Sa kabilang anggulo, pwede din na pinagtitinginan siya ng mga tao which is pinaka-ayaw niya. He hates attention.

Agad namang pinitik ni Jack ang tiyan ni Hiro na may bahid ng mantsa ng kape.

"Walang matigas na tinapay sa mainit na kape." He chuckled.

Ginago Ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon