Chapter 4

2 1 0
                                    

Chapter 4

Nakabawi na si Annie sa matinding puyat na narananasan niya. Ni hindi siya kumain ng dinner kahit paborito niya ang ulam na nakahain dahil pagpasok pa lang niya sa kwarto ay hinila na kaagad siya ng antok.

Annie is such a cute bubbly person. Sa sobrang cheerful niya na kahit nagagalit ay maiisip mo na nag-iinarte lang. Kaya kapag sobrang naiinis siya sa mga kaibigan niya ay hindi siya pinapansin ng mga ito. Pinagtatawanan pa nga.

It's been four years when they moved out to province of Natividad. At first, hirap siyang tanggapin dahil ibang-iba ang lungsod ng Siento dito.

"Ma, do we really need to move out?" Annie asked.

Masaya naman sila noon ah? Bakit kailangan pang lumipat? Noong una ay hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang gawing boarding house ang bahay nila para kumita at kapalit nito ang pagtira sa probinsya ngunit paglipas ng mga taon ay mas naliliwanagan siya.

Nang magkasakit kasi ang lola niya at mag undergo ito ng operasyon ay nabaon sila sa utang. Malaki nga naman ang maitutulong ng kikitaing pera sa pagpapaupa nito.

The houses are very different. Hindi gaanong magkakalapit ang mga bahay at may malawak pang gulayan sa likod-bahay. Hindi na sila nakatira sa isang subdivison bagkus ay sa bukid na. Sa harap ng bahay nila ang kalsada at sa kabila noon ay ang ilang ektaryang palayan na pagmamay-ari ng mga ancestor niya na ngayon ay nakasangla na.

Malayo ang mall. 1-2 hours away depende sa traffic. Maliit lang ang palengke at hindi lahat ng luho ay mabibili.

Mahina rin ang signal kaya hindi siya makapag-internet. Iyon yata ang oras na naging boring si Annie na kasama.

Tila nawala aang bubbly Annie noong panahong iyon. Palagi na lang siyang nakakulong sa kwarto nilang walang aircon. At ang ibinubuga naman ng electric fan nila ay sobrang init.

But right after her high school journey started ay nakapag-adjust na siya. She met nice people. She made new friends.

Ibang-iba sa buhay niya sa Montessori School na pinasukan niya noon.

Mas naappreciate niya rin ang sariwang hangin sa paligid. Ang pag-akyat sa puno kahit may period. Ang pagtambay sa gilid ng kalsada nang walang nakaambang panganib na darating.

Mas gusto na niyang tumira sa probinsya.

"Good morning kuya Fidel!" Bati niya sa tricycle driver na maghahatid sa kaniya ngayon sa school.

Maghihintay lang siya ng iba pang pasahero at aalis na rin sila. Maaga pa naman kaya hindi siya nag-aalalanh malate sa second day of class.

"Good morning ate Moy!" Bati ulit ni Annie sa SSG officer in charge sa araw na iyon.

Sila yung mga officer na taos pusong naglilingkod sa paaralan. Balita nga ni Annie ay mas mahaba ang oras na ihingugol nila sa community service dahil parte iyon ng duty nila.

Gaya ngayon, si ate Moy ang nakatalaga sa harap ng gate para imonitor ang mga estudyante kung sino ang lumabag sa proper uniform.

Ang agang dumating ni Annie sa school pero nauna pa rin dumating ang SSG sa kaniya. Grabe talaga ang dedication nila sa trabaho nila.

Pagtap niya ng ID niya sa entrance ay tsaka niya binati ang guard na nakabantay naman doon. Maging ang mga kasunod niyang mag-aaral ay binati niya.

Kung pwede lang siyang bansagang Ms. Friendship ay inawardan na siya noong Recognition Day.

When she saw a familiar built ay agad niya itong nilapitan. Kaklase niya naman kasi at gusto rin niyang maging kaibigan.

"Hail!" Tawag niya. She's panting nang maabutan niya si Hailee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ginago Ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon