TULA PARA SAYO

21 1 0
                                    

By: Patreng

Gagawa akong tula
Tula na babago nang iyong pananaw
Ang magbubuo sa ako at ikaw

Wala nang paligoy ligoy pa
Oo na..
sinasagot na kita

Ayoko nang patagalin ang panliligaw mo
Bakit patatagalin kung ikaw din ang gusto
Ayaw ko nang mahirapan ka pa
Gusto ko naman ngumiti ka

Mahal kita..
babe? .. baby?.. asawa ko?
Anong tawagan natin mahal ko?

Happy secondsarry mahal ko!
Kahit ano ay tatanggapin ko..
Dairy milk lang at teddy bear okay na ko

Masaya ka ba mahal ko?
Hindi ba't eto ang pustahan niyo?
Ang mapasagot ako
Ipabasa mo ang tulang ito sa barkada mo
Patunayan mong sinagot ko ang isang tulad mo

Tulad mong manloloko at laro lamang ang gusto
Tulad mo na pumayag pag pustahan ako
Kala mo ay hindi ko alam?
Kala mo ako ay mangmang?

Nagkakamali ka nang akala
Dahil hindi ako madaling magtiwala
Happy minutesarry mahal ko
Ayan kahit papano tumagal tayo nang minuto
pinagbigyan na kita sa iyong gusto

Tulad nang panliligaw mo
Ayaw ko na rin patagalin pa ang relasyong ito
bakit pa patatagalin kung nakuha mo na ang iyong gusto
ayoko nang mahirapan ka pa
Ngayon ngumiti ka dahil naging tayo na

Naging tayo na at hindi na magiging tayo pa
Ay wala na nga palang tayo
Ikaw nalang at ako

Salamat sa pagbasa nang tula ko para sayo
At tulad nang pagtapos mo sa tulang ito
Tapos na rin tayo

Gumawa ako nang tula
Tula na babago nang iyong pananaw
Tula na bubuwag sa ako at ikaw

-08/26/17

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear No OneWhere stories live. Discover now